Chapter 8

1073 Words
Abby’s POV Nang paandarin niya ang bigbike ay mas humigpit ang kapit ko sa tiyan niya. Maya-maya’y binabagtas na namin ang highway. Kinakabahan ako noong una. Napapapikit ako nung nag-overtake siya at imbes na makaramdam ng takot, napangiti ako. Ito yata talaga ang kulang sa buhay ko, ‘yung thrill, d*mn! Ang tulin niyang magpatakbo, ngunit ‘di ako nakaramdam ng takot, pero kay bilis ng t***k ng puso ko, pero alam kong hindi dahil sa takot, dahil sa sobrang saya… Ganito ba ang pakiramdam ng malaya? It felt good, really. ‘Yung pagyakap ko nga lang sa kanya, iba na ang hatid sa ‘kin, lalo na ngayong tumatakbo na kami. Ang sarap lang sa pakiramdam habang sumusunod ang katawan ko sa bawat kurbada niya, habang nililipad ng hangin ang ilang hibla ng buhok kong hindi sakop ng suot kong helmet and the thrill in every smooth overtake he made. It was only then that I realized I wanted this kind of life for myself, too. For a long time, pakiramdam ko nagkaroon ako ng buhay maliban sa school at bahay. Pakiramdam ko naging malaya ako kahit saglit lang. At ang sarap pala talagang maging malaya, maging malaya sa mga bagay na gusto kong gawin, yung hindi ako natatakot na subukan dahil baka magkamali ako. Siguro naman… it isn't too much to ask—to allow myself even a bit of freedom. Huminto kami nang may traffic light. Binaba ni Caleb ang mga paa sa kalsada upang hindi kami matumba habang ako’y nanatiling nakayakap ang mga kamay sa kanya. Tinaas niya ang salamin ng suot niyang helmet at nilingon niya ako. “Okay ka lang d’yan?” “Oo naman.” “Natakot ka?” “Kurutin mo lang ang abs ko kapag sobrang bilis ko na.” Napaismid ako sa sinabi niya. Yabang talaga ng gagong ‘to. “Himasin mo na rin habang libre pa—Aw!” Ipit niya nang kurutin ko ang tiyan niya—hindi! Mali! Abs, pala. Natitiyak akong abs dahil maumbok at matigas. “Shut up. Malapit na mag-green light,” turo ko sa traffic light. Nangingiti ang mga mata nito nang binalik ang tingin sa harapan. Sampung segundo na lang ang natitira nang mapalingon ako sa sasakyan sa opposite lane dahil huminto ito sa tapat namin. Insaktong paglingon ko ay ang pagbaba ng windshield ng sasakyan. Sh*t! Sa lahat na puwedeng makasalubong ko ng tingin, ba’t sa tao pa na pinakahuling nais kong makakita sa ‘min ngayon ni Caleb. Ang bilis namang napalitan yung kasiyahang naramdaman ko, bitin! Seryosong mga mata ni Daddy ang sumalubong sa ‘kin. Tahimik lang siya, pero ‘yung kunot sa noo niya at gawi ng mga titig niya parang may mga sariling salitang dala. Agad kong naintindihan. Kay bilis kong napabitaw at lumayo kay Caleb. Nahinto rin si Caleb sa balak na pagpapatakbo sa big bike nang maramdaman niya ang pagbitaw at bahagyang paglayo ko sa kanya. “Daddy.” Mahinang sambit ko. “Ninong, good afternoon po,” magalang na bati ni Caleb nang makita si Daddy. Ni katiting walang bakas ng takot o kaba ang boses ni Caleb. Bumusina ang nakasunod na sasakyan namin sa likod. Gamit ang kamay ay sumenyas lang si Caleb at pinauna ang mga ito. “Where are both of you headed?” Dad asked casually enough, but I could feel the weight behind his words. It was the kind of question that seemed innocent, but a consequence is already waiting if I slip up. Nakakakaba, ngunit naisip ko na wala naman kaming ginagawang mali, kaya bakit ako matatakot? “We're heading home, Dad,” sagot ko. Mula sa ‘kin ay nilipat ni Daddy ang tingin kay Caleb. “Home?” “Yes, Ninong. Wala pa kasi ang sundo niya, kaya nag-offer na ‘kong ihatid siya.” Saad ni Caleb. Napatango-tango si Daddy, ngunit dama kong hindi siya kumbinsido sa naging sagot ni Caleb. “Ikaw po, dad? Where are you going?” Tanong ko sa kanya. “I'm on my way to pick you up. Ernie just called me. Something urgent came up.” Si Manong Ernie ang personal driver at bodyguard ko. “He was worried, nag return call siya ng ilang beses hindi ka sumasagot. I’ve been calling you too; you weren’t answering.” “I didn't notice. My phone was in my bag and on silent, so I didn't realize it was ringing.” Sagot ko. “Lumipat ka na dito sa sasakyan,” saad ni Daddy. Bumaba ang driver ni Daddy at pinagbuksan niya ako ng pinto. “Ako na lang po ang maghahatid, Ninong. Malapit na lang naman.” “It is safer here.” Ewan, ngunit ramdam kong may ibang kahulugan ‘yung naging tugon ni Daddy. Saglit na natigilan si Caleb. “Kay daddy na ako sasabay. Thank you sa pagalala sa ‘kin.” “Gagi. Malamang, pamilya ka at kahit na sino pa sa mga kinakapatid kong babae, I’ll do the same. And I just can’t leave you there alone. Baka kung ma pa’no ka kargo de konsensya ko pa.” Litanya nito. “Oo na. Baba na ‘ko.” Saad ko. Inalalayan ako ng driver ni Daddy makababa mula sa bigbike ni Caleb. “Bag mo,” saad ni Caleb, sabay abot niya sa ‘kin ng shoulder bag ko. “Thank you.” Tugon ko bago ako sumakay sa loob ng sasakyan ni Daddy. “Thank you for your concern for my daughter, Caleb.” Saad ni Daddy. “No problem, Dad— Ninong! Ninong. No problem, ninong.” Sinamaan ko ng tingin si Caleb. Hindi ko alam kung nagkamali ba siya o talagang sinadya niya. Ang gago kinindatan lang ako tapos pangiti-ngiti. “I’ll go ahead, Ninong, Bee.” Pagkasabi’y pinaharurot na nito ang motorsiklo paalis. Kay tahimik na sa loob ng sasakyan. Ewan kung bakit nakaramdam ako ng awkward. Siguro dahil alam kong ‘di niya gusto ‘yung ginawa kong pagsakay sa motorsiklo ni Caleb. Nakikiramdam lamang ako habang nanatiling tahimik si Daddy. “Are you two dating?” “No! Hindi, Dad!” Anas ko. “I’m just asking, Abegail. I’m glad that you’re not dating him. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo ang mga kalokohan ni Caleb.” “We’re just friends, Daddy. That's all it ever is. I promise.” “I hold on to that, Abegail.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD