Pagkatapos magbasa ay itinabi ko muna ang libro ng law at papel na aking ginamit.
Noong napatingin ako sa aming orasan ay oras na ng uwian namin sa school.
Bigla ko tuloy naalala si Anne baka naghintay siya nang matagal. Eh hindi niya alam kung anong nangyari sa akin.
Dahil tumila na rin naman ang ulan ay tumungo muna ako sa aming bakuran at doon ay nagpahangin.
Sa upuan ay naroon din ang aming pusa, umupo ako sa tabi niya. Binuhat ko siya at iniligay sa aking binti.
“Oh, ano kamusta ka?” sambit ko habang hinihimas ang kanyang ulo.
“Sana ay maayos ang kalagayan mo.” dagdag ko pa.
“Kayong mga pusa, paano ba kayo hindi nasasagasaan? bakit ang bilis niyo gumalaw kapag kayo ay nasa kalsada,” pagtatanong ko.
Ganito talaga ako, minsan ay kinakausap ko ang pusa lalo na kapag wala si tatay. Natatanggal kasi ang pagod ko at napaglalabasan ko rin siya minsan ng sama ng loob. Minsan magaan sa pakiramdam mailabas ang bigat sa damdamin.
Pagkatapos ay pumasok na rin ako sa loob ng bahay.
Makalipas ang ilang minuto ay may naririnig akong sumisigaw sa labas.
“Samantha,” tawag ng tao na nasa labas.
“Samantha!” muling sigaw ng babaeng boses sa labas ng aming bahay.
Sumilip ako sa bintana at doon ay natanaw ko si Anne.
Naroon si Anne at dumiretso pa ata sa aming bahay pagkagaling sa school.
Binuksan ko ang pinto.
“Anne,” sigaw ko mula sa pinto.
“Samantha.”
“Tara dito pumasok ka,” tawag ko kay Anne.
Pumasok si Anne sa aming bahay.
Naupo siya at napansin ko ang pagtingin niya sa aking binti.
“Hoy, anong nangyari sayo?” sambit ni Anne.
“Bakit? okay lang ako,” tugon ko.
“Anong okay ka dyan? ayan oh, ano ‘yan?” sambit niya habang tinuturo ang aking sugat.
“Wala ‘yan, muntik lang ako masagasaan kahapon,” tugon ko.
“Ano? masagasaan,” gulat niyang sagot.
“Bakit gulat na gulat ka dyan? okay na ako ano ka ba,” tugon ko.
“Samantha naman eh, ano nga, ano pang masakit sa iyo?” sambit niya habang nalulungkot.
“Hahaha, okay na nga ako, ano ka ba,” tugon ko. “Tignan mo oh,” sambit ko habang pinapadyak ko ang aking paa.
“Aray,” sambit ko.
“Ayan kasi, anong okay ka dyan,” tugon ni Anne.
“Okay nga ako. Nga pala Anne, naghintay ka ba ng matagal kanina?” tanong ko.
“Oo hahaha, muntik pa nga akong malate eh,” tugon ni Anne.
“Hala sorry, pero alam mo ba ganyan din ako noong hindi akala ko hindi ka papasok,” sambit ko.
“Well, ganoon siguro talaga. That’s What Friends Are For,” tugon ni Anne.
“Pero alam mo ba ang lungkot ko kanina sa room,” sambit ni Anne sabay yakap sa akin.
“Oh, huwag ka na malungkot dyan,” tugon ko habang hinihimas ang kanyang buhok.
“Lahat ng classmates natin nag-aalala dahil wala ka. Hindi siguro sila sanay na absent ka,” sambit ni Anne.
“Oh, bakit naman sila mag-aalala, wala namang nangyaring masama sa akin,” tugon ko.
“Anong wala, tignan mo nga ‘yan,” tugon niya sabay turo sa aking sugat.
“Kahit nga si Julio ay kinukulit ako kanina. Asan ka raw ba?” kwento ni Anne.
“Siguro ay wala lang ‘yong makakasama sa pag rerecess kaya hinahanap ako,” tugon ko.
“Meron naman siyang nakasabay kanina, sina Jeron. Kahit nga si Jeron ay hinahanap ka sa akin. Dati raw late ka lang ngayon absent ka na,” pagkukwento ni Anne.
“Kamusta naman ang school? marami ba kayong ginawa ngayong araw? baka kasi marami akong habulin na activities,” nag aalala kong tanong.
“Ayun nga, medyo tama ang timing ng pag absent mo dahil walang masyadong ginawa. Kasi diba ngayon ‘yong program ng English Department. Kaya ayun, lumabas ang mga estudyante at tumungo sa covered court para masaksihan ‘yong program,” sambit ni Anne.
“Ay, oo nga pala, nawala sa isip ko. Kamusta naman ang naging program?” tugon ko.
“Maayos naman.”
“Tara Anne, punta tayo sa bakuran para magpahangin,” pag-aya ko kay Anne.
“Sige.”
Tumungo kami ni Anne sa bakuran at doon ay nagpahangin. Naupo kami sa kahoy na upuan.
“Narito pa pala ‘yang pusa na ‘yan,” sambit ni Anne.
“Oo, dito na ‘yan nakatira,” tugon ko.
Makalipas ang ilang minuto ay nagtanong ng muli si Anne.
“Ano bang nangyari Samantha? bakit may sugat ka?” habang sinasambit niya ang mga salitang ito ay halata ko ang pag aalala sa kanyang mukha.
“Wala naman, nasagasaan lang ako,” tugon ko.
Ikinagulat ni Anne ang tugon ko.
“A-ano? Na-nasagasaan?” gulat niyang tanong.
“Oo,” tugon ko at tumango.
“Bakit? Paano?”
“Habang naglalakad kasi ako pauwi ay nakasalubong ko si Tatay Nestor. Tapos nakapag usap kami saglit. Nakwento niya na kapag nagpapatrol daw siya rito malapit sa amin ay naririnig niya si tatay na malakas ang ubo. Kapag naman daw nasa labas si tatay ay napapansin ni tatay Nestor ang paghawak nito sa kanyang dibdib. Tinanong ako ni tatay Nestor kung sinabi ba ni tatay na first time niya lang maranasan ang ganung pag ubo. Sabi ko opo, sabi po sa akin ni tatay kaya naman pogamutin ‘yon ng oregano. Pero sabi ni tatay Nestor ilang beses na raw niyang nakikita si tatay na ganoon,” pagkukwento ko.
“Hala diba, ganyan din ang pagkaka kwento nung nurse, ano nga ulit pangalan nun?”
“Si Ate Joana.”
“Ayun sin Ate Joana, hindi ba ganyan din ang kanyang pagkukwento?”
“Oo, kaya nga eh, pareho na pareho. Kinabahan ako noon at hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Kung sino ang paniniwalaan ko. Kasi sabi ng tatay ko okay lang siya, kayang gamutin ng oregano. Pero base sa kwento ni Tatay Nestor at Ate Joana parang hindi ‘yon simpleng ubo lamang,” dagdag ko pa.
“Pupunta naman si Ate Joana sa Sabado rito diba?” sambit ni Anne.
“Oo.”
“Sa Sabado ay malalaman mo na. Huwag ka na masyado pang mag isip dyan,” sambit ni Anne.
“Eh, saan mo nakuha ‘yang sugat mo?” muling pagtatanong ni Anne.
“Ayun nga, habang naglalakad ako hindi ko namalayan na nasa gitna na ako ng kalsada,” muli kong pagkukwento.
“A-ano gi-gitna ng kalsada?”
“Oo, hindi ko alam may paparating pa lang motor. Nalaman ko lang na nasa gitna na ako noong sumalpok sa akin ang motor dahilan para mapahiga ako,” patuloy kong pagkukwento.
“Hala Samantha, ano bang nangyari sa ‘yo?” nag aalalang tanong ni Anne.
“Hindi ko maigalaw ang binti ko noon at ‘yon nga nagkasagugat ako. Noong tinanaw ko ang driver ay napahiga rin siya pero agad din naman siyang nakatayo. Buti na lamang at naka helmet siya, nakatakip din ang mga braso niya kaya hindi siya napuruhan. Tinulungan niya ako tumayo, isinakay niya ako sa kanyang motor at hinatid dito sa bahay,” sambit ko.
“Buti na lamang at mabait ‘yong driver, hindi ka niya iniwan. Kilala mo ba siya? nakita mo ‘yong mukha?” sunod sunod na tanong ni Anne.
“Hindi nga Anne eh, pero alam mo, alam ko narinig ko na ‘yong boses niya. Hindi ko lang alam kung kailan at saan, pero sigurado ako na narinig ko na ‘yong boses niya,” tugon ko.
“Baka naman akala mo lang ‘yon? Baka akala mo narinig mo na rati pero hindi pa,” sambit ni Anne.
“Hindi Anne, sigurado ako na narinig ko na ang boses na ‘yon dati,” tugon ko.
“Matangkad ba? mukha na bang matanda? mas matanda sa atin?” sunod-sunod na tanong ni Anne.
“Hindi naman siya ganoon katangkaran pero mas matangkad ito sa akin. At saka hindi ko kasi nakita ang kanyang mukha kaya hindi ko masabi kung mukhang bata or binata,” pagpapaliwanag ko.
“Naku Samantha, huwag mo na isipin ‘yon ang isipin mo ngayon eh magpagaling at magpalakas.”
“Ano ka ba, ilang ulit ko ng sinabi sa ‘yo na okay na nga ako. Baka bukas ay makapasok na ako,” tugon ko.
“Sigurado ka na ba? Kaya mo na?”
“Oo naman nuh, tignan mo napapadyak ko na ang paa ko,” sambit ko.
“Nga pala may gagawin ba bukas? quiz, may assignments ba na iniwan?”
“Wala naman, program lang ang naging ganap kanina. Baka bukas ay ganoon din siguro. Kaya pag isipan mo kung papasok ka bukas. Pwede naman na magpahinga ka na lang muna ako na lang ang magsasabi kina ma’am kung anong nangyari. At saka aabot ko na rin ang excuse letter mo,” sambit ni Anne.
“Hindi okay na ako, kaya ko na makapasok bukas,” tugon ko.
“Sige, ikaw ang bahala,” sambit ni Anne.
“Nga pala Samantha, kanina rin ay absent si Josias,” kwento ni Anne.
“Ay, bakit kaya?” tugon ko.
“Hindi ko rin alam, hindi rin alam ng mga classmate natin kasi alam mo naman wala naman ‘yong close sa atin,” tugon ni Anne.
“Baka may sakit,” sambit ko.
“Siguro, pero kahit naman absent siya wala rin naman pinagbago dahil natutulog lang naman siya sa school,” sambit ni Anne.
“Hoy ang sama mo hahaha. Kahit ganoon si Josias matalino naman siya. Tingnan mo nakaraan kahit nagtutulog tulugan siya, nasagot niya ‘yong pinapasagot ni ma’am,” tugon ko.
“Sabagay, mukha naman siyang matalino kaso nga lang tamad. Siguro kasi dahil mayaman siya. Hindi ko pa rin makalimutan ‘yong sasakyan na sumundo sa kanya. Para akong nanonood ng teleserye noon,” sambit ni Anne.
“Hahaha, kaya nga eh. Pero malay mo naman hindi sa kanya ‘yon,” sambit ko ng may pagdududa.
“Grabe ka naman, eh sinundo na nga siya,” sambit ni Anne.
“Well, wala kasi sa mukha niya na mayaman siya,” tugon ko.
Habang nag uusap kami ni Anne ay bigla naman dumating si tatay.
“Oh, Anne narito ka pala,” sambit ni tatay.
“Opo tito, hindi po kasi pumasok si Samantha eh, nag alala lang po ako kung ano na nangyari sa kanya,” tugon ni Anne.
“Hindi ko nga rin inasahan ang nangyari, mabuti nga at medyo maayos na ang lagay niya, kahapon ay sobrang sakit ng kanyang binti at hindi niya maigalaw nang maayos,” kwento ni tatay.
“Nagulat nga po ako noong nakita ko po ‘yong sugat niya,” sambit ni Anne.
“Mabuti na lamang at mabait ang driver, hinatid siya agad rito,” tugon ni tatay.
“Kamusta po pala kayo tito, nabalitaan ko po na inu…” hindi pa natatapos magsalita si Anne ay agad ko na siyang kinirot.
Tumingin ako sa kanya at sinenyasan na huwag ng banggitin ang naikwento ko tungkol kay tatay.
“Ano ‘yon Anne?” tanong ni tatay.
“Ah, wala po tito,” tugon ni Anne.
“Aba’y nag meryenda ka na ba Anne? maiwan ko muna kayo at bibili lang ako ng tinapay,” sambit ni nanay.
“Naku tito, huwag na po, pauwi na rin po ako. Kinamusta ko lang po talaga si Samantha,” tugon ni Anne.
“Aba’y minsan ka lamang makapunta rito, dapat kumain ka,” sambit ni tatay.
“Samantha, paupuin mo muna ‘yang si Anne,” utos ni tatay.
Umalis na si tatay at bumili ng tinapay.
“Ano ka ba, bakit hindi mo pinigilan ‘yong tatay mo, pauwi na rin naman na ako,” sambit ni Anne.
“Kilala mo naman si tatay, hindi magpapapigil ‘yan, lalo na at alam mo naman minsan ka nga lang pumunta rito,” tugon ko.
“Hindi tulad noong mga bata pa tayo lagi kang nandito sa bahay namin. Lumipat kasi kayo, ayan tuloy wala na ako laging kasama rito,” sambit ko.
“Ano ka ba kahit nasaan pa akong lupalop, ikaw pa rin ang best friend ko. At saka lagi naman tayong magkasama sa school,” tugon ni Anne.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin si tatay.
Pumunta siya agad sa kusina at nagtimpla ng juice at inilagay sa plato ang tinapay.
“Oh halika na muna rito Anne at magmeryanda ka,” anyaya ni tatay.
“Naku tito hindi naman po kailangan pero sige po, bawal tanggihan ang grasya,” ang motto namin ni Anne.
Pumunta na kami sa kusina at nagmeryenda. Habang kumakain ay kinamusta ni tatay si Anne.
“Anne, kamusta ang nanay at tatay mo?”
“Maayos naman po tito,” tugon ni Anne.
“Aba’y minsan ko na lang din makita ang mga magulang mo,” sambit ni tatay.
“Busy lang po tito sa negosyo. Lagi din po kayong kinakamusta sa akin ni tatay,” tugon ni Anne.
Close talaga ang pamilya namin nina Anne, kahit nga hindi kami magkamag-anak ay parang magkadugo na rin ang turingan namin.
“Saan ka pala magkokolehiyo, Anne?” usisa ni tatay.
Ilang minuto muna ang lumipas bago nakasagot si Anne.
“A-ah hi-hindi ko pa po sigurado tito kung tutuloy pa po ako sa kolehiyo,” sambit ni Anne.
“Bakit naman?”
“A-ah, gu-gusto po kasi ni ta-tatay na tumulong na po ako agad sa negosyo na magtrabaho na po ako agad,” tugon ni Anne.
“Aba’y sayang naman. Akala ko pa naman ay may makakasama si Samantha sa kolehiyo. Huwag ka mag-alala Anne, kakausapin ko ang tatay mo,” sambit ni tatay.
Noong sinabi ‘yon ni tatay ay nasilayan ko ang mga ngiti sa mukha ni Anne. Alam kong gusto niya talaga mag-aral.
Tumingin ako sa kanya at sumagot din ng isang ngiti. Sana nga at makasama ko talaga si Anne sa college life.