Chapter 6

1668 Words
Abby’s POV Abala ako sa pagbabasa ng libro nang tumunog ang phone ko. Bahagya kong sinilip kung sino ang tumatawag. Napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Caleb sa screen. Ano kayang pakay ng gagong ‘to? Tanong ko sa isipan. Mukhang manggugulo lang ‘to kaya ‘di ko sinagot ang tawag niya, ngunit hindi niya talaga ako tinantanan. Naririndi na ’ko sa tunog ng phone ko, so I muted it hanggang sa nagsawa na rin siya sa katatawag sa ‘kin. Biglang umilaw phone ko. Muli’y napasulyap ako sa screen. He sent me a message. Napilitan akong kunin ang phone upang basahin ang message niya. “What are you doing?” He texted. “Studying,” I replied. “Did I bother you?” “A little bit.”1 “Can we talk?” Napakunot ang noo ko. Ano naman pag-uusapan namin? “About what?” I typed and sent it to him. “Nothing. I just wanted to talk to you.” He replied. “I’m so busy, Caleb. Wala akong time magpaloko sayo.” Mabilis akong nagtype ng i-rereply sa kanya. “The f*ck! Usap lang, manloko agad.” “Knowing you?” “Seryoso nga ‘ko sayo, Bee.” “Tigilan mo ‘ko.” “I like you, Bee.” Napatigil ako nang mabasa ang reply niya. Siguro kung hindi ko lang alam ‘yung mga kagaguhan niya, nangisay na ‘ko sa kilig. “Goodnight, Caleb.” I replied, instead. Hindi na siya nag-reply pagkatapos. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ayokong ginugulo niya, ngunit ngayong hindi na siya nagre-reply, panay naman ang sulyap ko sa phone ko, nagbabakasakaling may reply pa siya. D*mn! Thank God! I survived another semester. Tapos na ang finals, but I still have to go to school to process my clearance and for some extracurricular activities. Gumising pa rin ako nang maaga. Bago ako naligo, nagdasal na muna ako. Thank God! I survived another semester! Nasa second year na ‘ko sa med school. I still have a long way to go, but I know I can get through it. Pangarap ko ‘to, kaya dapat kayanin ko. Pressured, mahirap, hindi madali, pero at least my parents allowed me to take the course na gusto ko at hindi nila ako pinipilit na kunin ‘yung kursong gusto nila para sa ‘kin. Ito na lang ‘yung pampalubag-loob ko sa pagiging istrikto nila sa ‘kin at ‘yung isiping kapakanan ko na lang rin ang iniisip nila, kaya sila mahigpit. This is what I hold on to whenever I feel suffocated, pressured, overwhelmed, and that thought somehow makes everything a little easier to bear Naligo ako at nagbihis. Pagkatapos kong kumain ay sumakay na agad ako sa sasakyan patungong school. “Congratulations, Abby!” Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung para saan ‘yung greetings nila sa ‘kin. Kakarating ko lang sa campus at wala akong ideya sa mga sinasabi nila. Ngumiti lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. “Congrats, Abby!” “Congrats, Ms. Hernandez!” “Congratulations, Abegail!” “Congratulations, Ate Abby!” Panay ang pagbating natanggap ko sa mga taong nakakasalubong ko. Ang iba’y hindi ko na kilala ngunit namumukhaan ko. “Congratulations, Abby! Top 1 again!” Saad ng kaklase ko. Now I get it. Lumabas na siguro ‘yung list ng mga top students. I immediately headed toward the bulletin board where the names of the top students were displayed. Pagkarating ko’y marami pang mga students ang nagkumpulan upang tingnan ang mga pangalan. Lumapit ako. Kahit na sinasabi nila sa king top 1 ako, iba pa rin yung pakiramdam na ako mismo ‘yung nakakakita at nakakbasa. “Congratulations, Abby!” “How to be you, po?” “Brain and beauty.” Nahihiyang ngumiti ako sa kanila. Sumiksik ako. Napatingala ako sa nakadikit na paper sa bulletin board. Agad kong nakita ‘yung pangalan ko, at the very top. Hindi ko mapigilang mapangiti. This means everything to me, a reminder of the nights I stayed up, and the hard work I've poured into this. It was all worth it. Tila nawala lahat ng naramdaman kong pagod sa mga nagdaang buwan. And I found myself inspired to do even better next semester. Napalingon ako sa taong tumabi sa ‘kin nang akbayan niya ‘ko. Napatingala ako sa kanya. “Wow! Top 1, again. I’m so proud.” Nilingon niya ‘ko. Napatitig ako sa mga mata niya. He wasn’t kidding. Dama ng puso ko at kitang-kita ng dalawang mga mata ko– he was genuinely proud of me, as if I were his daughter. Maybe it was because he had witnessed a side of me that no one else ever saw. “T*ngina! Hindi ko naman pangalan ‘yung nakasulat, pero pakiramdam ko ako ‘yung nakalista…” Nakatitig lamang ako sa kanya. Amazed by his reaction. Tiningnan niya ako nang buong paghanga. “I’m so proud of you, Bee.” Inalis niya ang braso niyang nakaakbay sa ‘kin at pinisil ang pisngi ko. “Keep it up.” Ewan, ngunit mas ginanahan pa tuloy akong mag-aral sa naging reaksyon niya. Nakaupo ako sa isa sa mga table sa canteen habang kumakain ng lunch nang makuha ang atensyon ko sa dalawang estudyanteng tila nagtatalo, isang babae at isang lalaki. Hula ko, mag-boyfriend ang dalawa. Babalik na sana ako sa pagkain nang mapatitig ako sa mukha ng babae. She seems so familiar. Hindi ko lang talaga matandaan kung saan ko siya nakita. “We’re done, Rave! Why can’t you just accept it?” Inis na saad ng babae na siyang ikinagalit nang sobra ng lalaki. Medyo napalakas kasi ang boses ng babae, and it caught everyone’s attention. Tila napahiya ‘yung lalaki. Natamaan yata ang ego. Sa galit ng lalaki, hinawakan nito ang braso ng babae. I saw how she flinched from the pain. “Ang kapal ng mukha mong makipaghiwalay sa ‘kin. Matapang ka na ngayon? Bakit? Sinong pinagmamalaki mo?” Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa babae. He shouldn't treat her girlfriend like that. ‘Di ko masisisi si girl kung hihiwalayan niya itong boy. Mukhang gago pala ‘to. Kahit ako man sa part ng girl, makikipaghiwalay din ako! “Ano ba, Rave! Nasasaktan ako! Get off me, asshole!” Napatayo ako bigla nang hawakan ng lalaki ang panga ng babae upang awatin sana. Konti lang ang mga estudyante at mostly mga babae pa at lahat ay takot na umawat. “Matapang ka na ngayon!” “T*ngina! Konti na lang, matatalo na tayo. Buti na lang, ‘tol, dumating ka! Life saver ka talaga!” Nakuha ang atensyon ko sa mga bagong dating. Ang lakas naman kasi ng mga boses. Agad na nagtagpo ang mga mata namin sa isa sa mga kasama nila. He waved at me. Akmang lalapit siya sa ‘kin nang bigla na lamang siyang sinugod ng suntok ni Rave. Hindi inasahan ni Caleb na may biglang sumugod sa kanya ng suntok, kaya nasapol siya sa mukha. Sa gulat at lakas ng pagkakasuntok ay nawalan siya ng balanse at natumba. Tatadyakan na sana siya ng lalaki, mabuti na lang at mabilis na inawat ito ng mga kasama ni Caleb. “Bitiwan niyo ‘ko! P*tangina mo, Montefalco! Pati girlfriend ko!” Sigaw ni Rave habang hawak ng mga kasama ni Caleb. “Bitawan niyo ‘ko, put*ngina!” Habang nagsisigaw ‘yung nanuntok, si Caleb, kalmadong kinapa ang bahaging natamaan. Bahagyang dumugo ang labi nito ngunit nanatili itong kalmado. Saka ko lang rin naalala na kaya pala pamilyar sa akin ‘yung babaeng dahil ito ‘yung nakita kong ka-s*x ni Caleb sa library. Natutop ko ang bibig. Sh*t! Dahang-dahang tumayo si Caleb. Nakuhang makawala ng lalaki ang may hawak sa kanya at akmang susugod, ngunit pumagitna ‘yung babae. “Ano ba, Rave! Tumigil ka na! Tanggapin mo na lang na ‘di na kita mahal!” “Tumahimik kang babae, hindi pa ‘ko tapos sayo! Ano bang meron ang gagong ‘yan at nagpakantot ka talaga diyan! Anong klase kang babae, sa library pa talaga!” “Shut up!” “No! Gusto kong malaman nila kung gaano ka kababang babae!” “And you’re asking me kung bakit nakikipaghiwalay ako sayo? Dahil sobra-sobra na ‘yung pag-disrespect mo sa ‘kin! Go to hell, asshole!” Pagkasabi’y nagmamadaling umalis ang babae. “p****k–” Isang suntok mula kay Caleb ang siyang nagpatahimik kay Rave. Sa lakas, mukhang nakatulog saglit. Sabay-sabay na napasinghap ang mga nakakita. Tila may dumaang anghel at natahimik bigla ‘yung paligid. Napatingin kaming lahat sa nakahandusay. Agad lang din naman itong nagising. Nagulat ang lahat nang bigla na lamang umalingawngaw ang malakas na boses sa loob ng canteen. “Mr. Montefalco! Mr. Asuncion! In the Dean’s office, right now!” Sigaw ng Dean. Galit na galit. Pagkasabi’y mabilis itong tumalikod. Napatingin ako kay Caleb. ‘Di man lang ito makitaan ng kaba o pagkabahala. Bahagya lang itong napakamot sa leeg. “Yes, suki.” Mahinang saad ni Caleb nang ‘di marinig ng dean. Nagtawanan ‘yung mga kasama niya. Sa ilang beses niyang pabalik-balik sa dean’s office, magiging suki na talaga niya ‘to. “Nagbait na ‘ko, eh. Ito kasi!” Bahagyang napailag ‘yung Rave nang inumbahan niya ‘to ng sipa. Nanatiling nakahiga pa ‘to sa sahig. “Tol, ’wag, mukhang ‘di pa nakabalik sa Planet Earth ‘yung kaluluwa.” “Paisa lang ulit—” “Caleb, stop it!” Saway ko sa kanya. Natigilan siya at napatingin sa ‘kin. “Sorry, my highness. Nandyan ka pala.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Sabi ko nga, sa dean’s office na ‘ko.” Saad nito sabay flying kiss at tumalikod. “Alis na ‘ko, ‘tol, ang sama na ng tingin sa ‘kin ni kumander,” parang gagong saad nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD