CHAPTER 35: CONFUSING VISIT

2287 Words
Pagtapos maghilamos ay agad na rin ako sa umupo sa upuan. Naghain na rin si tatay at ako naman ay pinupunasan pa rin ang aking mga mata upang hindi mahalata ni tatay ang aking pag-iyak. Pagtapos maghain ay naupo na rin si tatay. Napansin kong napatingin si tatay sa aking mata. "Oh, anak anong nangyari sa'yo?" sambit ni tatay. "Ah, wala po 'tay sumasakit lang po ang aking mata," tugon ko. "Bakit anak?" curious na tanong ni tatay. "Napuwing lang po ako 'tay kanina, ang lakas po kasi ng hampas ng hangin," sambit ko. "At dahil na rin po sa init 'tay," dagdag ko pa. "Oh, sabihin mo lang sa akin ah, kung patuloy pa rin na sumasakit at bibilihan natin iyan ng gamot," saad ni tatay. "Opo, 'tay," tugon ko. Nagsimula kami sa pagkain. "Kanino niyo po 'to binili 'tay? doon po ba sa kanto?" tanong ko kay tatay. "Ah, oo anak," saad ni tatay. "Ah ganoon po ba 'tay. Sabi po kasi ng mga kapitbahay natin ay masarap po ang luto nila roon," kwento ko kay tatay. "Ah, oo anak naririnig ko nga rin sa labas," pagsang-ayon ni tatay. "Huwag kang mag-alala anak, ngayon ay huhusgahan natin 'yan," dagdag pa ni tatay. Pagtapos sabihin iyon ni tatay ay nagsimula na kaming magsandok ng pagkain at ulam. Ang biniling ulam ni tatay ay adobong baboy. Noong nilagay sa mangkok ang adobo ay damang-dama or amoy na amoy ang aroma ng adobo. Pagtapos noon ay nagsimula na naming tikman ang ulam na binili ni tatay sa kanto. Para nga kaming nasa TV show ni tatay na nagtetaste test. Noong tinikman ko ay tama nga, masarap nga ang mga tindi nilang ulam roon. Hindi ganoon kaalat ang adobo, at sa totoo nga may sipa ito ng tamis. Ang baboy naman ay malambot, at kapag ninguya ay parang kusa itong naghihiwalay, tanda na malambot talaga ito. “Totoo nga po ‘tay, masarap nga po pala talaga ang tinda nila roon,” sambit ko. “Oo nga anak, hindi sayang ang 50 pesos,” pagsang-ayon ni tatay. Nagpatuloy kami sa pagtatanghalian ni tatay. Habang kumakain ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para tanungin kay tatay na may relasyon kay nanay. "Ah, 'tay?" saad ko. "Ano 'yon anak?" sambit ni tatay. "Ah 'tay wala po bang nasabi si Doc Cruz noong kayo na lang po bang dalawa?" sambit ko. Bago sagutin ni tatay ang aking tanong ay nagsandok muna siyang muli ng ulam. "Ah, wala naman anak," ang matipid na sagot ni tatay. "Ah ganun po ba," ang aking naging tugon. "Tay? okay lang po ba sa inyo na siya po ang iyong magiging doctor?" saad ko. "Oo anak, bakit naman hindi?" mabilis na sagot ni tatay. "Ah, kasi po 'tay baka po hindi kayo comfortable," sambit ko. Sa totoo lang ang dapat kong sasabihin ay dahil siya ang sumagasa kay nanay. Ngunit dahilsa bilis ng sagot ni tatay ay parang hindi na ako nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin siya. "Ah , hindi naman anak, okay naman kami ni Doc noong kaming dalawa na lamang at noong chinicheck-up niya ako," tugon ni tatay. "At saka sabi naman ni Joana ay magaling na doctor si Doc Cruz kaya siya'y okay na okay para sa akin," dagdag pa ni tatay. Sa naging sagot ni tatay ay parang nadurog ang aking puso. Bakit ganoon, parang wala na lamang sa kanya kung anuman ang may connection kay nanay. Gusto kong sabihin na 'tay, siya po ang may dahilan ng pagkamatay ni nanay. Tay, siya po ang may dahian ng sugat na dinadala natin, ngunit sa mga naging sagot ni tatay ay nanghina ako at parang hindi nagkaroon ng lakas sabihin ang mga 'yan kay tatay. "Sige po 'tay kung 'yan po ang gusto niyo," sambit ko. "Bakit anak? may problema ka ba kay Doc Cruz," saad ni tatay. Natigilan muna ako ng ilang segundo. Kaya muli akong tinanong ni tatay. "Anak? may problema ka ba kay Doc Cruz?" "Ah, wala po 'tay. Gusto ko lang po makasigurado na comfortable po kayo sa kanya," sambit ko. "Ah wala naman akong problema sa kanya anak. Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka sa kanya at icoconsider ko ang opinyon mo," tugon ni tatay. "Sige po 'tay, gusto ko lang po kayo maging comfortable," tugon ko. Pagkatapos noon ay nagpatuloy na kami sa panananghalian. Hindi nga namin napansin na naubos namin agad ang ulam na binili sa kanto, siguro ay dahil sa sobrang sarap at lambot nito. "Wala na pala tayong ulam," saad ni tatay. "Kaya nga po 'tay hindi ko rin po napansin," sambit ko. "Saglit lang at bibili na muna ako," tugon ni tatay. "Naku 'tay huwag na po, may ulam pa naman po kagabi," ang saad ko. "Mayroon pa naman pong natirang ulam dyan. Okay na po 'yon tay. Alam mo naman 'tay kailangan natin magtipid ngayon," dagdag ko pa. "Sige anak, basta kapag gusto mo pa ng ulam ay bibilhin kita," sambit ni tatay. "Opo 'tay, pero sa ngayon po ay magtipid muna po tayo," tugon ko. “Sige anak, pasensya ka na at napakagastos ba ni tatay?” tanong ni tatay. Pagtapos kumain ay nagpresenta na akong maghugas. "Tay, ako na pong bahala rito, magpahinga na po kayo," sambit ko. "Sige anak, salamat at nararamdaman ko pa rin ang needle biopsy na ginawa sa akin kanina," sambit ni tatay. Pagtapos ay iniligpit ko na ang aming mga plato at baso. Nilagay iyon sa lababo at pinunasan ko na rin ang lamesa. Pagkatapos ay kumuha ako ng kanin at ihinalo iyon sa natirang sarsa ng adobo. Tumungo ako sa bakuran para ipakin iyon sa pusa. Pagpunta ko sa bakuran ay nakita kong natutulog ang pusa sa may upuan. Tinapat ko ang pagkain sa kanyang ilong at natuwa ako sa mabilis niyang reaction. Pagtapos ay agad itong tumayo. Sinundan niya ang mangkok na hawak-hawak ko at pagkatapos ay inilagay ko na 'yon sa kanyang kainan. Pagkalagay ko ay agad naman niya itong kinain. Kinuha ko ang isang tupperware at nilagyan ko 'yon ng tubig para kanyang inumin. "Oh, ito na ang tubig mo huh," sambit ko na tila ba kumakausap ako ng tao. Pagkatapos ko siyang pagkain ay pumasok na rin ako sa loob ng bahay para maghugas ng plato. Sinimulan kong ilubog sa tubig ang aking mga huhugasan. Naglagay din ako ng tubig sa mangkok at pagkatapos ay nilagyan ‘yon ng sabon. Pagkatapos ay kinuha ko ang sponge at sinimulan ito ng pabulain. Sinimulan kong sabunin ang mga baso, pagkatapos ay ang plato, sunod ang mga kutsara at tinidor at ang huli ay mga kaldero. Pagkatapos sabunin ay sinimulan ko na rin itong banlawan. Pagkatapos ay iniligay ko na sila sa kani-kanila nilang lagayan. Pagkatapos ko maghugas ay pumunta a ko sa kwarto para kumuha ng damit. Gusto ko kasing maligo dahil ang init. Binuksan ko ang aking lagayan ng damit doon ay kumuha ako ng shorts at t-shirt. Pagtapos ay tumungo na ako sa banyo. Nagbuhos ako na ako agad-agad dahil feeling ko ay pawis na pawis na rin ako. Pagkatapos maligo ay lumabas na rin ako ng banyo. Paglabas ko ay naka t-shirt at short na rin ako ng biglang pagtingin ko sa sala namin ay naroon si Josias. “Ho-hoy!” sigaw ko. Nanlaki ang mga mata ko noong nakita ko siya, at napatingin ako sa aking katawan buti na lamang pala talaga ay naisipan kong magbihis na sa loob ng banyo bago lumabas dahil kung hindi ay baka nasapak ko si Josias. Nagbabasa noon si Josias, kaya noong pagkasigaw ko ay nahalata ko ring nagulat siya. "Ba-bakit ka narito?" sambit ko. "Ah, ah..." natigilan si Josias ng ilang segundo at tila iniisip pa kung ano ang kanyang isasagot. "Hoy! ang tanong ko ay bakit ka narito?" naiinis ko ng tanong. "Ah, ano kasi, tinawagan ako ng tatay mo," saad niya. "Tinawagan?" gulat kong tanong. "Oo, bakit?" sambit niya. "Alam mo ikaw, nagtataka na talaga ako eh, bakit lagi ka na lang tinatawagan ng tatay ko?" naiinis kong tanong habang nakapamaywang. "Aba, ewan ko, bakit hindi 'yong tatay mo ang tanungin mo," tugon ni Josias. "At sisihin mo pa ang tatay ko ngayon?" sambit ko. "Hi-hindi nuh, ang sabi ko lang tanungin mo siya," saad ni Josias. "At saka paano ka nakapasok sa bahay namin?" nagtataka kong tanong. "Ah, ah...," muling natigilan si Josias. "Ano? paano ka nakapasok?" sambit ko. "Pinapasok ako ng tatay mo," tugon ni Josias. "Hay naku, huwag ka ngang magsinungaling," naiinis kong tugon. "Hindi kayo ganoon kaclose ni tatay para papasukin ka niya sa bahay namin nuh," dagdag ko pa. "Eh, bakit ako na naman sinisisi mo? bakit kasi hindi mo tanungin ang tatay mo," sambit ni Josias. "Eh paano nga, kapag tinatanong ko naman si tatay, eh hindi naman ito sumasagot," tugon ko. "Oh, hindi pala siya sumasagot baka sisihin mo na naman ako ah," sambit ni Josias. "Alam mo ikaw, lumabas ka na nga ng bahay namin. Hindi nga ako pumasok ngayon pero nakita pa rin kita," saad ko. "Kaya nga ako pumunta rito eh," mahinang sambit niya pero ito ay narinig ko. "Ano?" sambit ko. "Wala, ang sabi ko saka na lang ako aalis kapag bumalik na 'yong tatay mo," tugon ni Josias. "Bakit? ano na naman ang kailangan mo sa tatay ko?" naiinis kong tanong. "Wala, syempre magpapaalam muna ako bago ako umalis, ang bastos ko naman kung hindi ako magpaalam," sambit niya. "Hmmm.... wala ka naman atang dahilan kung bakit ka nagpunta rito eh?" saad ko. "Siguro may balak ka nakawin dito sa bahay namin nuh," dagdag ko pa. "A-ako? ma-magnanakaw?" nauutal niyang tugon na halata mong nagulat sa aking sinabi. "Oo bakit," sambit ko. "Baka bilhin pa kita," tugon niya. Sa sinagot niya ay mas lalong nag-init ang ulo ko. "Ano! umalis ka na rito!" sambit ko. Kinuha ko ang unan at inihampas 'yon sa kanya. Habang hinahampas ko siya ay sumisigaw siya ng... "Uy joke lang, joke lang, joke lang," sambit ni Josias. "Anong joke, joke ka riyan," naiinis kong tugon habang patuloy ko siyang hinahampas. "Parang hindi naman tayo magkaibigan," sambit ni Josias. "Hindi talaga," tugon ko. "Ang sama mo naman, akala ko pa naman ay kaibigan ang turing mo sa akin," sambit ni Josias. "Kaklase, maari pa, pero bilang kaibigan, hindi nuh," tugon ko. Pagtapos ng aking naging tugon ay napadako ako ng tingin sa mukha ni Josias. Biglang naging seryoso ang kanyang mukha, pagtapos ay para itong nagkaroon ng lakas para patigilan ako na hampasin siya ng unan. Bigla niyang hinawakan ang aking kamay, dahilan para matigil ang paghampas ko sa kanya. "Tumigil ka na at ako ay aalis na," sambit ni Josias. Sa sinabing iyon ni Josias ay natigilan ako. Pakiramdam ko kasi ay bigla siyang naging seryoso. At medyo nakatatakot siya kapag siya ay seryoso. "Bitiwan mo muna ako," sambit ko. Agad akong binatawan ni Josias dahilan para ma-out balance ako at mapaupo. Ni hindi niya ako tinulungan bagkos kinuha niya lamang ang kanyang bag at tuluyan na lang din na umalis. "Tignan mo 'yong mokong na 'yon," bulong ko. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit nag-iba agad ang mood ni Josias. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa sinabi ko na hindi kami magkaibigan. Dahil kung 'yon ay totoo naman na hindi kami magkaibigan. Dahil ang definition ko ng kaibigan ay ang taong nandyan para sa'yo. Napagkukwentuhan mo, ang taong andyan kapag may pinagdadaanan ka. Ang taong dadamay sayo, ang taong makikinig at iintindi sa'yo. So, technically hindi kami magkaibigan ni Josias. Ni hindi ko pa siya napagkwentuhan ng buhay ko, ni hindi pa ako nagsabi sa kanya kung ano ang aking mga problema, at ganoon din ako sa kanya. Ni hindi nga kami nakapag-usap ng seryoso at mahinahon dahil sa tuwing nakikita ko siya ay pakiramdam ko ay iinisin lamang niya ako. Kaya ikinagulat ko ang kanyang reaction sa aking sinabi. "Bakit? nag-eexpect ba siya na isasagot ko na magkaibigan kami?" bulong ko sa aking sarili. "Bakit? kaibigan ba ang turing niya sa akin, eh lagi niya lamang akong iniinis," muli kong bulong. "Hays, bahala siya sa buhay niya," ang akin na lamang nasabi. Makalipas ang ilang minuto ay dumating an si tatay. "Oh, anak nasaan na 'yong pinapasok kong lalaki rito," sambit ni tatay. "Naku tay, hindi mo pa kilala 'yong lalaki na 'yon pero pinapasok mo na," paalala ko kay tatay. "Eh, sabi niya anak ay kaklase mo siya, at saka nakita ko na rin siya nakaraan," saad ni tatay. "At, nasabi mo na rin noon na classmate mo siya," dagdag pa ni tatay. "Ah ganoon po ba, nasabi ko po ba. Hindi ko na po kasi maalala," sambit ko. "Tumatanda ka na rin ba anak?" pagbibiro ni tatay. Hindi ko pinansin ang biro ni tatay at nagtanong lamang ako sa kanya. "Tay? bakit naman po kailangan niyo pang tawagan si Josias?" tanong ko. "Ano po bang connection niyo sa kanya?" dagdag ko pa. "Huh?" sambit ni tatay, "anong tinawagan?" "Sabi niya po kaya siya pumunta rito ay dahil tinawagan niyo siya," sambit ko. "Hindi ko siya tinawagan, pumunta siya rito dahil hindi ka raw pumasok, gusto ka raw niyang kamustahin, baka raw kasi napano na ang sugat mo," sambit ni tatay. "Po-po?" tugon ko habang hindi pa rin ako makapaniwala sa naging tugon ni tatay. "Ba-bakit? hi-hindi niya ba sinabi kung bakit ba siya nagpunta rito?" nagtatakang tanong ni tatay. "Ang sabi niya lang po ay tinawagan niyo siya kaya siya ay napadpad dito," tugon ko. Dahil sa naging tugon ni tatay ay mas lalo tuloy akong napaisip sa kung bakit ba talaga siya pumunta rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD