Chapter 7

1161 Words
Abby’s POV  Hapon na nang matapos ako sa lahat ng kailangan kong gawin. Tahimik na ang University nang lumabas ako ng building. Iilan lang din naman ang mga estudyanteng pumasok. Wala na akong masyadong nakikitang mga estudyanteng naglalakad at nakatambay. Naglalakad ako sa ground ng school. Pauwi na ‘ko nang makasalubong ko si Caleb. Natigil ako at napatitig sa kanya habang kinakapa ng daliri nito ang sugat sa kanyang labi. Nahinto rin siya sa paglalakad nang makita niya ‘ko. Binaba niya ang kamay at napatingin ako sa sugat niya. Lumapit ako at huminto ilang pulgada mula sa kinatatayuan niya. Nanatiling nakasunod lamang ang tingin niya sa ‘kin. Tinaas ko ang kamay at ingat na hinawakan ang bahaging natamaan. Dama ko ang mariin niyang mga tingin, ngunit pilit ko iyong binabalewala. Konti lang naman ang sugat niya ngunit malaki ‘yung pasang natamo niya. “Does it hurt?” Tanong ko. “Medyo.” Agad niyang sagot. “Nalagyan na ba ‘to ng alcohol?” “There’s no need–” “Anong there’s no need?” “Maliit lang naman. Malayo sa bituka.” “Kahit gaano kaliit ang sugat, puwedeng magka-infection kapag hindi nalinis nang maayos,” sermon ko. “Come here, I’ll clean it,” saad ko. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila pasunod sa ‘kin. Humanap ako ng mauupuan niya dahil mahihirapan akong linisin ang sugat niya sa sobrang tangkad niya. Pinaupo ko siya sa isa sa mga bench. Parang batang sumunod naman siya. Nakaupo siya habang nakatayo ako sa harapan niya. Nakasunod lamang siya sa bawat galaw ko. Walang imik. Hinahayaan lamang ako sa mga ginagawa ko. Kinuha ko mula sa dala kong shoulder bag ang medicine kit ko. Kumuha ako ng cotton, nilagyan ko ng alcohol. “Medyo mahapdi ‘to,” saad ko kanya. Muli’y hinawakan ko ang pisngi niya at ingat na dinampi ang hawak kong cotton sa sugat niya. Seryoso kong nililinis ang sugat niya nang magsalita siya. “Kung ganitong pag-aalaga makukuha ko magpapasuntok na lang ako araw-araw,” His voice was close–so close that I could feel the warmth of his breath. It was only then that I realized how close we were. Kinabahan ako bigla, ‘yung puso ko kay lakas ng sipa. Biglang ‘di ako mapakali. Muntikan pa ‘kong mawalan ng balanse nang gumalaw ako. Kay bilis namang nakaalalay ng kamay ni Caleb sa baywang ko. Napahawak ako sa balikat niya at nang tingnan ko, mas lalong lumiit ang pagitan naming dalawa. Napatitig ako sa mga mata niya habang siya’y nakatitig sa mga labi ko. Nakatayo lang naman ako, ngunit daig ko pang sumali sa marathon sa bilis ng pintig ng puso ko, kay lakas ng bawat paghinga ko. “Would you get mad if I kissed you?” He murmured it softly, and still, I heard him. Hindi. Muntikan ko nang maisatinig. I was so close to giving in, mabuti na lang at mas nanaig pa rin 'yung katinuan ko. “Subukan mo nang magkapantay ‘yang pasa mo,” inis kong saad sa kanya. He bit his lower lip, nagpipigil ng ngiti. Napatigil ako at napatitig sa kanya. Yes! He’s a total asshole, but da*mn he’s f*cking hot as hell! Bago pa man ako ipagkanulo ng sarili ko’y lumayo na ’ko sa kanya. Kinuha ko ang Band-Aid at inis na nilagay ko sa sugat niya. “Aw! Bee, naman!” Reklamo nito. “Tiisin mo! Landi pa!” Anas ko. “Kung ‘di mo titigilan ‘yang kalandian mo, ‘di lang suntok aabutin mo.” “kaw na lang lalandiin ko—” “Ew! Gross!” “Gross, huh? Pustahan sa ‘kin pa rin bagsak mo.” Tinaas ko ang hinliliit ko, and gave him a dirty sign. “You wish.” Nakataas ang kilay kong saad sa kanya. He didn’t say a word ngunit kay riin ng mga titig niya sa ‘kin, ‘yung klase ng titig na tila may binabalak. Nakakakaba, kaya nag-alis agad ako ng tingin, ngunit ‘di ko pinahalatang apektado ako sa mga titig niya. Nagmamadaling binalik ko sa loob ng bag ang med kit at isinara ko. “I’ll go now.” Tumalikod ako. Napapikit saglit at palihim na napabuga ng hangin sa dibdib bago ako nagsimulang humakbang. Naramdaman ko ang pagsunod niya. “Uwi ka na?” He asked. “Saan pa nga ba.” “Gusto mong gumala?” “I have a lot to do, so no.” Mabilis kong sagot. “Like? It’s sembreak.” “As if you don’t know me.” “Gala tayo. I promise, you’ll enjoy it.” “Ayoko.” “Why?” “Tinatanong pa ba ‘yun? Sa gago mong ‘yan?.” “Grabe ka.” Hanggang narating namin ang parking lot. Napakunot ang noo ko dahil wala pa ‘yung sasakyan ko. “Sa’n sundo mo?” “I just called him; sabi niya, malapit na siya.” Saad ko habang kinakapa ang phone mula sa shoulder bag ko. “Tawagan ko na lang ulit.” I dialed my driver’s number ngunit nakailang ring na ‘ko ay hindi pa rin ito sumasagot. “Ano?” “He’s not picking up. Ano kayang nangyari kay Manong?” Saad ko at muling tinawagan ko ang phone nito, ngunit muli’y panay lang din ang ring; hindi pa rin ito sumasagot. “Ayaw pa rin?” He asked. Tumango ako. “Hatid na kita.” While on my phone napalingon ako sa kanya. “Ha?” Nagulat ako nang kamay ko naman ang hawakan niya. Hinila niya ‘ko. “Hey!” Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Huminto kami sa tapat ng kanyang bigbike. “Dito mo ‘ko isasakay?” “It's the only thing I brought, so yes,” saad niya, sabay suot ng helmet sa ulo ko. “Is it safe?” Kinakabahan ako, but part of me gets excited. Hindi ko lang alam kung bakit. Inayos niya ang helmet. He locked it. Tiningnan niya ‘ko sa mga mata. “It is, because you’re with me.” Bahagya siyang natawa ng inismiran ko siya. Ang gwapo niya talaga lalo kapag tumawa. D*mn you, self! Pigilan mo ang pagiging marupok kung ayaw mong umiyak. Gago ‘yan, tandaan mo!” Nauna siyang sumakay. “Akin na bag mo,” saad niya. “Ha?” “Para ‘di ka mahirapan.” Napilitan akong ibigay sa kanya ang bag ko. Sinuot niya ‘to. Napangiti ako. Who knew he'd look this cute with a shoulder bag? “Sakay na, Bee.” “Ha? Okay.” Sumakay ako at umupo sa likod niya. Napalingon ako sa magkabilang gilid ko dahil ‘di ko alam kung saan ako kakapit. Nagulat na lang ako nang abutin niya ang dalawa kong kamay at sabay na nilagay niya sa tiyan niya. I gulped. “Hold tight.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD