Abby’s POV
“Love, have you seen Caleb?” I heard Tita Danny asked Tito Adrianne.
“I was also looking for that guy.” Tito Adrianne answered. Pinasadahan nito ng tingin ang paligid, nagbabakasakaling makita ang hinahanap.
“Nasaan na ba ‘yun? Hinahanap na siya ng mga bisita niya.” Saad ni Tita Danny.
“Nakita ko na ‘yun kanina,” saad ni Tito Kevin na ginala rin ang tingin sa paligid.
“Sweetheart, where’s the red envelope na pinahawak ko sayo?” Napalingon ako kay mommy. Oh sh*t! I left it in the car pati na rin ‘yung gift ko kay Caleb. “Naiwan ko sa kotse. I’ll go get it, Mom.”
“Huwag na, tawagan ko na lang ‘yung driver.”
“Please also tell Manong to bring my gift, it is in the backseat.”
She tapped her phone and placed it to her ear. Hinihintay niyang sagutin ng driver ang tawag niya. Nakailang dial si Mommy nang tingnan niya ‘ko. Mukhang hindi sumasagot ang driver sa tawag niya.
“His phone is out of coverage.”
“It’s fine Mom. Ako na kukuha. It’s my fault naman at isa pa naiwan ko rin gift ko for Caleb.”
“Sige anak.”
Lumabas ako sa mansion ng mga Montefalco at hinanap ang family driver namin. Pagkalabas ko ng main door, nakita ko agad si Manong na kausap ang isang bodyguard. Naging alerto ang dalawa nang makita nila ako. Agad nila akong sinalubong.
“Uuwi na po kayo ma’am Abby? Magpapahatid po ba kayo?”
Umiling ako.
“Manghihiram lang ako ng car key; may kukunin lang ako sa kotse,” saad ko.
“Sana tinawagan niyo na lang po ako, ma’am, para ako na po ang kukuha; lumabas pa tuloy kayo.”
“Tinawagan ka po ni mommy, hindi ka po makontak.”
“Ay hala!” Mabilis na nilabas niya sa bulsa ang cellphone at tiningnan. Napakamot ito bigla sa ulo. “Sorry po, na-lowbat po kasi ito tapos chinarge ko, ‘di ko na na-turn on.”
Bahagya akong tumawa.
“Okay lang po.”
“Ano po ba kukunin niyo? Ako na kukuha.”
“Wag na po, ako na po. It’s fine. Pahiram na lang ng car key.”
“Sure po ba kayo?”
“Opo, Manong.”
Then he handed me the car key. Pagkaabot niya sa ‘kin ay agad na tinungo ko ang pinagparadahan ng sasakyan.
Nang makalapit sa sasakyan, I pressed the car remote key I was holding, and it beeped twice. Una, kung binuksan ang door sa likod ng driver seat, where I left the red envelope. Nang makuha ko ang pakay, agad kong sinarado ang pinto. Then, I walked over to open the backseat. I grabbed the paper bag, gift ko para kay Caleb. Inside were new things for his tattoo shop. After getting what I needed, I quickly shut the backseat door. I pressed the car key again to lock it.
Pabalik na ‘ko sa mansion nang biglang may umakbay sa ‘kin. Napahinto ako sa paglalakad.
Paglingon ko, it was Caleb.
“Hi, Bee!” Bee ang tawag niya sa ‘kin. It started when he tried to call me baby, para hindi raw halata Bee na lang, wala lang pang-aasar lang niya as ‘kin. Akala siguro niya na magiging isa ako sa mga babaeng maloloko niya. I have known him since birth at namulat na ako kung gaano siya gagago sa mga babae.
Sinamaan ko siya ng tingin at kay bilis kong umiwas sa pagkakaakbay niya.
“Wag mo kong hawakan.”
“Ba’t ang arte-arte mo?”
“Baka kung saan saan na naman nakahawak ‘yang kamay mo?” His forehead creased at napatingin sa kamay niya. He tilted his head slightly. His lips formed into an O when he realized what I meant.
“How did you know that?”
“Duh! Kailangan pa bang itanong ‘yan, sa kalat mong iyan?”
“Grabe ka, Hernandez!”
“Sadyang kalat na rin ‘yung pagiging malandi mo.”
“Hey! Watch your mouth, I'm still older than you.”
Hindi ako sumagot; tinaasan ko lang siya ng kilay at nag-alis ng tingin, ngunit muli akong napalingon sa kanya nang may mahagip ang mga mata ko sa bandang leeg niya. Sumimangot ako nang mapagtanto kung ano iyon, an hickey.
“Apaka maldita mo talaga buti na lang cute ka.” Hindi ko siya pinansin.
“God!” Anas ko at agad na binuksan ang dala kong mini handbag.
“Anong hinahanap mo?” Hindi ako sumagot. Kinuha ko mula sa loob ng dala kong bag ang isang strip ng pimple patch kumuha ako ng tatlong shape ng stars.
“Look up.” Mando ko.
“Bakit?” Nagtataka niyang tanong.
Inis na hinawakan ko ang bandang may panga niya at pinatingala.
“What are you doing, Bee?”
Isa-isa kong nilagay sa kissmark niya sa leeg ang tatlong pimple patch just enough to cover his dirt.
“Sana man lang no, kung magkakalat ka lang rin lang make sure to clean up your mess.” Parang nanay na pinagalitan ko siya. Bahagya syang natawa sa sinabi ko. Ewan pero ‘yung tawa niya, sarap lang pakinggan. Agaw pansin pa ‘yung paggalaw ng adam’s apple niya, I never thought that could be so attractive and... hot.
“Kuya, nandyan ka lang pala! The host has been calling your name inside.”
Sabay na napalingon kaming dalawa kay Amber.
“Oh shoot!” Bulalas ni Caleb. Tila ngayon lang naalalang siya ‘yung celebrant.
“Thanks, Bee.” Hinawakan niya ko sa likod ng ulo at mabilis na hinalikan ang tuktuk nito bago siya kumaripas ng takbo papasok sa loob ng mansion.
Napailing na lamang kami ni Amber. Humakbang na ‘ko. Hinintay ako ni Amber at sabay na pumasok kami sa loob. Agad na narinig ko ang boses ni Caleb. He was thanking everyone for coming and for their birthday presents.
“Abby, anak, come here,” napalingon ako kay Daddy nang tawagin niya ako.
“Puntahan ko lang sina Rafa,” saad ni Amber. Tumango ako. Lumapit ako kay Daddy kasama ang ilang mga kaibigan nito. Proud na inakbayan ako ni Daddy. Wala pa man, pero nahulaan ko na kung anong sasabihin niya.
“This is my eldest daughter, Abegail.”
“Oh, the doctor in the making!” Saad ng isa sa mga kaibigan niya.
Dad proudly nodded.
“The consistent honor student!”
“Consistent dean’s list.” Saad ni Tito Nathan.
“Graduated from college as Suma c*m Laude.” Buong pagmamalaking saad ni Daddy.
He is always like that. He is always so proud of me. Kaya ako takot akong magkamali. Ginagalingan ko lagi dahil ayokong ma-disappoint siya. Ginagalingan ko lagi para ma-meet ko ‘yung expectations niya. Ginagalingan ko para hindi siya mapahiya. Kahit minsan napapagod na rin ako. He has no idea how overwhelming the pressure he's putting on me.
Tipid na ngumiti ako sa kanila. They see nothing but my achievements. They don't see what I had to endure and do for all those praises, even my own father.
Humanap ako ng puwesto sa mansion na hindi masyadong maingay para sana umidlip o kaya’y makapagbasa ng notes. Ganito ako lagi. Parang laging naka-isolate. Ayoko ng maingay. Mas gusto kong mag-isa at mag-aral. Kung hindi lang birthday ni Caleb o isa sa pamilya at mga tinuturing na pamilya namin ay nasa kwarto lang ako ngayon, nag-aaral. Hindi kasi puwedeng umabsent sa mga ganitong okasyon. Naging tradisyon na ito ng buong pamilya.
Nahinto ako nang marinig ko ang galit na boses ni Tito Adrianne.
“I just received an email from your school today. You're subject to suspension. Again. Nakipagbasag ulo ka na naman sa loob ng campus–”
“Nauna sila. Gumanti ako. Ano ba dapat ang gusto ninyong gawin ko?”
“Kasi pinatos mo ‘yung may jowa na.”
“’Yung babae ‘yung unang lumapit sa ‘kin. Alangan naman tanggihan ko palay na ‘yung lumapit. At isa pa, it wasn’t my fault if he couldn’t satisfy his girl.”
“Alam mong may sabit, sana umiwas ka na lang kaysa makasakit ka pa ng ibang tao.”
“Why didn't you think of that before, when you almost left us for your
woman?”
Tila parang naestatwa si Tito Adrianne. Hindi inasahan ang narinig. Nakita ko kung paano nagtagis ang bagang niya habang nakatitig sa anak.
Napasinghap ako nang kwelyuhan ni Tito Adrianne si Caleb. Galit na tinitigan niya ang anak.
“You gonna hit me? Go ahead. Pero hindi mabubura ng suntok mo ‘yung alaala ko kung paano umiyak si mommy, kung gaano siya nasaktan, kung gaano siya magmakaawa… begging you to stay.” Hindi ko alam, pero dama ko ‘yung pain sa pagkakasabi niya.
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tito Adrianne sa kwelyo ng anak.
“Don’t worry, Dad, salbahe lang naman ako sa mga babaeng katulad ng babae mo.”
“You shut up, young man!” Dama ko ang gigil at pagpipigil ni Tito Adrianne na lumakas ang boses, marahil ay nag-aalala itong may makarinig sa kanila. “You don’t know Celine. Hindi siya katulad ng iniisip mo!”
“Hindi nga ba, dad? Then, why did she keep you? Why did she agree to have a relationship with you kahit alam niyang may naghihintay sayo? She is just like those women dad—”
“Stop it, Caleb!”
Biglang sumulpot si Tita Danny. Mabuti na lang at maayos ang pagkakatago ko.
Nahinto sila pareho. Agad na binitawan ni Tito Adrianne ang anak. Lumapit si Tita Danny. Sumiksik na ‘ko sa pader. Hindi ko na sila nakikita, ngunit nanatiling nakikinig pa rin ako.
“It was all in the past. Nakita mo naman bumawi ‘yung daddy mo. Hindi siya nagkulang. He’s been a good father to you and your siblings, and he’s been a good husband to me. Can’t you see it, anak? Masaya na ‘ko. Per kung paulit-ulit mo lang ipaalala sa ‘kin ‘yung nangyari, paulit-ulit mo lang rin akong sinasaktan. Can’t you just forget it and move on? I’ve already moved on. Sana ikaw rin.”
“Alis na muna ako.”
Nagulat ako nang madaanan ako ni Caleb. Nagkatinginan kaming dalawa. Saglit lang at agad na nagpatuloy siya sa paghakbang.