CHAPTER 41: MALING AKALA

2145 Words
Maaga pa lamang ay nagulat ako ng ipatawag ako agad sa journalism room. “Samantha,” tawag ni ma’am. “Po?” sambit ko. “Pinapatawag ka sa journalism room,” saad ni ma’am. “Ah, sige po ma’am,” sambit ko. Pumunta na agad ako sa journalism room. Pagdating ko roon ay nadatnan ko agad ang SPA namin na busy na mag-ayos ng mga upuan. “Good morning po, ma’am,” ang bati ko. “Magandang umaga rin, Samantha,” ang tugon ni ma’am. “Ah, tulungan ko na po kayo,” saad ko. Aayusin ko na sana ang mga upuan ngunit… “Ah, huwag na,” saad ni ma’am at agad na lumapit sa teacher desk. Kinuha ni ma’am ang isang folder. “Oh ito, laman niyan ang excuse letter. Isa-isa mo ng iexcuse ang mga kapwa mo journalists,” sambit ni ma’am habang inaabot sa akin ang folder. Kinuha ko ang folder at pagkatapos ay binuksan iyon. Binasa ko ang nakasaad dito. Pagkatapos basahin ay isinara ko na ito. “Okay po ma’am,” saad ko. “Sana ay bandang 7 am ay naiexcuse mo na silang lahat. Magpatulong ka na lang din sa mga kapwa mo journalists,” saad ni ma’am. “Para maaga tayo makapag-umpisa ng training,” dagdag pa niya. “Opo ma’am, magpapatulong po ako sa kanila,” saad ko. Tumakbo na ako papunta sa mga classroom ng mga kapwa kong journalist. Isa-isa ko na silang inexcused. Nauna na akong pumunta sa aming classroom. “Ma’am, excuse po,” ang aking sambit mula sa pintuan. Lumakad ako papunta sa direksyon ni ma’am at pagkatapos ay inabot ko ang folder. Binasa ni ma’am ang nakasaad doon at pagkatapos ay pumirma siya doon bilang isang patunay na pinahihintulutan niya ang pag excuse sa mga classmates kong journalist. Isa-isa niyang tinawag ang mga nakasulat na pangalan ng mga kaklase ko. Pagkatapos ay isa-isa na silang tumayo. Nakalabas na kami ng aming classroom, sinundan kami ni ma’am hanggang sa pintuan at may sinambit siya na ikinataba ng aming puso. “Mga journalist,” tawag ni ma’am. “Alam ko kung gaano kahirap ang training. Kaya niyo iyan, nakasuporta ang paaralan sa inyo,” dagdag pa ni ma’am. Sa pagkakasabi na iyon ni ma’am ay parang kilabot ako na naramdaman. Kilabot hindi dahil sa misteryo na aking naramdaman kung hindi kilabot sa tuwa. Iyong tipong nakakakilabot na mga salita na nagdudulot din para mas lalo kaming magkaroon ng kumpiyansa. Tumingin ako sa mukha ng mga kapwa ko journalists at bakas ko rin sa mga mukha nila kung ano ang sayang dulot ng mga salita ni ma’am. Makikita mo na may sumisilay na galak at tuwa sa kanilang mga mata at mukha. “Maraming Salamat po ma’am. Malaking bagay po iyon para sa amin,” sambit ko ng may galak para sa encouragement words ni ma’am. “Kaya niyo ‘yan mga anak. Galingan niyo,” saad ni ma’am. Pagkatapos noon ay tanging ngiti na lamang ang nagging tugon namin kay ma’am. “Mauna na po kami,” ang aking sambit. Nagpatuloy na kami maglakad ang iba ay dumiretso na papunta sa journalism room. Ngunit minabuti kong tawagin si Shane para na din mas mapadali ang page excuse sa aming mga kasama. “Ah, Shane,” ang tawag ko kay Shane na mas nauunang maglakad sa akin. Sa unang tawag ko ay hindi niya ito narinig, kausap niya rin kasi ang iba ko pang mga kaklase. “Shane,” ang muli kong tawag. Lumingon ito at naglakad papalapit sa akin. “Ano iyon, Samantha?”saad ni Shane. “Ah para mas mabilis ang pag-eexcuse ng mga journalists, maari mo ba kong tulungan?” ang tanong ko kay Shane. “Oo naman kung para naman sa journalism ay bakit hindi,” saad ni Shane. “May isa pang folder sa room na may laman ng excuse letter,” sambit ko. “Ito na ang sa iyo,” sambay abot ko sa folder. “Ako na ang kukuha ng isa pang folder na may laman ng excuse letter. Ah paki-excuse na lang mga nasa higher years, mga third year and fourth year. Ako na bahala sa mga nasa lower years,” saad ko. “Okay sige, noted,” ang tugon ni Shane. “Salamat,” ang saad ko. Bumalik na ko sa journalism room para kunin ang isa pang kopya ng excuse letter. Pagkadating ko sa journalism room ay agad kong hiningi kay ma’am ang kopya ng excuse letter. “Ma’am iyong isa pong kopya ng excuse letter,” saad ko. Nag-aayos si ma’am ng siya ay aking madatnan. “Wait lang anak,” tugon ni ma’am. Pumunta si ma’am sa teacher desk at doon ay kinuha ang isa pang kopya ng excuse letter. Iniabot niya iyon sa akin at kinuha ko iyon. “Thank you po ma’am,” ang aking saad at umalis na rin ako. Pumunta ako sa building ng mga nasa lower years. Doon ay isa-isa ko silang inexcuse. Tumingin pa ako sa aking relo bago ako magsimula at sakto 6:20 am na ang oras noon. Pagkatapos ay inisa-isa ko na rin silang inexcuse. Medyo may kaba pa akong nararamdaman dahil hindi ko naman kilala ang mga guro sa mga lower years. Ang iba ay kilala ko lamang sa kanilang mga pangalan. Nagsimul muna ako sa mga first year. Dahil nasa lima lamang sila ay napadali ang aking pagpapaalam para sa kanila. Tumingin ako sa aking relo at 6:30 am na ang mga oras noon. Pumunta na ako sa building ng Grade 8 students na katapat lamang ng Grade 7 Building. Nagsimula na ako agad eexcuse ang mga kapwa ko journalists. Mas marami ang Grade 8 Journalists kaya minabuti kong magsimula na agad sa pag eexcuse sa kanila upang masimulan naming ang training ng saktong 7 am. Nagsimula ako sa pinakababang classroom paakyat hanggang third floor na ang huling palapag ng building. May kaba pa rin akong nararamdaman kada mag-eexcuse ako sa kanila siguro dahil unang beses ko pa lamang iyong mararanasan. Mabuti na lamang ay mababait ang mga guro na aking nakakasalamuha. Naiintindihan din nila kung bakit kailangan naming magtraining ng ganoon kaaga. Bawat guro ay pumirma sa excuse letter na aking hawak-hawak na katunayan na pumapayag sila na excuse ang mga journalists sa kanilang klase. Makalipas ang dalawampung-minuto ay natipon ko na ang lahat ng journalists. Tinipon ko sila sa corridor sa huling palapag. “May kulang pa ba?” ang aking tanong habang tinuturo ang bawat-isa sa kanila. “Ang mga nasa higher years po,” tugon ni April na Grade 7 journalist. “Ah, si Shane ang nag-excuse sa mga nasa higher years,” saad ko. “Ganoon po ba. Kung ganoon po ay…” saad niya habang umiikot ang kanyang paningin sa mga journalist na nakabilog. “Wala na pong kulang,” dagdag pa niya. “Kung ganoon ay umakyat na tayo agad ang gusto kasi ni ma’am ay makapag-umpisa na tayo ng training nang 7 am,” ang aking paalala. “Kung ganoon ay tara na po,” saad nila. Tumungo na kami sa building kung saan naroon ang journalism room. Umakyat kami at doon at nadatnan naming na si ma’am palang mag-isa. Nag-aayos pa rin siya ng upuan. Ngunit natigilan siya noong kami ay pumasok na. Pumasok na kami sa room at habang kami ay pumapasok ay napansin kong nakatingin sa amin si ma’am. Pansin ko ang pagtataka sa kaniyang mukha. “Nasaan ang iba, Sam?” tanong ni ma’am at halata ko ang pagtataka sa kaniyang mukha. “Ah, wala pa po ba sila Shane, ma’am?” nagtataka kong tanong. “Wala pa, wala pang umaakyat sa kanila,” tugon ni ma’am. “Ganoon po ba. Si Shane po kasi ang pinag-excuse ko sa higher years. Naghati na po kami para po sana ay maging mabilis,” ang aking tugon. “Ganoon ba, wala pa naming pumupunta rito,” saad ni ma’am. Tumingin si ma’am sa kaniyang relo at siya ay napailing. Pagkakita ko sa kaniyang reaction ay napatingin din ako sa aking relo. Pasado ala-syete na noon. “Ah anak, puntahan mo nga sina Shane dahil pasado ala-syete na para makapag-umpisa na rin tayo agad,” sambit ni ma’am. “Okay po ma’am,” saad ko. Agad na akong tumakbo papunta ng building ng mga higher years. Mula sa baba ay natanaw ko sila na tipon-tipon sa pinakataas na palapag. Tumakbo na ako paakyat ng hagdan. Pagkadating sa huling palapag ay hinihingal pa ako. Yumuko ako saglit habang nakapatong ang aking mga kamay habang humihinga dahil sa nadarama kong hingal. Makalipas ang limang segundo ay tumayo na ako at tumungo sa kanilang direksyon. Habang papalapit ako ay nakita kong napatingin sila sa aking direksyon. Sa pagkakakita ko sa kanila ay mukhang kumpleto na rin sila. Pagkadating ko sa kanilang pwesto ay agad na akong lumapit sa pwesto ni Shane. Kinuha ko ang folder at tinignan kung sino na ang mga may check sa pangalan na tanda na naeexcuse na ang estudyante na iyon. Pagkabukas ko ay gaya ng aking hula ay kaunti na lamang ay kumpleto na ang higher years. At ang huling classroom na dapat naming puntahan ay ang tabi ng classroom kung saan kami nakapwesto para ieexcuse si Kuya Jhon. Si Kuya Jhon ay isa sa magagaling na Sports Writer. Noong nakapagkwentuhan kami ay tinanong ko siya kung bakit Sports Writing ang kaniyang napili. Ang tanging naging sagot niya lamang sa akin noon ay dahil sa kaniyang tatay na mahilig sa sports. Mahilig daw kasi manood ng sports sa TV ang kaniyang tatay at dahil doon ay nagkaroon siya ng interest magsulat patungkol sa sports. Dagdag pa niya ay lagi niyang nakakausap ang kaniyang tatay patungkol sa sports. Kumabaga labis niyang nakakasundo ang kaniyang tatay lalo na kapag tungkol sa palakasan. Tumungo na kami agad sa classroom ni Jhon. Si Shane ang nag-excuse sa kaniya habang ako naman sa labas ay isa-isang tinuturo ang aking mga kapwa journalists para mamukhaan kung sino pa ang kulang. Matapos iexcuse si Jhon ay pumunta kami malapit sa hagdan upang masuri kung sino pa ang kulang. “May kulang pa ba?” ang aking binabasa ang mga pangalan na nakasulat sa excuse letter. “Ang mga nasa lower years po,” tugon ni Precious na isang third year journalist. “Akon a ng nag-excuse sa mga nasa lower years nasa room na sila,” saad ko. “Nauna na po pala sila. Kung ganoon po ay…” saad niya habang isa-isang binibilang ang mga journalist na nakabilog. “Wala na pong kulang,” dagdag pa niya matapos niyang magbilang. “Tara na at umakyat na tayo agad ang gusto kasi ni ma’am ay makapag-umpisa na tayo ng training nang 7 am,” ang aking paalala. “Kung ganoon ay tara na po,” sabay-sabay nilang sambit. Tumungo na kami sa building kung saan naroon ang journalism room. Pagdating naming sa room ay nadatnan naming na nakaayos na ang lahat. Gaya ng aming rules ay may kaniya-kaniyang pwesto ang bawat-isa kung saan magkakasama ang magkakaparehas ang category. Mayroon ding sign kung saan naroon nakasaad ang category. Pagkapasok naming ay agad na rin kaming pumunta sa aming kaniya-kanyang pwesto. Pagkatapos ay gaya ng aming nakasanayan ay nagdasal na muna kami. Sabay-sabay kaming pumikit at nagdasal. Pagkatapos naming magdasal ay nagsalit na an gaming SPA. “Kumpleto na baa ng lahat?” tanong ni ma’am. “Editor ng bawat category, kumpleto na ba ang mga under niyo?” dagdag pa ni ma’am. Nagtinginan ang mga Editors sa mga journalists na nakapalibot sa kanila. Pagkatapos ay sabay-sabay kaming nagsalita. “Kumpleto na po ma’am.” “Mabuti naman kung ganoon. Congratulations for making this far. Salamat sa oras, pagod, pawis at puso na inyong nilaan. Ngayon ay nasa huling week na tayo ng ating training,” saad ni ma’am. Habang nagsasalita si ma’am ay parang may nangingilid na luha sa aking mga mata. Siguro dahil masyado lang akong naging emotional na we’ve come this far. “Sa ating last week na ito, inaasahan ko na mas magiging pursigido ang bawat isa. Mas mayroong puso ang bawat article na gagawin. Mas pagtutuunan ng oras mas pag-iisipan ang bawat isusulat na article. Patuloy kong aasahan ang cooperation ng bawat-isa. Lagi niyong tatandaan na ngayon pa lamang ay proud na ako sa inyo,” ang heartwarming na message ni ma’am. Pagkatapos magsalita ni ma’am ay nagpalakpakan ang bawat-isa. Akala ko nga kanina ay wala sa mood si ma’am dahil iba ang timpla ng kaniyang mukha ngunit isa lamang pala iyong maling akala. Nagsimula na magtraning ang bawat journalist at habang pinagmamasdan ko sila ay kita ko ang galak at fire sa heart nila na magtagumpay. Kitang-kita ko ang talento sa pagsulat na taglay ng bawat-isa. Nagpapasalamat ako na sila ang aking naging co-journalists hindi lamang sila talentado bagkus sila rin ay disiplinado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD