Lumabas na ako ng bahay nina Aling Eneng at tumungo sa table kung nasan naroon sina tatay.
Nagmamadali pa nga ako maglakad noon 'yong tipo na parang may humahabol sa akin.
Pagdating ko sa aming table ay napansin ni tatay ang pagmamadali ko.
"Oh, anak? sino naman ang humahabol sayo?" sambit ni tatay.
Hindi na ako nakasagot pa at umupo na lamang agad.
Inilapag ko ang aking pagkain sa lamesa at nagsimulang ubusin ang mga ito.
Pati sa pagkain ay nagmamadali ako. Dahilan para tanungin muli ako ni tatay.
"Anak, dahan-dahan lang at baka mabulunan ka, sino ba kasi ang humahabol sayo?" tanong muli ni tatay.
"Wala po 'tay," tugon ko.
At nagpatuloy ako sa pagkain.
"Sino ba ang nakita mo sa loob at bakit ka nagkakaganyan?" muling pagtatanong ni tatay.
Hindi ako nakasagot at noong napadako ang aking tingin sa may pintuan ng bahay nina Aling Eneng ay nakita kong palabas na sina Josias kasama ang matanda.
Pagkatapos kong tumingin sa kanila ay napayuko ako. Napansin iyon ni tatay kaya naman pagkatapos kong yumuko ay nakaita kong tumingin din siya sa direksyon kung saan nanggaling ang aking mga tingin.
At doon nga ay nakita niya rin si Josias.
"Oh, kaklase mo 'yon anak diba?" sambit ni tatay.
Tanging tango lamang ang aking naisagot habang nakayuko.
"Sino iyong kasama niya?" sambit ni tatay.
Napatingin ang lalaki na nagsasabi tungkol sa scholarship sa direksyon kung nasaan nakatingin si tatay.
"Iyan ang sinasabi ko na nagbibigay ng scholarship," saad niya.
Tumingin si tatay sa lalaki na kasamahan niya sa bukid.
"Iyan ba iyon?" sambit ni tatay.
"Oo kuya, at ang anak niya ata ay 'yong lalaki, iyong katabi niya," tugon ni kuya.
Noong tumingin ako sa kung sino ang tinutukoy niya na katabi ng matandang lalaki ay natanaw ko si Josias. Nakatayo siya sa gilid ng matandang lalaki at minsan naman ay inaalalayan niya ito.
Habang nakatingin ako sa kaniya ay napansin kong ibang-iba si Josias ngayong araw at sa school. Kapag nasa school kasi eh, ang laki ng t-shirt niya, ng uniform, ang laki ng kwintas, iyong tipong pang badboy talaga. Siguro gusto niya magkaroon ng badboy image sa school, pero bakit kaya? ngayong araw naman ay parang hindi si Josias ang nakita ko. Napaka presentable at napaka elegante nito. Nakapolo, pantalon na maong, rubber shoes, walang kwintas at maayos ang buhok. Malinis at elegante siyang tignan ngayong araw.
Matagal akong nakatitig sa diresyon na iyon at hindi ko na nga namalayan na tinatawag na pala ako ni tatay.
"Samantha?"
"po?" sambit ko.
"Ilang beses na kitang tinatawag pero nakatitig ka pa rin sa classmate mo," saad ni tatay.
"Ah, pasensya na po 'tay," tugon ko.
"Pasensya na po 'tay, para po kasing ibang classmate ko ang nakikita ko, hindi po kasi siya ganyan sa school,"sambit ko.
"Ah, akala ko ay magusto ka na sa kanya," saad ni tatay.
Umiinom ako noon ng tubig at pagkakaiba noon ni tatay ay bigla akong nasamid.
"Po-po?" sambit ko habang nasasamid.
"Wala anak, basta anak kapag nagkaroon ka ng manliligaw ay magsabi ka muna sa akin ah. Hindi naman ako tutol sa mga ganyang bagay, pero mahalaga sa akin na sasabihin mo," paalala ni tatay.
"Ano ka ba 'tay? wala na po 'yan sa isip ko," sambit ko.
"Hindi naman agad ngayon anak, sa tamang panahon. Dahil kung ngayon ay hindi rin ako papayag," saad ni tatay.
"Naku, makakapag-asawa ka pa kaya?" sambit ni kuya na kasama ni tatay sa bukid.
"Matagal ang magiging pag-aaral mo, baka mainip iyong mapapangasawa mo," dagdag pa ni kuya.
"Oh bakit mo naman tinatakot ang anak ko?" sambit ni tatay.
"Hindi ko siya tinatakot kuya, sadyang nagsasabi lang po ako ng totoo," saad ni kuya.
"Makapag-asawa 'yan, anak ito ang tandaan mo, kahit gaano pa 'yan katagal kung gusto ka hintayin ng mapapangasawa mo ay magagawa ka niyang hintayin ng walang kapalit," sambit ni tatay.
"Ay, talaga nga naman kuya, expert kasa pag-ibig," saad ni kuya.
"Wala pa naman sa utak ko 'yan tay, pero tatandaan ko po ang mga bilin niyo," tugon ko.
Sa sinabi ni tatay ay isa lamang ang naging conclusion ko. Totoo nga "true love waits," ang pag-ibig na totoo ay naghihintay. Ang pag-ibig na totoo ay hindi napapagod maghintay. Ang pag-ibig na totoo ay hindi sinusukat kong gaano katagal ang hihintayin. Ang pag-ibig na totoo ay hindi pinipilit kung hindi pa oras. Higit sa lahat ang pag-ibig na totoo ay bukod tanging nakalaan sa oras kung ikaw ay handa na.
Wala pa ako sa tamang edad para sa mga ganyan bagay, pero naisip ko lamang kung, kailan ko kaya mararanasan ang ganyang pag-ibig?
Nagpatuloy na ako sa pagkain at inubos na 'yon, panget naman kasi kung ako ay magtitira pa.
Si Aling Eneng naman ay lumabas ng kanilang bahay, umikot-ikot ito sa bawat mesa habang kinakamusta ang bawat bisita.
Nagsasabi pa nga ito ng, "kumain pa kayo, huwag kayo mahiya."
Sina tatay naman ay bumalik sa loob para kumuha pa ng pagkain. Sabi kasi nila ay susulitin nila ang pagpunta nila rito.
Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na sila.
"Hindi ka pa ba tapos anak? tapusin mo na 'yan at bumalik ka muli sa loob, marami pang pagkain doon," sambit ni tatay.
"Ah, busog na po ako tay eh," sambit ko.
"Ganoon ba, sige anak, huwag mo na rin ipilit kung ikaw ay busog na," saad ni tatay.
"Opo," tugon ko.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam ako kay tatay para ibalik ang plato sa kusina.
"Tay, balik ko lang po ito," sambit ko.
"Sige anak," tugon ni tatay.
Tumungo ako sa kusina nina Aling Eneng. Sa likod na rin ako dumaan para kung sakali ay hindi ko na makita pang muli si Josias.
Pagdating ko sa kusina ay napakaraming tao roon. May mga naglilinis, nagluluto, nag-aasikaso ng pagkain. Malaki ang kusina nina Aling Eneng, siguro nga ay kalahati 'yon ng bahay namin. At mapapansin mo na mamahalin ang mga gamit nila. Nariyan ang mga nagkikintaban na mga kaserola, kawali and anything. Nariyan din ang mga wine na nakadisplay, nariyan ang mga plato na puro kulay puti at ang mga baso na may kakaibang disenyo. Kung sa iba ay tuwing may okasyon lamang nilalabas ang bagong kaldero, ang bagong plato at baso kina Aling Eneng ay araw-araw parang may okasyon.
"Oh iha anong kailangan mo?" tanong sa akin ng isang matandang babae.
"Ah, ito po," saad ko habang iniiabot ang aking pinagkainan.
"Ah iyan ba, pakilagay na lamang dito," sambit ng babae.
Habang nilalagay ko ang aking pinagkainan sa pwesto na inutos sa akin ay napansin ko naman ang paglabas ng pintuan, ang pintuan na mula sa kusina.
Napatingin ako at nakita kong si Josias ang lumabas. Hindi ko tuloy alam kung ano ang aking gagawin, kung tatakbo ba ako, bibilisan ko bang maglakad, oh tatalikod na lamang ba o babatiin ko siya.
Sa totoo lang dati naman ay hindi ganito ang aking reaksyon kapag nakikita ko siya, ngunit ngayon kasi ay parang iba, iyong tipong may kaba na ako na nararamdaman kapag nakikita ko siya.
Siguro ay dahil na rin sa paghawak niya sa akin noon, siguro ay dahil sa pagbisita niya na hindi ko alam kung ano nga ba ang tunay na dahilan.
Ganoon pa man, dahil sobra ang kabog ng dibdib ko ay minabuti kong batiin siya.
"Oh, nariyan ka pala," sambit ko.
Tumingin lamang ito sa akin at hindi sumagot. Feeling ko tuloy ay napahiya ako baka ang isipin ng mga tao roon sa kusina ay feeling close ako sa kanya.
Binigyan nila si Josias ng wine at pagkatapos ay tumalikod na rin ito at umalis.
Sumunod ako sa kanya at pagkatapos ay kinurot ko ang kanyang likod.
"Bakit naman , ganoon ang reaction mo," sambit ko.
Nagulat ito sa pagkurot ko at napasabi na lamang ng, "ara-aray?" sambit niya.
"Feeling ko tuloy napahiya ako kanina, baka isipin nila feeling close ako sayo," saad ko.
"A-aray, pwede bang tigilan mo na 'yang pagkurot sa likod ko?" saad ni Josias.
"Sagutin mo muna ang tanong ko," tugon ko.
Mula sa harap ay umikot ito papunta sa likod dahilan para magkaharap kaming dalawa. Nagulat ako sa kanyang ikinilos kaya nanlaki ang aking mga mata.
"Wo-woah," sambit ko.
"Bakit ba ang dami mong tanong?" sambit niya.
"Anong marami ka dyan? isa nga lang," saad ko.
"Gusto ko lamang naman malaman kung bakit ka hindi sumagot kanina. Nakakahiya kaya, sabihin nila feeling close ako," dagdag ko pa.
"Eh, ikaw na rin mismo nagsabi diba? na hindi tayo magkaibigan," sambit niya.
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Pakiramdam ko ay tumatak talaga sa isip niya 'yong sinabi ko na hindi kami magkaibigan. Pakiramdam ko tuloy na baka sumama ang kanyang loob.
"O-oh, hi-hindi ta-tay ma-mag kaibigan, Pero, ma-magkakilala na-naman ta-tayo kahit papaano," paliwanag ko.
"Ah, kaibigan ko lang kasi ang binabati ko eh," sambit niya.
Sa sinabi niyang 'yon ay hindi na ako tumugon pa. Humarap na lamang ako sa direksyon palabas at doon ay naglakad palabas.
Ngunit nakaka tatlong hakbang pa lamang ako ay may biglang humawak sa braso ko. Natigilan ako.
"Sorry," ang sambit niya.
Hindi na ko lumingon pa at sumagot na lamang ng, "okay lang."
Piniglas ko ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak at tuluyan ng lumabas ng bahay nina Aling Eneng.
Tumungo ako sa lamesa at doon ay napansin ko na kumakain pa rin sina tatay.
"Tay? nakailang balik na po ba kayo at hanggang ngayon ay kumakain pa rin kayo," sambit ko.
"Alam mo anak kung ganitong mga handaan ay dapat sinusulit na, sa dami ba naman nilang pagkain panigurado maraming matitira at ang iba ay mapapanis na," saad ni tatay.
"Kaya nga, Samantha kaya hangga't gutom ka pa at kaya pa ng tiyan mo, kain lang nang kain," sambit ni kuya.
Naupo muna ako sa upuan ko kanina.
Pinagmasdan ko ang mga bisita noon. Napansin ko na halos lahat sila ay mayayaman.
May mga naka tuxedo, nakapolo with matching makintab na relo, mga alahas at iba pa.
Sa mga babae naman ay may mga nakadress, mga naka kemona, with matching alahas na nag lalakihan ang mga bato.
Marami din ang mga magsasaka na naroon, nakakakita kasi ako ng mga pamilyar na mukha, alam ko na kasamahan 'yon ni tatay.
Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na ako para umuwi.
"Tay, mauuna na po ako, kailangan ko pa po kasing gumawa ng assignment," sambit ko.
"Sige anak, at ako ay susunod na lamang," saad ni tatay.
"Sige po 'tay," tugon ko.
"Mag-iingat ka."
"Opo."
At ako ay tuluyan ng lumabas ng bakuran nina Aling Eneng kung saan naroon ang mga lamesa at mga upuan.
Habang naglalakad ay may biglang nanggulat sa akin.
"Wah," sambit niya.
Napatalon ako dahil sa gulat.
"Sorry, sorry," saad niya.
Si Julio, si Julio ang nang gulat sa akin.
"Pauwi ka na?" tanong niya.
"Ah oo," sambit ko.
"Saan ba 'yong bahay niyo? ituro mo naman sa akin para alam ko kung saan ako mangangaroling sa pasko," saad niya.
"Loko ka talaga," sambit ko.
Sinabayan ako ni Julio pauwi at habang naglalakad ay nakakapagkwentuhan kami.
Napag usapan namin ang mga bagay-bagay tulad ng mga gamit, pagkain, pamilya at iba pa.
"By the way, wala ka bang kamag anak?" tanong niya.
"Meron naman pero nasa Manila sila, kaya hindi ko rin gaanong close," sambit ko.
"Ah ganoon ba, kaya pala," saad niya.
"Bakit mo pala natanong?" sambit ko.
"Napansin ko lang wala ka kasing nabanggit o naku kwento about sa kamag anak mo," tugon niya.
"Observant ka rin huh, saad ko.
Noong malapit na kami sa bahay ay may tao akong natanaw na nakatayo sa harap ng bahay. Noong una ay hindi ko makilala kung sino siya dahil nakatingin pa siya sa ibnag direksyon at noong ang tingin niya ay dumako na sa aming direksyon ay nakilala ko na siya.
"Si Josias? anong ginagawa niya rito?" bulong ko.