CHAPTER 36: FORBIDDEN HELP

2067 Words
Hindi ko na lang din iniisip pa kung bakit ba siya bumisita rito sa bahay namin. Pumasok ako sa kwarto at doon ay naupo lamang para makapagisip-isip kung ano ba ang mabisang gawin para sa kalagayan ni tatay. Kung dadalhin ko na lamang ba si tatay sa bagong doctor o mananatili na lamang kami kay Doc Cruz. Naupo ako sa bandang gilid ng kwarto kung saan maisasandal ko ang aking likod. Hindi ko alam kung bakit may bigat akong nararamdaman noon. Pakiramdam ko ay parang may nakadagan sa akin kahit ang totoo ay wala naman. Siguro ay baka bigat lang ng feelings ang aking nararamdaman. Sa totoo lang hindi pa rin mawala sa isip ko na si Doc Cruz ang gagamot kay tatay. Iniisip ko kasi na baka ay magkaroon kami ng utang na loob sa kanya at kapag iyon ang nangyari ay hindi niya na panagutan ang nangyari kay tatay. Kilala ko pa naman si Doc Cruz, mayaman siya at panigurado akong gagawin niya ang lahat para makatakas sa ginawa niya. Kinuha ko ang aking bag, binuksan ko ang mga ito at kumuha ako ng papel at ballpen para maisulat ang mga pros and cons ng mga bagay na aking laging ginagawa. Pagtapos ay sinimulan kong isinulat ang pros and cons kung si Dic Cruz ang magiging doctor ni tatay. Pros. Una ay magaling na doctor si Doc Cruz ayon kay Ate Joana. At doon restassured na mayroong kakayahan si Doc Cruz na pagalingin si tatay kung siya man ay may karamdaman. Pangalawa, comfortable naman si tatay kay Doc Cruz at ako lamang ang iisipin niya kung sakaling ako ay hindi pumayag. Cons. Una ay kapag makikita ko si Doc Cruz ay maaalala ko lamang ang dati. Pangalawa, hindi ako comfortable na si Doc Cruz ang gagamot kay tatay Pangatlo at higit sa lahat ay siya ang dahilan ng pagkawala ni nanay. Siya ang nagbigay sa amin ng sugat na parang kailanman ay hindi na maghihilom. Pagtapos kong isulat ang mga 'yon ay tiniklop ko na ang papel at inipit iyon sa libro kung saan nakalagay ang isa ko pang iniipit na papel noon. Nilagay ko rin ang libro sa aking bag. Sinusulat ko ang mga bagay so that I have something to look back na kapag nakapagdesisyon na ako. Mayroon akong sapat na magiging dahilan kung bakit ganoon ang aking naging desisyon. Ayoko kasi na basta-basta magdesisyon lamang. Ang gusto ko ay tinitimbang muna ang mga bagay-bagay. Turo kasi sa akin iyon ni nanay iyon at nadala ko na rin hanggang sa pagtanda. Ayaw kasi ni nanay na maging padalos-dalos ako sa aking mga nagiging desisyon. At ganoon din naman ako, ayaw ko ding maging padalos-dalos ang gusto ko ay wala akong maging pagsisihan sa aking mga desisyon. Pagtapos ay lumabas na ako ng kwarto. Paglabas ko ay doon ay nakita ko si tatay na nagluluto ng pagkain namin. "Tay? kakain lang po natin ah, bakit po nagluluto kayong muli?" sambit ko. "Ah anak maaga lang ako nagluto," tugon ni tatay. Sa naging tugon ni tatay ay ipinagtaka ko ito. "Bakit po 'tay? may puntahan po kayo?" nagtataka kong tanong. "Ah..." saglit na natigilan si tatay. "Ah kasi anak, niyaya lang ako dyan sa maay birthday," tugon ni tatay. "Nino po?" saad ko. "Birthday kasi ni Aling Ester, eh nakahihiya naman kung ako ay hindi pupunta," sambit ni tatay. "Eh tay, alam niyo naman po diba? kagagaling niyo lang po sa check up," saad ko. "Oo anak, alam ko naman hindi ko naman 'yon nakalilimutan ang akin lang ay nakahihiya naman kay Aling Eneng kung hindi ako makapupunta, alam mo naman diba, ilang taon na kaami magkakasama sa bukid," paliwanag ni tatay. "Opo 'tay, basta 'tay huwag na po kayo masyadong uminom at kung maari po ay huwag na lamang po talaga," paalala ko. "Oo anak, makaasa ka, huwag ka na masyadong mag alala para kay tatay . "Sige po 'tay," ang aking naging tugon. "Tay, pupunta na lang din po muna ako sa ilog 'tay," pagpapaalam ko. "Sige anak, sino ba ang kasama mo?" tanong ni tatay. "Ako lang po," sambit ko. "Sige anak, basta huh, huwag ka masyado magpapagabi," paalala ni tatay. "Opo, tay saglit lang naman po ako," tugon ko. "Sige anak, mag-iinga ka," saad ni tatay. "Opo." Binuksan ko ang pinto at lumabas na ng bahay. Tumungo ako sa ilog. Habang naglalakad ay nadaanan ko ang bahay ni Aling Eneng at may birthdayan nga roon. Napansin kong busy na busy ang mga tao sa pag-aayos. At halata talagang nakaaangat sina Aling Eneng sa buhay dahil kung pagmamasdan mo ay nakacatering pa sila. Rinig mo rin ang malakas na tugtog na nagmumula sa malalaking speakers. May mga tent pa at tila'y parang birthday ni Mayor. Dumaan lamang ako at mayroon akong mga kakilala na kasamahan ni tatay na naroon na. "Oh, pumunta ka rito mamaya huh," sambit ng isang matanda. "Ah, sige po, tatry ko pong pumunta," tugon ko. "Pumunta ka na, samahan mo ang iyong tatay," saad ng matanda. "Ay, sige po, may pupuntahan lamang po ako saglit at hahabol na lamang po ako," ang aking naging tugon. "Sige, mag-ingat ka." "Opo, mauuna na po ako." Tumungo na ako sa ilog at doon ay bumaba ako sa bawat baitang ng hagdan para marating ang ilog. Pagbaba ko at noong nakatapak na ako sa mga buhangin ay hinubad ko ang aking tsinelas at saka iyon binitbit. Gusto ko kasi na feel na feel ko na ako'y nasa ilog na. Pagtapos ay tumungo ako malapit sa may tubig. Doon ay naupo ako at tumingin sa kawalan. Wala akong inisip na iba noon dahil ang gusto ko lamang ay magkaroon ng peace of mind kahit sandali. Tumingin ako sa kawalan, habang naririnig ang mga huni ng ibon na mas lalong nakapagpaparelax sa akin. Ilang minuto lang din akong nanatili sa ganoong estado. Pagtapos ay, naglakad ako habang itinatampisaw ang aking mga paa. Naglakad ako sa gilid ng ilog kung saan hanggang talampakan lamang ang tubig at naging damang-dama ko ang lamig ng tubig. Tumalon-talon ako roon. Pinikit ko ang aking mga mata. Nagpaikot-ikot ako habang ang aking buhok ay hinahampas ng hangin. Sana ganito na lamang kagaan ang aking buhay. Sana ay ganito na lamang. Habang nakapikit ako ay may kung anong nagtanggal o nagbawas ng bigat na aking nadarama. Pagmulat ko ng aking mga mata at pagtingala ay nakita ko ang asul na langit. Ang ganda ng kalangitan, ang liwanag. Sana ang buhay ko ay ganoon din. Pagtapos tumingala ay may bigla akong naramdaman na parang may paparating. Umurong ako kaunti ng pwesto at mayroon akong kabang naramdaman dahil sa taong paparating. "Bakit kaya hindi siya nag-iingay?" sambit ko. Sa aking peripheral vision ay halata ko na nagpapatuloy ito sa paglalakad. Ako naman ay unti-unting umuurong palayo sa kanya. Hanggang sa biglang may humawak sa aking braso dahilan para mapasigaw ko. "Hoah!" sigaw ko. Paglingon ko ay naroon si Julio. "Nahilo ka ba sa pagikot-ikot mo?" ang bungad niyang tanong. Nagulat ako sa naging tanong niya ang ibig sabihin ay nasaksihan niya ang kabaliwan ko kanina, sa isip-isip ko. "A-ah, ba-bakit? kanina ka pa ba rito?" nauutal kong sambit. "Ah, hindi kararating lang," tugon niya. "Eh, ba-bakit mo na-natanong 'yong pagikot-ikot ko?" saad ko. "Eh may CCTV ako na nilagay dito eh," tugon ni Julio. "CCTV?" gulat kong tanong at pagkatapos ay nilingon-lingon ko ang paligid para matagpuan ang CCTV na kanyaang hinahanap. "Joke lang," sambit niya habang natatawa. "Ang panget ng joke mo," tugon ko. Pagtapos ay inihagis ko sa lapag ang aking tsinelas at isinuot 'yon. "Oh saan ka na naman pupunta?" sambit ni Julio. "Uuwi na," tugon ko. "Bakit ba sa tuwing darating ako at saka mo naman naiisipan umalis," saad niya. "Eh dumating ka eh, kaya aalis ako," tugon ko. ' "Hoy, grabe ka naman ang sakit mo naman magsalita," sambit niya. "Tsk, lalaki kayo pero ang bilis niyo masaktan, para ka rin palang si Josias," saad ko. "Huh?" sambit niya. "Ako? parang si Josias, mas matino naman ako roon nuh," saad ni Julio. "Matino naman si Josias ah, hindi lang talaga siguro siya ganoon nasisiyahan sa pag-aaral," sambit ko. "Ayan huh, pinagtatanggol mo siya," tugon niya. "Tse," sambit ko at tumalikod para tuluyan ng umalis. Nang biglang may humawak sa aking braso. "Mamaya ka na umuwi, alam kong hindi ka okay, sabi mo diba pupunta ka rito kapag mabigat ang iyong nararamdaman," sambit ni Julio. "Pero nalabas ko na kanina," tugon ko. "Maari mo bang muling ilabas ang sakit nararamdaman mo, makikinig ako," saad niya. Sa sinabing 'yon nu Julio ay natigilan ako. Maganda rin naman na may kausap habang naglalabas ng bigat ng nararamdaman. At kung si Julio ang aking makauusap ay okay lang naman dahil ilang beses ko na rin naman siyang nakausap. Naupo kami sa tabi ng ilog at doon ay tumingin muna kami sa kawalan. Nabalot kami ng katahimikan ng ilang minuto. Hanggang sa binasag na lammag ni Julio ang katahimikan. "Okay ka lang ba?" sambit niya. "Oo," tugon ko. "Totoo ba?" saad niya. "Alam mo ikaw, nagtatanong ka tapos kapag sinagot ko naman ang sasabihin mo hindi totoo," tugon ko. "Alam mo rin ikaw bakit ka laging galit sumagot, eh nagtatanong lang naman ako," sambit niya. "Edi, sorry," tugon ko. "Bakit ka nga pala narito? hindi pa naman umuwian ah," tanong ko. "Ah, maaga silang nagpauwi ngayon, may meeting kasi ang mga teachers," tugon ni Julio. "At ganoon ba?" sambit ko. "Eh,ikaw bakit hindi ka pumasok?" saad niya. "Trip ko lang," tugon ko. "Trip ka dyan, ikaw? matitripan mong umabsent?" saad ni Julio. "Ayusin mo naman ang pagsagot mo sa mga tanong ko," dagdag pa niya. "Bakit ka pa kasi nagtatanong, tapos naiinis ka pala sa mga isinasagot ko." saad ko. "So, bakit ka nga umabsent?" tanong niyang muli. "Ah, sinamahan ko lang si tatay na magpacheck up," sambit ko. "Bakit anong nangyari sa tatay mo?" tanong ni Julio. "Lagi kasi siyang inuubo eh, at saka lagi din na nanakit iyong dibdib niya. Tumatanda na rin kasi si tatay kaya minabuti na rin namin na ipacheck up siya," kwento ko. "Kamusta? may resulta na ba?" sambit ni Julio. "Ah, wala pa, ang sabi ng doctor ay babalik na lamang kami kapag tinawagan na kami," kwento ko. "Paano niyo nalaman na dapat na siyang ipacheck up?" muling tanong ni Julio. "Noong una kasi ay naikukwento na ng mga kapitbahay namin na ilang beses na raw nilang naririnig ang malakas na pag-ubo ni tatay. Hindi raw kasi iyon basta normal na ubo lamang," pagkukwento ko. "Tapos kapag lumalabas si tatay ay napapansin nila ang madalas nitong paghawak sa kanyang dibdib. Kwinento 'yon ng tanod na umiikot dito sa amin na parang tatay ko na rin at ang isang nurser na kapitbahay nain na parang ate ko na rin," saad ko. "Hindi mo ba natanong ang tatay mo, patungkol dyan?" saad ni Julio. "Natanong ko naman siya, ngunit hindi naman nagsasabi sa akin si tatay. Ang lagi niya lang sinasabi ay okay siya na wala siyang nararamdaman. Ngunit naiintindihan ko naman siya, siguro ay ayaw niya lang din na mag-alala ako. Pero buti na lamang ay may mababait kaming kapitbahay na nagbibigay concern sa amin," sambit ko. "Noong una ay chineck-up lang si ng kapitbahay naming nurse noong Sabado," patuloy kong pagkukwento. "Ano raw ang resulta?" curious na tanong ni Julio. "Ayun..." saglit akong natigilan. Huminga ako ng lalim at nagpatuloy sa pagsasalita. "Ayun, lung cancer ang kanyang diagnosis, may mga cases na raw kasi siya na nahawakan na ganoon," sambit ko. "Lung cancer?" sambit ni Julio. "Oo, pero hindi pa naman sure wala pa naman ang resulta ng check-up ni tatay at mga laboratory test," tugon ko. "Kung Lung cancer Samantha ay maari kitang tulungan, pulmonologist ang kuya ko," saad ni Julio. Sa sinabing iyon ni Julio ay pinag-isipan ko iyon ng ilang minut. Gustuhin ko sanang tanggapin ang pagtulong niya ngunit tinanggihan ko na lamang iyon. "Ah, huwag na Julio, okay naman na si tatay sa doctor niya," saad ko. "Salamat na lang," dagdag ko pa. "Ikaw ang bahala basta magsabi ka lang ah, sino nga pala ang doctor niya?" tanong ni Julio. "Si Doc Cruz," tugon ko. "Aaah," ang tanging naging tugon lang ni Julio habang tumatango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD