CHAPTER 20: Pros and Cons

2259 Words
Matapos mag merienda ay naghanda na rin si Anne para umuwi. “Tito, baka po manonood lang kami ng program bukas. Kaya po pwede naman po ulit umabsent si Samantha kung gusto niya. Ibibigay ko na lang po kay ma’am ‘yong excuse letter niya,” sambit ni Anne. “Hindi na kailangan, papasok na ako bukas,” pagpupumilit ko. “Ay sige Anne, pero magsusulat muna ako ng excuse letter baka kung sakaling hindi siya makapasok bukas,” tugon ni tatay. “Sige po tito.” “Sige, sandali lamang maupo ka muna riyan at magsusulat muna ako,” sambit ni tatay. Pumunta si tatay sa kwarto at kumuha ng ballpen at papel. Noong triny niyang isulat ang ballpen ay wala na itong tinta. “Samantha, pwede bang makahiram ng ballpen mo,” sambit ni tatay. Pumunta ako sa kwarto at binuksan ang aking bag. Kinuha ko ang ballpen na nakalagay sa aking pencil case. Lumabas ako ng kwarto at inabot ‘yon kay tatay. “Tay, ito po,” sambit ko. Kinuha ni tatay ang ballpen, “salamat anak.” Nagpatuloy si tatay sa pagsusulat ng excuse letter. Habang kami naman ni Anne ay nakaupo lang sa sala. “Sigurado ka bang papasok ka na bukas?” sambit ni Anne. “Oo naman kaya ko na nuh,” tugon ko. “Nag aalala lang ako, alam mo na, baka maapaano ka,” sambit ni Anne. “Ano ka ba, mahal na mahal mo talaga ako eh nuh. Okay na nga ako.” tugon ko habang hinahampas siya sa braso. “Oo naman nuh, kaya nga napapunta ako rito sa inyo. Baka kasi napano ka na, alam mo naman hindi ako sanay na umaabsent ka,” sambit ni Anne. “Salamat Anne, at sorry pinag-alala kita,” sambit ko. “Ano ka ba, okay lang ‘yon. Basta magpagaling ka na riyan,” tugon ni Anne. Noong natapos na si tatay sa pagsusulat. “Oh ito na Anne. Maari bang ibigay mo na lamang ito kapag hindi nakapasok si Samantha bukas,” sambit ni tatay. “Opo naman Tito, no problem po,” tugon ni Anne. Inilagay ni Anne ang papel sa kanyang bag at isinuot na ang kanyang bag para umuwi. “Uwi na po ako tito,” pagpapaalam ni Anne. “Sige Anne, hatid na kita sa labas,” tugon ni tatay. “Babye na Samantha, magpagaling ka huh,” sambit ni Anne. “Oo, mag iingat ka,” tugon ko. Umalis na si Anne at inihatid siya ni tatay sa labas. Ako naman ay naupo lang sa upuan sa sala. Makalipas ang ilang minuto ay hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Nagising na lang ako noong dumating na si tatay. “Oh anak, kung magpapahinga ka ay doon ka na sa kwarto magpahinga,” sambit ni tatay. “Hindi po tay, okay lang po ako at saka nakaidlip naman na po ako,” tugon ko. “Naihatid ko na si Anne,” sambit ni tatay. “Nakasalubong ko rin si nurse Joana,” dagdag pa niya. “Ano po sabi tay ni Ate Joana?” nagtataka kong tanong. “Pupunta raw siya sa Sabado rito,” tugon ni tatay. “Tay, kaya po huwag po muna kayo mag trabaho sa araw na ‘yon,” pag pupumilit ko. “Sinabi ko na kay Joana, kung hindi busy sa bukid ay mananatili ako sa bahay. Ngunit kung busy ay pipilitin kong humabol,” tugon ni tatay. “Sige po ‘tay,” tugon ko. Habang nag uusap kami ay nag ring bigla ang cellphone ni tatay na nasa lamesa sa sala. Ring..ring..ring… Nagtinginan kami ni tatay dahil hindi naman kami sanay na may tumatawag sa amin. Halos hindi na nga nagagamit ang cellphone na ‘yon. Kinuha agad ni tatay ang cellphone at sinagot ang tawag. “Hello, sino ito?” Sa kabilang linya naman ay walang sumasagot. “Hello, sino ito?” muling pagtatanong ni tatay. Wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. Hanggang sa maputol na lang ang tawag. “Sino kaya ‘yon tay?” nagtataka kong tanong. “Hindi ko rin alam anak dahil wala namang sumasagot sa kabilang linya,” tugon ni tatay. “Baka dahil mahina po ang signal tay. Baka po mamaya tumawag po ‘yon muli,” sambit ko. “Siguro anak, bantayan mo rin at baka muling tumawag,” tugon ni tatay. “Opo.” Naupo lang ako sa sala para bantayan kung may tatawag muli. Si tatay naman ay busy din sa pag luluto. “Tay, ano po iyang niluluto niyo?” sambit ko. “Gulay anak, para lumakas ka,” tugon ni tatay. Tumungo ako sa kusina at sa lamesa at doon ay nakita ko ang mga matingkad na kulay at fresh na prutas na binili rin ni tatay. “Tay, bakit po bumili ka pa ng prutas?” “Ano ka ba anak, para sa’yo yan para lumakas ka,” sambit ni tatay. “Naku tay, sayang naman po ‘yong pera niyo,” tugon ko. “Anong sayang ka diyan, katulad ng pangako ko sa nanay mo ay aalagaan kita nang mabuti,” sambit ni tatay. “Salamat tay,” tugon ko. Habang nag uusap kami ni tatay ay biglang nag ring muli ang cellphone. Ring.. ring.. ring… Tumungo ako sa sala at sinagot ang tawag. “Hello?” sambit ko. “He-hello?” tugon ng boses babae na nasa kabilang linya. “Sino po ito?” sambit ko. “Si Auntie ito, nariyan ba ang tatay mo?” Tumingin ako kay tatay at.. “Tay, si auntie raw po,” sambit ko. Itinigil ni tatay ang pagluluto at kinuha ang cellphone. “Oh, Gema napatawag ka,” sambit ni tatay. Noong nalaman ko na si Tita Gema ang tumawag ay medyo nakaramdam ako ng kaba. Alam ko kasi pag uusapan na naman nila ni tatay ang tungkol sa pag aaral ko sa Saudi. Eh, sa totoo lang ayaw ko talagang pumunta ng Saudi at maiwan si tatay. “Mabuti naman kami,” ang naririnig kong tugon ni tatay sa kanyang kausap. “Ah, si Samantha, maayos naman ang kanyang pag- aaral.” “Hindi pa napagdesisyunan ni Samantha ang pag-aaral sa Saudi. Ang sabi niya ay pag iisipan niya munang mabuti.” Hindi nga ako nagkamali at ‘yon nga ang dahilan kung bakit tumawag si Tita Gema. “Ano ka ba, hindi naman madaling bagay ang pag dedesiyunan ni Samantha, hayaan mo muna siyang mag isip at timbangin ang mga bagay,” sambit ni tatay. “Sige, kami na lamang ang tatawag sa’yo kapag napagdesisyunan niya na,” tugon ni tatay. “Kayo rin, ingat kayo,” ang huling mga linya na sinambit ni tatay bago patayin ang cellphone. “Tay ano pong sabi ni Tita Gema?” tanong ko. “Wala naman anak, nangamusta lang at kung ano ang magiging desisyon mo, kung tutuloy ka ba sa pag aaral mo sa Saudi,” sambit ni tatay. “Sabi ko ay bigyan ka muna niya ng panahon para makapag isip,” dagdag pa niya. “Pasensya na po ‘tay,” tugon ko. “Bakit naman anak? sabi ko sayo kahit anuman ang magiging desisyon mo ay susuportahan ka ni tatay, kaya huwag kang matakot,” sambit ni tatay. “Sige po tay, salamat po. Pag iisipan ko po nang mabuti ito tay,” tugon ko. “Pasok po muna ako ng kwarto tay.” Pumasok ako ng kwarto at doon ay nag isip-isip. Naupo ako sa banig at binuksan ko ang aking bag. Kumuha ako ng isang pirasong papel, libro at ballpen. Sinimulan kong isulat ang mga posibleng mangyari kapag natuloy akong mag aral sa Saudi. Finold ko ang papel sa gitna. Sa kanan ay isinulat ko ang mga posibleng mangyari kapag nagtrabaho o nag aral ako sa Saudi. “Kapag natuloy sa Saudi.” Hindi sure kung maipagpapatuloy ang law. Magkakaroon ng chance makapagtrabaho. Kikita nang malaki at masusuportahan si tatay. Mabibigyan nang magandang buhay si tatay. Pinakaimportanteng rason ay mapapalayo kay tatay. Iyan ang mga naisulat kong posibleng mangyari kapag natuloy ang pag aaral ko sa Saudi. Sa dahilan naman para hindi tumuloy sa Saudi ay may dalawang rason lamang akong naisulat. Ang una ay, “maipagtatanggol si nanay.” Ang pangalawa ay, “ makakasama si tatay.” Talagang nangingibabaw sa akin ang manatili na lamang dito sa Pilipinas para maipagpatuloy ang pag aaral ng law. Alam ko mahabang panahon ang aking igugugol pero naniniwala ako na makakamit ko ang pangarap kong maging isang prosecutor. Pagtapos magsulat ay finold kong muli ang papel at itinago ito sa libro. Nilagay ko ‘yon sa aking bag, upang maging basehan kong muli sa aking pagdedesisyon. Makalipas ang ilang oras ay lumabas na ako ng kwarto para maghapunan. Naghain ako kahit ayaw pa ako masyadong pagalawin ni tatay. “Tay, pwede po bang manood ako ng balita, para po updated ako sa mga pangyayasi sa bansa, panigurado po kasi may ipapasulat sa amin patungkol sa mga kaganapan sa bansa,” sambit ko. “Sige anak, manood tayo ng balita habang naghahapunan,” tugon ni tatay. Binuksan ko ang TV inilipat sa channel kung saan palabas ang 24 Oras. Buti na lamang pagkalipat ko ay kasisimula pa lamang nito. Sabay kaming nanood ni tatay habang naghahapunan. At noong may bakita tungkol batang babae na nasagasaan ay hindi maiwasan ni tatay isipin ang aking naging karanasan. Doon sa balita ay labis na napuruhan ang babae, may mga sugat siya sa binti, kamay at gasgas sa ulo. “Buti na lamang at hindi ganyan ang sinapit mo, Samantha,” sambit ni tatay. Habang pinapanood ang balitang ‘yon ay hindi ko maiwasan kilabutan. Paano nga kung ganoon ang nangyari sa akin sa isip-isip ko. Nakatulala lang ako noon sa TV at labis ang awa na nararamdaman ko para sa babae dahil sa kanyang sinapit. Base kasi sa balita ay ang driver ang may kasalanan dahil nakainom ito. “Kaya ikaw anak, mag-iingat ka na palagi,” sambit ni tatay. Hindi ko ‘yon narinig kaya’t hindi ako nakasagot agad. “Anak? nakikinig ka ba?” tanong ni tatay. “A-ano po ‘yon tay?” tugon ko. “Sabi ko ay mag iingat ka palagi,” sambit ni tatay. “Opo tay,” tugon ko. Pagtapos maghapunan ay nagpresenta na si tatay para maghugas ng plato at baso. “Magpahinga ka na at alam ko namang gusto mo ng makapasok bukas.” sambit ni tatay. “Sige po tay,” tugon ko. Medyo maaga akong natulog noong gabi para makapagpahinga nang maayos. Gusto ko na rin talaga pumasok, gusto ko rin manood ng program dahil minsan lang magkaroon ng program sa school namin. Kinabukasan. “Aw! ah! aw!” ang mga sigaw ko. Hindi ko maigalaw ang aking binti at sobrang sakit nito. Noong tinignan ko naman ang aking mga sugat ay tuyo naman na ang mga ito. Nagising si tatay dahil sa aking mga sigaw. Narinig ko ang mga yabag ng kanyang paa patungo sa aking kwarto. Binuksan niya ang pinto. “Anak! anong nangyari?” sigaw ni tatay. “Tay, sobrang sakit po ng binti ko ‘tay, hindi ko po ulit ito maigalaw,” tugon ko habang umiiyak. Sobrang sakit ng binti ko at dahilan para ako ay mapaiyak. Lumabas si tatay at narinig kong tinawag niya si Kuya Eddy, ang tricycle driver naming kapitbahay. “Eddy, eddy!” ang naririnig kong tawag ni tatay. “Oh bakit kuya? anong problema aba’y napakaaga pa.” sambit ni Kuya Eddy. “Tulungan mo ko Eddy, si Samantha,” tugon ni tatay. “Anong nangyari kay Samantha, kuya?” Pagtapos ng mga salita na ‘yon ay narinig ko na lamang ang mabilis nilang pagtakbo. Pumasok sa kwarto sina tatay at Kuya Eddy para ako ay buhatin. Pinagtulungan nila akong buhatin. Isinakay nila ako sa tricycle at dinala sa hospital. Doon sa hospital kung saan binawian ng buhay si nanay. Pagdating sa hospital ay nakita kong umiiyak si tatay. Buhat-buhat niya ako habang sinasabi ang mga salitang… “Doc, gamutin niyo po ang anak ko.” “Doc, tulungan niyo po ang anak ko.” Iyan ang mga salitang paulit-ulit kong narinig. “Dito po ihiga niyo po muna siya rito,” sambit ng Doctor. Ihiniga ako sa isang vacant bed sa first floor. “Ano pong nangyari?” tanong ng doctor. “Ah nasagasaan po kasi siya doc noong nakaraang araw. Akala po namin okay na dahil naigagalaw niya na po ‘yong binti niya. Pero ngayong umaga po ay hindi niya na maigalaw at sobrang sakit na,” kwento ni tatay. “Bakit hindi niyo po siya agad dinala sa hospital noong nakaraang araw?” “Akala po namin doc hindi ganoon kalala at saka po naigagalaw niya ng medyo maayos ang kanyang binti kinabukasan noong araw na nasagasaan siya,” muling pagkukwento ni tatay. “Sa ngayon po, x-ray po muna natin siya para malaman kung napuruhan ba ang kanyang bone structure,” sambit ng doctor. Umalis ang doctor, at naiwan kaming dalawa ni tatay. “Tay, paano po ‘yan wala po tayong pera na pambayad,” sambit ko. “Huwag kang mag-alala anak, akong bahala. May konting pera naman akong naitabi. At saka nag iwan naman ‘yong driver ng kanyang phone number,” tugon ni tatay. Noong sinabi ‘yon ni tatay ay bigla kong naisip. Kung magkikita kaming muli ay malalaman ko na kung sino talaga siya at kung kaninong boses ang naalala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD