Chapter 3

1011 Words
Abby’s POV “Abby!” I heard them the first time they called me, but I didn’t bother turning around. I was in a rush. Every second of my day matters. Every minute has a purpose, and every hour is accounted for. If you're not part of my schedule, 'di kita isisingit because it will ruin the entire plan I've already laid out. “Abby, hintay!” Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Hinabol nila ako hanggang sa pumantay na sila sa ‘kin. “A’coholic kami mamaya, sama ka?” Saad ni Uno. “Alam n’yo na sagot ko d’yan.” Saad ko habang patuloy sa paglalakad. Sinabayan nila ako. “Sige na—” Pamimilit ni Uno. “Kayo na lang. ‘Di pa kayo nasanay sa ‘kin. Para namang ikamamatay n’yo ’pag wala ako.” “Gagi,” anas ni Rafa. “Sige na! Nagmamadali ako. May gagawin pa ‘ko,” saad ko at mas nilakihan ang mga hakbang. “Chat ka lang pag nagbago isip mo ha.” “Oo.” But they already know it's not going to happen. Kailanman hindi ko nagawang sumunod sa kanila sa bar. Mas gugustuhin ko pa kasing mag-aral, mag-review, at gumawa ng homework at projects kaysa magsaya at magsayang ng oras sa bar. Sunod-sunod ang mga school activities, kaliwa’t kanan na projects, sandamakmak na assignments, extracurricular activities, tapos sumabay pa ang finals. Para na akong masisiraan ng bait sa dami ng dapat gawin. Hindi ko na alam kung ano ang dapat unahin dahil lahat ay importante at lahat ay kailangang unahin at isaalang-alang. Drain na drain na yung utak ko pati katawan ko. Gusto ko mang umiyak at mag-breakdown, pero wala akong time. Hindi ko alam kung saan ko pa isisingit. Ang alam ng lahat dahil matalino ako; madali lang sa ‘kin lahat—madali lang sa ‘kin pumasa, maging dean’s lister, at lahat ng naging achievements ko. Ang hindi nila alam ay ‘yung mga ginagawa ko sa likod ng lahat ng mga achievements ko, mga sakripisyo ko para lang mapanatili ko kung nasaan man ako ngayon. Lagi kong naririnig, sobrang swerte ko raw dahil nasa akin na lahat, mayaman, maganda, matalino, wala na raw akong mahihiling pa, d*mn! Ang hindi alam ng nakararami ay gusto ko rin ng FREEDOM. Gusto ko ring sumama sa mga kinakapatid ko, nakikipag-inuman, namamasyal, pa-travel-travel, nagba-bar, pero ayokong i-risk ang isang araw para maglibang. Kailangan kong galingan. Kailangan kong magsipag. Hindi ako puwedeng makampante dahil ayokong biguin si Daddy. Sobra niya ‘ko kung ipagmalaki, na para bang hindi ako nagkakamali, na para bang kaya kong lahat. For him, I am his perfect daughter. But it’s not just about making him proud, kung bakit ginagalingan ko. Nangako siyang ibibigay ang full freedom namin—naming magkakapatid —kung makapagtapos na kaming lahat sa pag-aaral. Ibig sabihin, no curfew, own condo, I can travel alone, have my own car na walang driver, walang bodyguard, I can do whatever I want. Konti na lang, makukuha ko rin ‘yung pinapangarap kong freedom. Nang matapos kong i-take ang huling exam, I felt so drained. Pakiramdam ko, pagod na pagod ‘yung katawan ko. Ilang araw nang wala akong sapat na tulog sa kaka aral. Parang gusto ko na lamang umiyak dahil sa pagod. Sumakay ako ng elevator. Insakto, ako lang mag-isa dahil nauna akong natapos sa exam. Pagkapasok ko, pinindot ko ang floor number ng roof deck. Sa tuwing nakararamdaman ako ng pagod, at gusto kong ilabas ang sama ng loob, dito ako nagpupunta. Nang tumunog ang elevator, kasabay ang pagbukas ng pinto nito, ay lumabas ako. Humakbang ako patungo sa pintuan palabas sa roof deck. Nakaawang ‘yung pinto kaya tinulak ko na lang. Lumabas ako. Napatingin ako sa view ng city sa harapan ko. Napabuga ako ng hangin sa dibdib. Matapos, sumigaw ako. “I’m tired! I'm so f*cking tired! Ang hirap maging ikaw, Abegail!” Hindi ko napigilang umiyak dahil sa bigat ng nararamdaman ko. “Ayoko na! Ayoko nang maging matalino! I also wanted, just like any other normal student! I also wanted to party! To dance! To get drunk! I also want to have a boyfriend, to have my first kiss—” “Ang ingay mo, Hernandez! Nagpapahinga ‘yung tao!” Nahinto ako nang may marinig na boses. Kay bilis kong pinalis ang mga luha sa pisngi ako. Napalingon ako sa gawi niya. Nakita ko siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa isang mahabang kahoy. Umupo siya at napalingon sa ‘kin. Maya-maya’y tumayo siya at humakbang. Nasa loob ng magkabilang bulsa ang mga kamay niya at kampanteng naglalakad sa direksyon ko. Muli kong pinalis ang luhang pumatak sa pisngi ko. Bwesit! Narinig kaya niya lahat ng pinagsasabi ko? Panira naman ‘to ng moment. Saad ko sa isipan. “Anong ginagawa mo rito? Bawal ang estudyante dito.” “And why are you even here?” Hindi ako sumagot. Nag-alis ako ng tingin nang muli’y pumatak ang luha sa pisngi ko at muli’y mabilis ko iyong pinalis. “Here.” Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad at may hawak na panyo. “I don’t need that. Alis na ako.” Akmang tatalikod ako nang tawagin niya ako. “Bee.” “What?” Nagulat ako nang bigla na lamang niya akong kinabig at niyakap. Hinilig niya ang ulo ko sa dibdib niya. “What are you doing, Caleb?” “You cry now.” “Ayoko.” “Wag ka nang mahiya.” “Bitawan mo ‘ko, Caleb,” saad ko, ngunit ‘yung luha ko isa-isa nang nagsilaglagan. “You can cry to me, Bee. You can be vulnerable with me. You can be whoever you want with me. You don't need to pretend. And I promise I won't judge you. And this will stay between us.” Ewan, ngunit habang yakap niya ‘ko, habang hinayaan ko ang sariling humilig sa dibdib niya, unti-unting gumaan ‘yung bigat na nararamdaman ng puso ko. It gives me a different kind of peace and comfort.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD