Abby’s POV
Nagising ako nang maramdaman kong tila may marahang humahaplos sa pisngi ko. Nang imulat ko ang mga mata, I didn't see anyone else beside me. Agad kong narinig ang paglilipat ng bawat pahina ng libro, bulungan ng mga estudyante at mahihinang hakbang ng mga paa. For a moment I wondered where I was...
Umalis ako sa pagkakadapa ko sa table. Saka ko lang naalala na narito pala ako sa library nang tumambad sa paningin ko ang bookshelves at mga nakahelerang mga libro.
Nag-aaral lang ako kanina; balak ko lang sanang pumikit saglit dahil sobrang bigat na ng talukap ko. Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako. Ilang araw na kasing wala akong sapat na tulog dahil finals na, kaya puspusan talaga sa pag-aaral. Nakakapagod ngunit kinakaya.
Umayos ako ng upo. I fixed myself at tiningnan ang oras mula sa suot kong wristwatch. I still have thirty minutes para sa susunod kong klase.
Napatingin ako sa mga makakapal na libro at mga gamit kong nagkalat sa table. Napabuntong-hininga na lamang ako. Kinuha ko ang highlighter at nagsimulang mag-review ulit since may kalahating oras pa naman ako.
Maya-maya’y tumayo ako upang maghanap ng libro na magagamit ko sa pagre-review. Mabagal na naglakad ako, nilalaro ng daliri ang retractable highlighter na hawak-hawak ko habang tinitingnan ko ang bawat shelf, hinahanap ang kailangan kong book.
Habang seryosong binabasa ko ang bawat title na nakasulat sa spine ng mga books na nadadaanan ng mga kamay ko, bahagya akong nahinto nang may marinig akong kakaiba. My forehead creased. Pinakinggan ko nang mabuti. Nagsimulang kumabog ‘yung dibdib ko nang mapagtanto na ang naririnig ko ay mabibigat na paghinga. My brows furrowed, naging curious sa kung saan nanggaling ang tunog na iyon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, kinakabahan, may tumatakbo na sa isip ko kung ano iyong naririnig ko ngunit mas nanaig ‘yung kuryosidad ko. Ingat na ingat ang bawat paghakbang ko dahil baka marinig nila ako.
Habang papalapit sa pinakadulong shelf, palakas ng palakas din ang naririnig kong paghinga, kasabay ang paglakas din ng t***k ng puso ko.
Nang marating ko ang pinakadulong shelf ay bahagya akong sumilip.
Para akong naestatwa nang makita ko ang eksena ng dalawang estudyanteng babae at lalaki, and of all people, kakilala ko pa ‘yung lalaki!
“Ito talagang gagong ‘to kung saan-saan na lang. Apaka-kalat talaga!” Saad ko sa isipan.
Pigil ang bawat paghinga ko habang pinapanood ko silang dalawa. Nakataas ‘yung babae, nakasandal sa shelf, nakabukas ang botones ng suot nitong pangitaas na uniform, nakaluwa ang dibdib habang dinidilaan at hinahalik-halikan ng lalaki. Nakaikot ang mga binti nito sa hips ng lalaki, nakalihis ang suot nitong skirt and they were having… s*x! Sh*t!
Alam kong mali. Alam kong hindi ko sila dapat makita o tingnan, ngunit ewan, hindi ko maawat ang sarili ko, lalo na't mapadako ang tingin ko sa lalaki. Nakabukas na rin ang suot nitong polo. Nakasilip ang harapang parte ng katawan. Napalunok ako habang pinagmamasdan ko siya. The way he moved, the way he pressed himself toward her— d*mn! Nahihirapan akong kumbinsihin ang sarili kong mag-alis ng tingin.
I knew what he was doing was wrong... yet there was something about him that made him undeniably hot. Masyado akong naka-focus sa nakita ko, that I didn't realize I'd lost my grip on the highlighter I was holding. It slipped from my hand and clattered to the floor, instantly catching their attention. Bago pa man nila ako mahuli, mabilis na akong nakatago.
Kay lakas ng kabog ng puso ko. Nagsimula na ‘kong humakbang pabalik sa table ko bago pa man nila ako makita sa pinagtataguan ko, mabilis ngunit maingat. Naka-air-conditioned ‘yung buong library, pero pinagpawisan ako nang makabalik sa table. Sinubukan kong ikalma ang sarili ko, ngunit ayaw paawat ng puso ko sa lakas pa rin ng kabog.
Binalik ko ang atensyon sa binabasa kong libro ngunit wala akong maintindihan. Ayaw mawala sa isip ko yung nakita ko. Tapos bigla kong naalalang may exam pa pala ako. Mabilis kong tiningnan ang relo. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may ilang minuto na lamang ako. Natatarantang pinagliligpit ko ang mga gamit at isinilid ko sa bag ko. Nang matapos ay sinukbit ko sa balikat ang shoulder bag ko.
Paalis na ‘ko ngunit naantala nang may humarang sa daraanan ko. Nahinto ako. Kinabahan ulit nang makilala ko ang mabangong amoy niya. Dumako ang tingin ko sa kamay niya sa ibabaw ng mesa nang may ilagay siya sa ibabaw no'n.
“You drop this.” He whispered.
I swallowed hard as I recognized what he had put there. Saglit akong napapikit. Sa pagmamadali ko dahil baka maabutan nila ako ay nakalimutan kong pulutin iyon. Ang tanga lang, Abegail!
Bahagya siyang yumuko upang pantayan ang mukha ko. Mula sa hawak niya’y nag-angat ako ng tingin sa mga mata niya. Kay riin ng mga titig niya, as if trying to catch me hiding something. Ngunit pilit kong wag magpaapekto. Matapang kong sinalubong ang mga titig niya, acting as if nothing had happened, as if I hadn't just seen him having s*x.
“What did you see?”
“Ang kalat mo. Nakakahiya ka.” Prangka kong saad.
“At least you enjoyed it–” Yung boses niya nanunukso parang tanga. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Shut up, you perv, gross!” Mahina ngunit may diin kong saad. He smirked, tila nag-e-enjoy sa nakukuhang reaksyon sa ‘kin. Napatitig ako sa gilid ng mga labi niya nang mapansin ang pulang lipstick na nakakalat rito.
“Don’t stare at me like that, Bee. Marupok ako.”
“Apaka kalat.” Anas ko at masamang tiningnan siya muli sa mga mata. Nag-alis ako ng tingin at hinanap ko sa bag ko ang dala kong wipes. Kumuha ako ng isa. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ang kalat sa labi niya. “Why are you so dugyot? I honestly don't know why girls keep coming after you.” Naramdaman kong napahawak siya sa baywang ko habang patuloy kong nililinis ang naiwang kalat sa kalandian niya. Mabilis niyang nailayo ang kamay nang mabilis kong tinampal ang kamay niya.
“Aw.”
“I told you not to touch me, Caleb.”
“Sorry.” Muli’y bahagya siyang natawa, sabay taas ng dalawang kamay niya.
“Baka kung anong bacteria pa ang dala mo.”
“Ay grabe.”
Natahimik siya bigla. Naramdaman kong napatitig siya sa ‘kin.
“May nanliligaw na ba sayo.”
Mula sa labi niya’y nilipat ko ang tingin sa mga mata niya, saglit lang at muling binalik ang tingin sa bahaging may mantsa pa. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya sa 'kin lalo at ganito kalapit.
“None of your business.”
“Dapat wala.”
“You’re not my dad, Caleb.”
“I’m not your dad, but you’re my baby, Bee.”
Saglit akong natigilan. Iba kasi ‘yung gawi ng pagkakasabi niya. Walang bahid ng pagbibiro ang tono ng boses niya.
“Subukan lang nila. I’ll bury them alive—”
“’Yan tapos na.” I cut him off. “Next time, marunong maglinis ng kalat. Tabi.” Saad ko, kaso mukhang walang siyang balak na umalis sa daraanan ko. Muli’y sinamaan ko siya ng tingin. “Can you move aside? Ma-le-late na ako.” Lumihis ako ng daraanan ngunit muli’y hinarang niya ang katawan.
“Caleb, may exam pa ‘ ko!”
“Why are you being so grumpy with me?” Inabot niya ang pisngi ko, ngunit mabilis na umiwas ako, sabay tampal ng kamay niya. Nasanay na siyang pisilin ang pisngi ko, pero dahil sa nakita ko kanina, nandiri ako bigla.
“Wag mo nga akong hawakan! Kakadiri!” Muli’y lumihis ako ng daraanan ngunit muli’y humarang siya.
“Nag-alcohol ako, uy.”
“Umalis ka, Caleb! Wala akong time sayo.”
“Ouch.”
Muli ay umiwas ako ngunit muli’y humarang siya.
“Bee.”
“What?” Nainis na ‘ ko.
“Do you like me?”
I scoffed.
“You’ll never be on my list, Caleb.”
“Why not?”
“Siraulo lang pumapatol sayo. Sa diramidami mong ginagago araw-araw.”
“Gago lang rin naman ‘yung mga ginagago ko.”
“Wala ka na ring pinagkaiba sa kanila. Ginagawa mo pang dahilan ‘yung past ng tatay mo just to hit on them pero ang totoo gustong-gusto mo rin makascore.” Walang prenong saad ko. Bigla siyang natigilan at mariing napatitig sa 'kin na. Alam kong may parte sa kanyang nasapol ko ng sobra halata sa mga titig niya.
“You’re hitting below the belt," seryosong saad niya.
“It hits exactly where it hurts.”
Pagkasabi ko’y nagmamadaling iniwan ko siya at lumabas ng library.