Abby’s POV Nahinto ako saglit at makailang ulit ko pang binasa ang naging tugon niya. Napaismid ako. Hindi ako kinikilig; naiinis ako—talaga lang ha, Abegail? Naiinis ka talaga? Panindigan mo 'yang inis mo! Sita ko sa sarili. Then, I started to type na nakataas ang isang kilay. “No thanks,” I replied. Lumabas 'yung tatlong dots. Ibig sabihin, nata-type siya. Ilang segundo lang at nakapag-reply sya agad. “Sayo pa rin ‘to, tanggihan mo man nang makailang ulit. Sayo lang ako. All yours.” Muli’y ilang ulit kong binasa ang reply niya. Napapikit ako. Pinipigilan ang sariling mangiti. I even tried to concentrate on holding on to my annoyance toward him, dapat naiinis ako, papanindigan ko talaga 'yung inis ko! Naiinis ako. Saad ko sa sarili. Naiinis ako. Naiinis ka, Abegail– Langya! A

