Chapter 4

651 Words
Abby’s POV I felt his hand on top of my head as he gently caressed my hair. In that simple gesture, I felt his care, his protectiveness, his unspoken concern... and it honestly melted my heart. Pakiramdam ko nakapagpahinga ‘yung puso ko. Pakiramdam ko may kakampi ako. Pakiramdam ko hindi na ako nag-iisa kahit saglit lang, kahit panandalian lang. Ever since then, Caleb has always been fiercely protective and caring toward those closest to him. That behind those bold tattoos lives a beautiful soul. Maya-maya’y huminto ako sa pagiyak at unti-unting lumayo sa kanya. “How are you feeling now?” Tiningala ko siya. Matangkad na ako sa height kong 5’5”, ngunit pakiramdam ko ang liit-liit ko kapag katabi siya. Napatingin ako sa kanya. Bakas pa rin ang pag-alala sa kanyang mukha. Bahagya akong ngumiti upang ipaalam sa kanyang okay na ‘ko. “I’m good now, Caleb. Thank you.” I sincerely said to him. “Good.” He smiled. Inabot niya ang pisngi ko at gamit ang hinlalaki niya’y banayad niyang pinunasan ang mga luha ko. “You know, it's not the end of your life if you choose to do what you want for once. You have already proven so much, Bee. You deserve to be happy.” “I love what I'm doing, Caleb.” “But are you happy?” “I am.” Bakas sa mga mata niyang hindi siya kumbinsido sa mga sagot ko dahil maging ako man, hindi rin ako kumbinsido. Saglit na natahimik siya at napatitig sa ‘kin. “Okay.” Tanging saad niya. “I’ll go ahead.” Saad ko. Akmang hahakbang na ‘ko ng pigilan niya ‘ko sa kamay. Napalingon ako sa kamay kong hawak niya bago ko siya tiningnan sa mga mata. Nagtatanong ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Nakita ko ang pagsilay ng pilyong ngiti sa mga labi niya. Gayunpaman, hinintay ko pa rin ang sasabihin niya. “I can be your boyfriend if you want. I’m a good kisser too—” “Shut up!” Saway ko sa kanya, sabay hila ko sa kamay kong hawak niya. Kay lakas ng tawa niya. “I’m giving you myself for free. Why not grab it while it lasts?” “No! Never! Bahala ka nga dyan! Ewan ko sayo.” Pagkasabi’y kay laki ng mga hakbang ko palayo sa kanya. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa ‘kin. Hindi ko alam sa taong ‘to kung bakit kay hilig niyang gawing biro ‘yung boyfriend-girlfriend thing. “Grabe ka naman kung maka-No and Never, para namang napakapangit ko. Am I really that unattractive to you?” “Hindi ka pangit, ‘yung image mo, oo.” “Ah, ‘yung pagiging babaero ko?” “Buti naman aware ka.” Nahinto kami sa harap ng elevator. I was about to push the down button, ngunit naunahan nya ‘ko. Nilingon ko siya ngunit napaatras ako dahil sa lapit niya sa ‘kin. Bahagya akong nawalan ng balanse at napasandal sa gilid ng elevator. Nagulat din siya at napahawak sa baywang ko upang alalayan ako. Bigla akong napatingin sa kanya. Saka ko lang napagtanto na mas lalong lumiit ang distansya naming dalawa. Halos mahalikan ko na siya sa lapit niya. Damang-dama ko ang buga ng mainit niyang hininga. All of a sudden, hindi ako makagalaw, ni makapagsalita. Sa liit kasi ng distansya naming dalawa, baka isang galaw ko, tuluyang mahalikan ko siya. At para bang nababasa niya ang nilalaman ng isip ko nang bumaba ang mga mata niya sa mga labi ko. Bigla na lamang lumakas ang pagsipa ng puso ko, sa lakas para akong nabibingi. I know I should have pushed him away, yet, for some reason, I can't... I just can't... And d*mn! I could feel myself slowly letting my eyes shut as he slowly closed the distance between us.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD