Isang linggo na lamang bago ang press conference. Kaya naman mas tumindi pa ang training at mas humigpit an gaming School Paper Adviser at ganoon din naman ako sa aking mga kapwa journalists. Bawat araw na dumaraan ay mas nagging puspusan ang paggawa ng article. Mas nagging mahigpit sa pag critic ng bawat ipinapasang akda. Nariyan pa ngang minsan ay inaabot na kami ng gabi sa training. Ang hanggang 5 pm na training ay minsan ay nagiging hanggang 8 pm. Kaya naman minsan ay nadadatnan naming sa labas ng school ang magulang ng aming kapwa journalists para sila ay sunduin. Noong una ay labis ang pag-alala ni tatay kapag ako ay umuuwi ng ganoong oras ngunit naipaliwanag ko naman sa kaniya nang maayos kung bakit kami inaabot ng ganoong oras.
“Anak, bakit napagabi ka na?” saad ni tatay.
“Ah, sobrang kailangan po kasi naming ng matinding preparasyon tay kaya po ginabi po ako. Pasensya na po ‘tay,” hingi ko ng paumanhin.
“Aba’y ganoon ba anak. Pasensya na at ako ay nag-aalala lamang,” saad ni tatay.
“Naiintindihan ko po ‘tay. Sa mga susunod po na araw ‘tay baka po ganitong oras na po ako makauwi. Kailangan po kasi talaga naming ng matinding preperasyon,” paliwanag ko kay tatay.
“Sige anak. Gutom ka na ba? Halina’t may nakahain ng pagkain riyan,” anyaya ni tatay.
“Sige po ‘tay, magbibihis lang po muna ako,” pagpapaalam ko.
Pumasok ako ng kwarto para magbihis. Inilapag ko ang aking bag sa sahig at nahiga rin ako sa sahig saglit. Dama ko ang pagod ngayong araw. Hindi madali sapagkat marami akong dapat gawin at syempre mayroon din akong pressure na nararamdaman. Pumikit ako saglit at hindi ko namalayan na ako pala ay nakaidlip na. Nagising na lamang ako noong tinapik na ako ni tatay.
“Anak, anak,” ang rinig kong tawag ni tatay.
Naalimpungatan ako kaya naman ako ay tumayo agad.
“Tay,” sambit ko habang napabalikwas sa pagkakatayo.
“Nakaidlip ka na,” sambit ni tatay.
“Kumain ka muna bago ka tuluyang matulog,” dagdag pa nito.
“Pasensya na po ‘tay, hindi ko po namalayan namalayan na nakatulog na po ako,” saad ko.
“Iinit ko lang ang sabaw at sumunod ka na,” saad ni tatay.
“Opo, susunod po ako,” sambit ko.
Lumabas na si tatay sa kwato at ako naman ay nagbihis na. Nakasuot pa kasi ako ng uniform ko. Kumuha ako ng damit pantulog, panjama at T-shirt para kapag tapos kumain ay maghihilamos na lamang ako at matutulog na.
Kinuha ko ang damit sa cabinet at nagsimula na akong magbihis. Pagkatapos magbihis ay tuluyan na akong lumabas ng kwarto.
Ang ulam naming ay nilagang baboy. Tamang-tama ang ulam naming na iyon dahil ramdam na rin ang malamig na panahon. Ber months na kasi noon.
“Tamang-tama po ito sa panahon tatay,” sambit ko habang inuurong ang isang upuan na nasa hapag kainan.
“Oo anak, damang-dama na ang lamig,” saad ni tatay.
“Malapit na talaga ang kapaskuhan,” dagdag pa ni tatay.
“Opo tay, saan pop ala tayo magpapasko tay?” curious kong tanong.
Kada taon kasi ay nagpupunta kami sa kabilang bayan sa mga kamag-anak para doon magdiwang ng kapaskuhan.
“Baka pumunta tayong muli sa kabilang bayan anak. Alam mo naman baka magtaka sina Antie, Uncle at lola mo kapag hindi tayo roon nagcelebrate ng Pasko,” sambit ni tatay.
“Gusto ko rin naman po roon magdiwang ng pasko tay,” saad ko.
“Naku, kung buhay pa po si nanay baka ngayon pa lamang ay kaniya ng iniisip kung ano ang kaniyang lulutuin,” dagdag ko pa.
“Aba panigurado,” pagsang-ayon ni tatay.
“Anak,” tawag sa akin ni tatay na may seryosong tono.
“Po?” ang aking tugon.
“Sana ay kahit wala na ang iyong nanay ay huwag mong kalimutan na andito pa rin si tatay,” sambit ni tatay.
Sa sinabing iyon ni tatay ay parang kinurot ang aking puso. Ngayon ko na lamang kasi narinig muli na magsabi siya ng mga ganoong bagay.
“Tay,” saad ko.
“Kahit kailan po ay hindi ko kayo malilimutan,” saad ko.
“Inaamin ko po na namimiss ko po si nanay pero kahit po ganoon ay hindi ko po nalilimutan na lagi po kayong nariyan para sa akin,” dagdag ko pa.
“Huwag niyo po isipin na nakalilimutan ko po kayo or nagkukulang po kayo bilang isang tatay sa akin dahil sa totoo lamang po tatay ay sobra pa po ang inyong ginagawa,” patuloy kong pagpapaliwanag.
“Salamat anak,” sambit ni tatay at kita ko ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata.
“Huwag na po kayong umiyak tay,” sambit ko.
“Masaya lang ako dahil binigay ka ng Panginoon bilang aking isang anak. Napakaswerte ko sa iyo anak,” saad ni tatay.
“Mas maswerte po ako sa inyo tatay,” saad ko at hinawakan ang kanyang mga kamay.
“Halina’t kumain na po tayo bago pa lumamig ang sabaw na ito,” sambit ko.
Kumain na kami ni tatay at kapag tapos maghapunan. Niligpit ko na ang mga kinainan para ito ay mahugasan, ngunit…
“Ako na ang bahala riyan anak,” sambit ni tatay.
“Maghilamos ka na at ikaw ay magpahinga na,” sambit ni tatay.
“Sige po tatay, salamat po,” ang aking saad.
Hindi sa nakalilimutan ko na ang aking responsibilidad sa aming bahay ngunit sobrang pagod kasi ang aking nararamdaman noon kaya mas pinili ko na lamang magpahinga nang maaga.
Naghilamos na ako, nag toothbrush at pakiramdam ko noon ay nawala na ang aking pagod. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag bagong ligo.
Pagkatapos maghilamos ay pumasok na ako sa aking kwarto.
“Matutulog na po ako tatay,” pagpapaalam ko habang si tatay ay naghuhugas ng plato.
“Sige anak, magpahinga ka na,” sambit ni tatay.
Isinara ko na ang pinto nahiga na ako. Gusto ko na sanang matulog ngunit mas pinili ko munang magisip-isip. Inisip ko muna kung ano kaya ang mangyayari sa amin sa gaganapin na press conference. First time ko maging isang Editor in Chief at ramdam ko ang pressure at laki ng responsibilidad. Iniisip ko na lamang noon ay kailangan namin makapag-bigay ng karangalan sa aming paaralan. Ito na lamang ang bawi naming sa lahat ng suporta na ibinibigay ng aming guro, classmates at higit sa lahat ng aming mga pamilya. Sana ay may maiuwi kaming karangalan para sa aming paaralan at para na rin masuklian ko ang tiwala na ibinigay sa akin ng aming SPA.
“Hayss, sana talaga Lord may maiwui kami,” sambit ko at bumuntong hininga.
Pagkatapos isipin ang about sa journalism ay inisip ko naman ang nakalilitong actions ni Julio at Josias. Ayaw ko sanang bigyan ng kulay ang kanilang mga ginagawang action ngunit kung titignan ko sa ibang anggulo ay parang may mga ibig sabihin ang mga ito. Pumikit ako at inimagine ko ang mga lumipas na actions ipinakita nila sa akin. Pakiramdam ko ay may namumuo ng competition sa kanilang dalawa dahil sa akin. Ayaw ko naming mag assume na may kahulugan ang mga iyon.
“Hays, hahayaan ko na nga lang silang dalawa pero kapag naulit pa ito ay hindi ko na ito palalampasin,” sambit ko.
Nagdasal ako bago matulog ang laman ng mga panalangin ko noon ay sa kung ano ang posibleng mangyari sa press conference. Ayun na lang muna talaga ang gusto kong pagtuunan ng pansin. Iyon na lamang talaga ang gusto kong maging focus at pinagdasal ko rin na kung may balak man sina Julio at Josias at itigil nila ito. Sana ay marealize nila kung ano ang priority ko ngayon at iyon ang journalism.
Pagkatapos magdasal ay natulog na ako agad.
School…
Noong nasa school na ako ay tila napaaga ako ng pasok. Kaunti pa lamang kasi ang classmates ko na naroon.
Dahil wala pa an gaming classmates ay nagtabi muna kami ng upo ni Anne. Nagkwentuhan kami at natanong din ako ni Anne sa kung ano ang kaganapan sa Journalism.
“Kamusta ang training? Kaya pa ba?” tanong ni Anne.
Tanging buntong hininga na lamang ang aking nagging tugon.
“Ang lalim noon ah,” sambit ni Anne.
“Alam mo naman walang hindi nakapapagod na training pero alam kong kakayanin ko,” sambit ko.
“Ginagabi na nga lang kami ng uwi dahil kailangan talaga ng puspusang training,” paliwanag ko pa.
Noong una kasi ay sabay pa kami ni Anne pauwi ngunit dahil sobra na din kaming ginagabi ng uwi ay pinapauna ko na siya. Alam ko kasing may kailangan pa siyang gawin at tumutulong din kasi siya sa negosyo ng kanilang pamilya.
“Kaya mo ‘yan ano ka ba, ikaw pa ba. You have been through worse,” sambit ni Anne.
“Taray, English ‘yon ah,” pagbibiro ko kay Anne.
“Eh kamusta naman ang mga journalists mong kasamahan? Lalo na si Shane, eh diba nagkaano kayo noon?” muling pagtatanong ni Anne.
“Ano ka ba huwag ka nga maingay, baka may makarinig sa iyo,” saad ko habang sumisenyas na tumahimik siya.
“Ay sorry, sorry,” sambit niya.
“So ano? Kamusta nga?” sambit muli ni Anne.
“Mabuti naman, buti na lamang ay walang matigas ang ulo sa mga kapwa ko journalists. Kami ni Shane..?” natigilan ako dahil biglang pumasok si Shane ng classroom.
Nilapit ko ang aking ulo sa direksyon ni Anne at bumulong.
“Habang lumilipas naman ang mga araw ay napapansin ko na mas nagiging okay kami,” saad ko at pagakatapos ay umayos na ako sa aking pagkakaupo at nagpatuloy sa pagkukwento.
“Masipag naman magtraining ang aking mga kapwa journalists at makikita mo naman sa kanila na purisigido silang matuto at gusto nilang manalo. Iyon lamang ay minsan ay nag-aalala na ang kanilang mga magulang dahil ginagabi ng uwi.”
“Eh ano ang sabi ng tatay mo?” curious na tanong ni Anne.
“Kagabi ay nag-alala siya dahil gabi na raw ako nakauwi. Pero inexplain ko naman kung bakit ginagabi ako ng uwi,” saad ko.
“Alam ko naming maiintindihan ka ni Tito, knowing him,” sambit ni Anne.
Habang nagkukwentuhan kami ni Anne ay unti-unti na rin kaming dumami sa aming klase. Hanggang sa nag ring na rin ang bell at hudyat na iyon na magsisimula na ang klase. At pumasok na ang aming teacher at nagsimula na an gaming class.