Chapter 5

1067 Words
Abby’s POV  Bahagya akong nagulat nang tumunog ang elevator. Napamulat ako ng mga mata ko ulit. Mabilis kong nailapat ang kamay ko sa dibdib niya, ngunit ewan, wala akong sapat na lakas upang itulak siya palayo sa ‘kin habang siya’y ‘di man lang nabawasan ang distansya niya mula sa ‘kin. Tila ba walang pakialam sa paligid. Buong atensyon niya na sa ‘kin lahat. I looked up to him. Then, our eyes met. Napatitig ako sa mga mata niya. Nangungusap ang mga mata niyang napatitig sa ‘kin. Tila ba kay raming nais sabihin ng mga matang iyon ngunit mas pinili niyang itikom ang bibig at tila sinusulit niya ang bawat segundong nakatitig sa ‘kin. Sa lapit niya, rinig na rinig ko ang mabigat niyang paghinga. Tumatama ang init na nagmumula sa bibig niya sa mukha ko. Dama ko ang bawat pagtibok ng puso niya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ‘di ko siya matulak-tulak. May parte sa puso ko na hinihintay niyang gagawin at aaminin ko na gusto ko ‘yung hatid na init ng katawan niya sa ‘kin. Nawala na sa isipan ko ang pagtunog at pagbukas ng elevator. Muli’y unti-unting nilapit niya ang mukha sa ‘kin. “C-caleb…” Sa wakas ay nagkaroon ako ng sapat na lakas upang pigilan siya at bahagyang itulak sa dibdib. “No.” Saad ko sabay iwas ng mukha ko sa kanya. Bahagya akong napasinghap ng sa gitna ng balikat at leeg ko pinili niyang isiksik ang kanyang mukha. I swallowed hard as I felt the softness of his lips on my skin. Mas lalong lumakas ang t***k ng puso ko sa ginawa niya. Like what the hell he was doing? At nang maramdaman ko ang pagdiin niya ng labi sa balat ko’y nilakasan ko na ang pagtulak ulit sa kanya, ngunit nang tangkain kong lumayo, nagulat nang bigla na lamang niya ‘kong pigilan sa baywang at muling ibinalik sa puwesto ko. Gulat na napatitig ako muli sa kanya. Saglit na napalingon ako sa kamay niya nang mariin niya iyong ilapat sa dingding sa pinagsandalan niya sa akin, cornering me habang ang isang kamay niya’y nanatili sa baywang ko. Muli ko siyang nilingon. Napalunok ako dahil muli’y kay lapit niya ulit sa ‘kin. “What the heck, C-caleb?” Sh*t! Ba’t ba ako nauutal? Tapos ‘yung kamay niya sa baywang ko mas lalong nakadagdag sa pagkabalisa ng puso ko lalo’t ramdam ko ang init ng palad niya sa balat mula sa nalihis kong blouse at nang maramdaman ko ang bahagyang pagpisil niya sa bahaging iyon ng katawan ko, tila nagkagulo ‘yung mga nilalang sa puson ko. Hindi naman ako ganito sa iba naming kaibigang lalaki… Sa kanya lang ako nakakaramdam ng ganito. Hindi ko kailanman maikakaila sa sarili kong iba ‘yung hatak niya sa ‘kin…kahit noon pa man. Kahit anong pigil ko. Kahit anong iwas ko. Kahit anong pagdi-discourage ko sa sarili kong huwag siya. At kahit pa siguro gaano kapangit ang image niya sa ‘kin, I still got a huge crush on him. Gets na gets ko ‘yung mga babaeng malaki ang gusto sa kanya. Sino bang hindi magkakagusto sa isang Dian Caleb Montefalco? He’s f*cking hot, and he’s not just good-looking and appealing; he’s also smart. “What if I court you?” Pero mas nagulat ako sa sinabi niya. Hindi agad ako nakasagot. Seryoso ba siya? Pero hindi siya mukhang nagbibiro. Seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa ‘kin habang hinihintay ang isasagot ko. “I court you. ‘Yung seryoso–” “Basted.” I cut him off. Natigilan siya sa naging sagot ko. Mas lalong sumeryoso ang mga tingin niya sa ‘kin. Oo crush ko siya pero hindi ko kayang ipagkatiwala ‘yung puso ko sa alam kong una palang gago na. “I’m serious, Bee.” Maya-maya ay saad niya. “Ako rin.” Saad ko na hindi inaalis ang mga titig sa mga mata niya nang malaman niyang seryoso rin ako. Aanhin ko ‘yung utak na pinagkaloob sa ‘kin kung pagdating sa kanya ‘di ko gagamitin. “Why not give us a chance first–” “Hindi na. I refuse to take a chance on something I already know will destroy me in the end.” Prangka kong saad sa kanya. Muli’y natigilan siya. “Kapag maging tayo. Magtitino na ‘ko.” Tempting… but no! Kapag magpapadala ako, para na lang rin akong kumuha ng bato at pinukpok sa ulo ko. Bahagya akong natawa. “Oh please, gaguhin mo na lahat, ’wag ako.” “C’mon, Bee, magkababata tayo, sa tingin mo kaya kong gaguhin ka?” “Once a gago, always a gago.” Saad ko. “Gago lang nga ako sa mga babaeng dapat gaguhin. I told you kapag maging tayo magtitino na ‘ko–” “Scam.” “Grabe.” “Hindi babae makapagpatino sayo Caleb. Subukan mo holy water baka.” “Anong holy water?” Saad niya, sabay pisil sa baywang kong hawak niya. Sh*t! Pinigilan ko ang kamay niya. “Hey! Let go!” “What if I don’t?” Mas nanlaki ang mga mata ko nang imbes na bitawan niya ’ko’y mas lalo niya ’ko’y nilapit sa kanya. Muli’y mabilis kong tinukod ang mga palad sa dibdib niya. “Caleb, I’m warning you!” “You’re wishing for a kiss a while ago. Let me–” “No!” Anas ko, sabay iwas ng mukha ko sa kanya. Muli’y narinig ko ang pagtunog ng elevator. Inipon ko ang buong lakas ko at malakas ko siyang itinulak. Napaatras siya; sa lakas, muntikan na siyang mawalan ng balanse. At nang mabitawan niya ako, kinuha ko ‘yung pagkakataong tumakas sa kanya. Mabilis kong pinindot ang button. Mabuti na lang at agad na bumukas ang elevator. Nagmamadaling pumasok ako sa loob. Bago pa siya nakasunod ay mabilis ko nang pinindot ang close button. “Asshole!” Inis kong saad. Nakita ko pa ang paghabol niya bago tuluyang sumara ‘yung elevator. Tila saka lamang ako nakahinga ng maluwag sa ilang minutong kasama ko siya. “What the heck?” Mahinang saad ko. Muntik na ako ‘dun, ah! Muntik na akong mabitag sa patibong ng gagong ‘yun. Buti na lang talaga, Abby, hindi ka marupok. Apakagago talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD