K’s POV Nang lumabas si Jake sa kwarto ay nakatulala na lang ako. Matapos ang ilang sandal ay tumayo na ako sa kama. Kailangan ko nang magbihis. I opened my closet. Nagsuot ako ng tight leather jeans na may side pocket sa leg area. Kinuha ko ang folding knife na nasa may secret closet ko. I inserted it inside my black boots. Pagkatapos ay kinuha ko ang dalawang baril ko at nilagay sa leg pocket ng jeans ko. Kinuha ko pa ang isang baril para ilagay sa backpocket ko. Pagkatapos ay naghanap ako ng black fitted top ko. pinatungan ko iyon ng sweater at nahiga sa kama. Tahimik lang ako ng may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at bumungad si Kuya Raymund. Hindi ako nagsalita. Lumapit siya sa akin. Mas lalo ko pang itinaas ang kumot na nakatabon sa katawan ko. “Aalis na kami. I

