Abby's POV "I love you, daddy. I love you so much," tugon ko at mas hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Tila bumalik ako sa pagiging bata. Nakakamiss din pala maging bata ulit. 'Yung walang iniintindi. Masayang naglalaro lang ng bahay-bahayan. "Sige na. Baka ma-late ka sa klase mo," saad niya nang bumitaw kami sa yakap ng isa't isa. Ngumiti ako. "Don't worry too much, okay?" Paalala ko sa kanya. "I'll go now. Bye, Dad." Paalam ko sa kanya. Lumabas ako ng bahay at tinungo ang sasakyang naghihintay sa 'kin. Nakabukas na ang pinto ng backseat nito habang nakatayo sa gilid si Kuya Mond. Bago ako tuluyang sumakay at pumasok sa loob ng kotse, nilingon ko pa ang Daddy. Nanatili siyang nakatayo at nakatanaw sa 'kin. Muli'y nginitian ko siya. He smiled, ngunit 'yung ngiting hindi abot hangga

