CHAPTER 39: BETWEEN US

1428 Words
Pagkakita ko kay Josias ay nagulat ako at ganoon din si Julio. Napatanong pa nga ito ng, "bakit narito siya?" ang sambit ni Julio. Hindi ako nakasagot dahil hindi ko rin naman alam kung bakit narito si Julio. Hindi ko pinansin si Josias at pumunta na lamang ako sa aming kapitbahay para kunin ang susi. "June," ang tawag ko. Sa aking unang pagsigaw ay hindi ako narinig ni June. "June," ang pangalawa kong tawag. Lumabas ito mula sa kanilang terrace sa taas. "Sandali lang, Samantha," sigaw niya. Naghintay ako at matapos ang ilang minuto ay bumaba na ito. "Ito oh," sambit ni June. "Akala ko hindi date ang pupuntahan, eh may kadate ka pala," pang-aasar ni June. "Anong kadate ka riyan? classmate ko 'yan nuh," paliwanag ko. "Naku, riyan din nagsimula ang aking lolo at lola," saad ni June. "Pumasok ka na nga roon June, kung ano-ano na ang sinasabi mo," tugon ko. "Hoy ikaw," tawag ni June kay Julio. "Bakit pre?" tugon ni Julio. "Huwag mong sasaktan tong kaibigan ko ah, mahal na mahal 'yan ng mga tao rito sa lugar namin," sambit ni June. Habang sinasabi 'yon ni June ay nakahawak ako sa kanyang braso na tipong pinipigilan siya. Nahihiya kasi ako sa kanyang mga sinasabi. "Oo naman pre, pangako," sambit ni Julio. Noong si Julio naman ang sumagot ay wala akong ginawa kung hindi ang hampasin ito. "Naku, nababaliw na kayong dalawa," saad ko at umalis na lamang. Nauna ako maglakad ngunit narinig ko si Julio na nagpaalam pa kay June. "Sige pre," ang paalam nito. Tumakbo si Julio para maabutan ako. Noong naabutan niya na ako ay mas binilisan ko pa ang aking paglalakad. "Bakit mo ba ako sinusundan?" naiirita ko ng tanong. "Eh hindi ko pa nga alam kung saan ang bahay niyo," sambit ni Julio. "Kung nasaan si Josias kanina ay doon ang bahay namin," tugon ko. "Oh tignan mo naroon pa si Josias, mamaya ay kung ano pa ang gawin niya sayo," sambit ni Julio. "Hoy, mag-ingat ka nga sa sinasabi mo, hindi naman ganoon kasama si Josias nuh," saad ko. "Alam mo pansin ko lagi mo na lang siya pinagtatanggol," tugon ni Julio. "Hindi nuh, hindi lang talaga masama ang tingin ko sa kanya. There's beyond his personality, kumbaga katulad ng kilalang kasabihan na, "don't judge the book by its cover," ganoon si Josias nuh. Siguro maangas lang siya manamit at kumilos pero sa deep inside soft hearted siya," paliwanag ko. "Oh tignan kapag si Josias todo tanggol ka, kapag ako ay kulang na lamang ay itaboy mo ako sa ilog," sambit niya, "Tinaboy? never kitang tinaboy nuh," sambit ko. Nakarating na kami sa tapat ng bahay at wala na roon si Josias. Siguro ay umuwi na ito. "Oh dito na ang bahay namin," sambit ko. "Oh dito pala, ngayon alam ko na kung saan ako mangangaroling," pagbibiro ni Julio. "Baliw ka talaga," tugon ko. "Hindi na ako papasok pa," sambit niya. "Duh, hindi rin naman kita balak papasukin nuh," sambit ko. "Oh tignan mo ang sama mo talaga sa akin, hindi mo man lang ako inofferan ng tubig," saad ni Julio. "Marami naman kayong tubig at mukhang mayaman ka naman," tugon ko. "Oh siya paalam," sambit niya. "Bye, ingat," tugon ko. Tumalikod na si Julio at nakaka tatlong hakbang pa lamang ito ay agad ko siyang tinawag. "Julio," pagtawag ko. Lumingon ito at humarap sa aking direksyon. Mayroong distansya ang namamagitan sa aming dalawa. "Thank you," saad ko. "Thank you kasi lagi kang nandyan kahit hindi ko ipaalam na hindi ka okay. Thank you kasi laging nasa timing ang pagpunta mo sa ilog. Dahil tuloy sayo ay may napaglalabasan ako ng problema. Thank you sa pakikinig sa akin, huwag kang mag-alala, I will do the same way too," ang aking pahayag. Habang sinasabi ko 'yon ay nakatitig lamang sa akin si Julio. Halata ko nga ang gulat sa mukha nito. Mula sa kanyang kinatatayuan ay bigla itong nagsalita. "Thank you rin sa pagshare mo sa akin ng mga problema. Hindi ko nga alam kung may maganda ba akong naipayo sa iyo. Basta alam ko lang kapag nagkukwento ay nakikinig ako. Thank you Samantha, for telling those things. I thought I wasn't that appreciated. Lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Kahit mag pabalik-balik pa ako sa ilog matimingan lang kita. Sana gumaan lagi ang pakiramdam mo," saad ni Julio. Tanging ngiti na lamang ang naging sagot ko kay Julio. It was nice to have a friend like him. It was nice that he cares for me. Tuluyan na siyang umalis at ako naman ay pumasok na ng bahay. Pumasok ako ng kwarto at kumuha ng damit. Kumuha ako ng shorts at sando para presko dahil ako ay naiinitan. Tumungo ako ng banyo at doon ay nagbihis. Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako. Naupo ako sa sala at habang nakaupo ay napapaisip kung bakit nagtungo rito si Josias. "Bakit kaya siya pumunta rito?" ang aking tanong. May parte sa akin na ako ay nanghihinayang dahil hindi ko man lang natanong kung bakit siya nagtungo sa aming bahay. "Hmmm... tatanungin ko na nga lang siya bukas," bulong ko sa aking sarili. Nahiga ako sa upuan at doon ay napaisip naman sa kung anong connection ang mayroon kami ni Julio. "Maituturing ko na ba talaga siyang kaibigan?" sambit ko sa aking sarili. Sa totoo lamang ay mabait naman si Julio. Katulad nga ng sinabi ko kanina ay thankful ako sa kanya. Ngunit ayokong lumagpas pa roon ang tingin ko sa kanya o ang tingin niya sa akin. Gusto ko ay maging isang mabuting magkaibigan lang kami. Hindi ko alam kung nag assume lang ako pero pakiramdam ko ay gusto ako ni Julio. Halata ko sa kanyang mga kilos. Feel ko ang special ko sa kanya. Hindi ko alam kung dahil magkakilala na ba kami bago kami magkaklase kaya ganoon. Iba kasi ang kilos niya sa akin and napapansin ko rin na iba rin ang kilos niya kapag kasama sina Anne. Wala na akong naging tugon pa at ginulo na lamang ang aking buhok. "Ano ba itong iniisip ko," saad ko. "Nababaliw ka na ba Samantha," bulong ko. Habang ginugulo ko ang aking buhok ay hindi ko namalayan na may biglang pumasok sa aming bahay. "Anong nangyayari sayo anak," sambit ni tatay. Nagulat ako dahil may biglang nagsalita. "Woah," sigaw ko at parang atomatiko akong napaupo. "Tay, naman kapag papasok po kayo ng bahay, gumawa naman po kayo ng ingay, nagugulat po ako eh," saad ko habang nakahawak sa aking dibdib. “Sorry anak, nagulat ba kita?” sambit ni tatay. “Opo tay,” saad ko. "Kamusta po? uminom po ba kayo?" sambit ko. "Hindi anak, alam mo naman diba, iniingatan ko na rin ang aking katawan," saad ni tatay. "Salamat sa pakikinig tay," sambit ko. "Gusto ko na rin alagaan ang katawan ko anak dahil tumatanda na rin ang tatay," tugon ni tatay. "Tumatanda na, pero gwapo pa rin," saad ko. "Oo naman sa akin ka kaya nagmana," saad ni tatay. "Hehehe, kay nanay po," pagbibiro ko. Tumingin si tatay sa picture ni nanay na nasa sala at nagsimulang kausapin ito. "Asawa ko oh, sayo raw siya nagmana, hindi ba't sa akin?" sambit ni tatay. "Naku tay kung buhay pa po si nanay ay sasagot 'yon ng, oo sa aking siya nagmana," saad ko. "Nakakamiss po si nanay nuh," saad ko. "Oo naman, araw-araw kong namimiss ang nanay mo," saad ni tatay. "Pakiramdam ko naman po ay lagi tayong binabantayan ni nanay," sambit ko. "Oo naman anak, alam kong tinutupad niya ang kanyang pangako," saad ni tatay. "At ako rin tinutupad ko ang aking pangako, na aalagaan at mamahalin kita, at ang nanay mo ang aking tunay na pag-ibig. Hindi na ako mag-aasawa pa dahil alam kong siya na ang aking una at huling pag-ibig," dagdag pa ni tatay. Sa sinabing 'yon ni tatay ay kinilabutan ako, "una at huling pag-ibig," paano nga ba natatagpuan ito? ang tanong na naiwan sa aking isip. At kapag ito ay natagpuan na, ano ang gagawin, ilalaban ba o tatakbuhan na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD