Caleb's POV
Tahimik kong iniikot ang baso ng alak sa kamay ko habang nakasandal sa gilid ng bulwagan, ngunit matagal nang wala roon ang atensyon ko.
Nasa kanya.
Sa babaeng kasalukuyang sentro ng gabing iyon, it’s her birthday.
The lights above seemed to favor her, as if they knew where to fall. Bawat galaw niya ay may kakaibang gaan, elegante, natural, hindi pilit. Her gown hugged her perfectly, soft and graceful, but it was her smile that held me captive, kahit noon pa man.
That smile.
Iyog ngiting kayang patahimikin ang paligid kahit napapalibutan siya ng ingay, halakhak at tugtog. Iyong ngiting tila walang kaalam-alam kung gaano kalakas ang epekto sa isang taong tahimik lamang na nakamasid mula sa malayo.
Marahan kong inangat ang hawak kong wine glass at sumimsim mula rito, ngunit ang mga mata ko'y nanatiling nakatitig sa kanya.
She laughed at something someone said, slightly tilting her head back, and d*mn! Mas lalong lumitaw 'yung gandang taglay niya sa simpleng kilos na iyon.
The kind of beauty that doesn't beg for attention yet effortlessly owns every corner of the room
Hindi ko namalayan bahagya na pala akong napapangiti habang pinagmamasdan siya.
“I just want to remind you, young man, she’s off limits.” Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si Ninong Justine, ang kanyang ama.
“Hindi naman siguro lingid sa inyo na ayoko ng doktor.” Oo, ayoko sa doctor, dahil sa babaeng muntik ng maging dahilan na lumaki akong walang kasama tatay, and became the reason my mom cried herself to sleep every night when I was little. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Pero putek! Sa lahat pa ng puwedeng magustuhan doon pa 'ko nahulog sa babaeng gusto ay maging doktor.
Bahagyang natawa si Ninong Justine.
“Kaya nga, kahit malayo sa field ng negosyo ko, sinuportahan ko basta malayo rin sayo.” Mukha lang siyang nagbibiro, ngunit seryoso siya. Paano ba naman kasi saksi siya sa mga kagaguhan ko. Sa katunayan nga, ang mga ninong ko ang naglilinis ng mga kalat ko.
“Tangina naman, Nong, para namang ang sama kong tao,” angil ko.
“Hind ka masamang tao sadyang gago ka lang.”
“Tangina! Para namang walang pinagkaiba, nakakasakit pa rin.”
“Nasasaktan ka pala? Sa dami ng ginago mo.”