K’s POV Lumabas ang lahat ng sakay ng elevator maliban sa babae. Siguro ay sa upper floor pa siya. Tahimik na dumiretso sina Lester at Dexter sa kwarto nila. Sina Shan at Jaja ay tahimik lang din. Binuksan ni Jaja ang kwarto namin. Pumasok silang dalawa ni Shan at susunod dapat ako nang may pumigil sa akin. Masamang tiningnan ko ang kamay ni Jake bago ako tumingin sa mukha niya. “What?” galit na tanong ko sa kanya. “What the hell is your problem?” tanong niya din. Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang siya. Bahala ka sa buhay mo. Sinara niya ang pinto ng room namin para hindi kami makita nina Jaja. “You won’t talk?” tanong pa niya pero hindi pa din ako sumasagot. “Fine.” Hinigit niya ako paharap sa kanya at biglang hinalikan. He didn’t moved at first per

