Jaja’s POV Nandito na kami sa headquarters ngayon. Tita Karina is being checked by the family doctor. Kasama niya si Tito. Habang kaming magpipinsan ay nandito sa conference room kasama si Jacob at Sofia. “What the hell just happened?!” galit na tanong ni Kuya Raymund. “Walang ni isa sa inyo ang sumunod kay Kara kanina!” Walang ni isang nagsalita. Kahit si Jacob ay nakatulala lang sa gilid. Everything was too fast earlier. Hindi ko alam kung anong nangyari. Nasa loob kami ng sasakyan ni Samuel nang kinuha ni Tito si Tita Karina kay K. Akala ko susunod si Kara pero nagulat kaming lahat ng tumakbo siya pabalik sa loob ng bahay nila Mandy. The next thing we know, sumigaw na si Kuya Raymund dahil nakita niya si K, hinampas ng tubo sa kamay at paa. At hinampas sa ulo gamit an

