K’s POV Magkasunod kaming pumasok sa kitchen nila kung saan busyng-busy ang lahat. “Kayong dalawa,” rinig kong tawag ng isang matandang babae. Sabay kaming napalingon ni Sofia. “Saan kayo galing? Andami-daming gawain dito.” Sabi niya at binuhat ang isang tray na nakapatong sa mesa. “O sya, dalhin niya ‘yan doon sa labas.” Sabi niya at binigay sa akin ang tray na may mga inumin. Binuhat din niya ang isa pang tray at ibinigay kay Sofia. Sofia received it at sabay kaming naglakad palabas ng kitchen area. Nang makarating kami sa living area, maraming tao ang nandoon. Maraming high tables doon sa gitna. Ang sala set ay nasa gilid kung saan konti lang ang mga nakaupo. Nakasunod lang si Sofia sa akin. I stoppedto whisper at her. “Find my cousins. Pag nakita mo sila, don’t go ne

