Habang lumilipas anga araw ay mas nakikita ko ang dedikasyon ng bawat-isa. Gaya ng kasanayan ay ginagabi na kami ng uwi dahil sa pursigido naming pagtetraining. Tila lagi na naming nasasaksihan ang pagsikat at paglubog ng araw sa aming paaralan. Habang lumilipas din ang bawat araw ay mas naappreciate ko ang effort ng bawat-isa. Hindi biro ang oras, pagod, dedication at puso na inilalaan ng bawat-isa. Kumbaga kung ihahalintulad sa isang TV Program ay tila isa itong Survivor at Startrucks, sa madaling salita isa itong matira, matibay. Sa paglipas ng huling week ng training ay napapansin ko na mas nagiging okay kami ni Shane. Hindi na kami ganun kaawkward hindi katulad noon. Sa ngayon ay kahit magkasalubong kami ay hindi na awkward at minsan pa nga ay nag-uusap kaming dalawa. Sa huling week ng training ay mas lalo kong napatanunayan na hardwork is the foundation of everything. Lahat is possible if merong hardwork. Lahat ay maidadaan sa sipag, tiyaga at pursigidong actions. Iyana ng turo sa akin ni tatay at mas lalo kong napatutunayan na ito talaga ay may katotohanan. At confident ako na madadala ko ang ganitong perceptions hanggang sa aking pagtanda, lalo na sa aking pagtatrabaho.
Last day na ng aming training at ito ay araw ng Sunday. Dapat ay hanggang Sabado lamang an gaming training sa loob ng isang week. Ngunit dahil malapit na ang aming laban ay minabuti ni ma’am na magtraining kami. At pabor naman kami roon para talaga mas matrain kaming lahat. At saka half day lang naman dahil ang gusto ni ma’am ay ipahinga naming ang aming utak at katawan sa hapon at gabi para mas maging handa talaga sa laban. Hindi naman kasi kami pwedeng pumunta roon na kami ay pagod. Oo, hindi kami pupunta ng walang sandata pero kung lalaban kami ng pagod ay malabong maipanalo namin ang laban.
Sa half day na training ay ginawa naming ang mga kailangan. Ang pagpolish ng aming jingle. Ang bawat school kasi ay tatawagin at magpeperform ng kanilang jingle. Inayos namin ang aming jingle at minabuti na alam at kabisado ito ng lahat para malakas ang aming mga boses. Sa talentadong Campus Journalist naman ay si Arianne naman ang napili. Magaling sumayaw si Arianne, elementary pa lamang ay sumasayaw na ito. Kumbaga, bata pa lamang ay nahubog na ito. At noong siya ay aking mapanood walang duda kung bakit siya ang sinali sa Talentadong CJ, dahil siya ay magaling talaga.
Habang nagpapractice ng jingle…
“Sana ay kabisado na ng lahat ang jingle natin,” saad ko.
Pansin kong nagtanungan ang bawat-isa at doon ay narinig ko ang kanilang tugon. May mga sumagot ng, “oo nakaraan pa lamang ay kabisado ko na,” meron din naming, “kakabisaduhin ko na lang sa bahay naming iyong last part.” Hindi naman ako nagalit kung bakit hindi pa kabisado ng lahat ang jingle. Pero inaasahan ko na sana bukas ay kabisado ng lahat.
“Ah, Sam mayroon nabang magdadala ng beatbox?” ang tanong ni Jeron.
Sa pagkakarinig ko noon ay bigla akong napasnap ng kamay. Nakalimutan ko kasi na kailangan pala ng beatbox.
“Ay, iyong beatbox nga pala, nawala sa isip ko. Mayroon k a ba ni Jeron or may mahihiraman ka?” ang aking tanong.
“Ah, wala akong beatbox eh, pero meron naman akong mahihiraman, ang kaibigan kong si Nison,” ang kaniyang tugon.
“Ah ganun ba, hiramin mo na lang ngayong gabi mukhang maaga kasi tayong aalis bukas. Kung bukas mo pa hihiramin ay baka tulog pa siya,” ang aking paalala.
“Oo Sam, sige hihiramin ko ngayong gabi. Huwag ka mag alala madadala ko iyon bukas,” ang tugon ni Jeron.
“Salamat Jeron,” ang aking saad.
Muli akong nag isip kung ano pa baa ng kulang. Mula sa harap ay tumungo ako sa aking upuan. Kinuha ko ang listahan kung ano pa ang kulang. Ang bawat nakasaad naman doon ay mayroon ng check pwera na lamang sa beatbox na aking nakalimutan. At dahil mayroon naman ng magdadala noon ay chineck ko narin iyon.
“Check na ang lahat,” bulong ko sa aking sarili.
“Sam, may kulang pa ba?” ang tanong ni Shane na nasa harapan.
Tumungo ako sa harapan dala-dala ang ginawa kong listahan.
“Wala naman na ata,” saad ko at inabot ang listahan na aking ginawa.
Chineck iyon ni Shane. Isa-isa niyang tinuro ang mga nakasaad doon at kasabay noon at pagbigkas niya sa mga ito.
Habang nagchecheck siya ay nilead ko naman ang bawat-isa sa pagchant ng aming jingle.
Habang chinachant nila ang jingle ay inabot sa akin ni Shane ang listahan.
“Mukhang wala na nga,” saad ni Shane.
“Pacheck mo pa rin kay ma’am,” dagdag pa niya.
“Sige, salamat,” tugon ko at kinuha ang listahan.
Pagkatapos icheck ni Shane ay pumunta ako sa kabilang room kung saan nagpapractice si Arianne. Simula pa lamang kasi noong una ay lagi ng nakahiwalay si Arianne sa amin upang mas maging focus siya sa kaniyang pagpractice para sa talentadong CJ.
Lumapit ako kay ma’am at inabot ang papel.
“Ma’am maari po bang pacheck kung ano pa po baa ng kulang,” saad ko.
Kinuha iyon ni ma’am at pagkatapos ay binuksan niya ang kaniyang drawer para kumuha ng lapis.
Inekisan niya ang bawat nakatala sa papel na iyon habang binibigkas ang mga ito isa-isa.
Matapos ekisan ang lahat ay inabot ni ma’am ang papel sa akin.
“Wala naman ng kulang anak,” saad ni ma’am.
“Sige po ma’am,” saad ko.
Pagkasabi ko noon ay tumalikod na rin ako upang tumungo sana palabas ngunit tinawag ako ni ma’am.
“Ay Sam, anak,” saad ni ma’am.
Humarap ako kay ma’am.
“Po?” saad ko.
“Panoorin mo nga ang performance ni Arianne,” tugon ni ma’am.
Binuhat ni ma’am ang monoblock chair at dinala iyon sa harap.
“Maupo ka rito anak,” ang sambit ni ma’am.
Lumapit ako at naupo sa monoblock chair.
“Hi ate,” ang bati sa akin ni Arianne.
“Hi be, galingan mo,” ang aking tugon.
“Opo ate,” saad ni Arianne ng may ngiti sa kaniyang mga labi.
“Fighting,” sambit ko habang nakataas ang aking mga kamay.
“Fighting,” ang tugon ni Arianne.
“Arianne,” ang tawag ni ma’am.
“Po?” ang tugon ni Arianne.
“Ipakita moa ng performance mo sa EIC natin,” ang sambit ni ma’am.
Tumingin sa akin si Arianne at ngumiti.
“Opo,” ang kaniyang tugon ni Arianne.
Sa ngiting iyon ni Arianne ay halata ko ang confidence sa kaniya at kitang-kita ko na masaya siya sa kaniyang gagawin. Kita ko rin ang galak sa puso ni Arianne. Sa mga nakalipas na training ay nasaksihan ko ang pagod, pawis, at puso na kaniyang inilaan para sa performance na ito. Si Arianne iyong tipo ng bata na maagang napasabak sa mag contest kaya sa mga nakalipas na araw ay napatunayan niya sa akin kung gaano kalakas ang kaniyang loob.
Inayos ni Arianne ang kaniyang damit at siya ay pwumesto na.
Unang galaw pa lamang o unang pitik pa lamang ng kaniyang katawan ay halata mon a pinaghandaan niya talaga ang performance na ito. Ang performance ni Arianne ay pinaghalong modern at contemporary dance. Sa unang bahagi ay nakasuot pa ito ng contemporary custome. Sa contemporary dance ay mapatutunayan kung gaano na katagal ang panahon na inilaan ni Arianne sa pagsasayaw. Bawat galaw, bawat poise, bawat pagpalipat ng pwesto, bawat taas ng kamay at hakbang ng paa ay on point ang lahat ng ito. Ang katawan niya ay naging patunay ng kaniyang ilang taon na pagsusumikap at pag-eensayo. Pagkatapos ng contemporary dance ay mayroong dalawang minutong oras na nilaan para makapagpalit si Arianne ng kaniyang custome dahil ang sunod ay modern dance naman. Matapos ang dalawang minuto ay muling lumabas si Arianne. Sa paglabas niya ay kitang-kita ang kaniyang facial expression. She’s feeling and vibing in the music. Nagsimula ng sumayaw si Arianne ng modern dance at kung ano ang kaniyang gracefulness sa contemporary dance ay ganoon din sa modern dance ngunit ito ay hinaluan ng angas. Ganoon pa rin bawat galaw niya ay on-point. Ang pwesto ng kaniyang kamay, paa at ang kaniyang facial expression. Tipong parang lahat sila ay gumagalaw with coordination. Sa bawat galaw ng katawan ni Arianne ay patunay iyon na isa siyang produkto ng ilang taon na hard work. Nahubog talaga siya ng ilang taon.
Pagkatapos ng kaniyang performance, nag bow ito at ako ay napalakpak ng maalakas. Nadala ako sa naging performance ni Arianne. Mula sa contemporary dance hanggang sa modern dance ay nandun ang kaniyang energy nito.
“Kamusta, Sam?” ang tanong ni ma’am.
Pagkatapos ng performance ni Arianne ay napansin kong pati si ma’am ay napapalakpak.
“Thumbs up po,” ang aking saad.
“Ang galling po,” ang aking papuri.
Habang nagsasalita ko ay nakangiti lamang si Arianne sa akin ni walang bahid ng pagod sa kaniyang mukha. Siguro nga ay dahil sanay na siya sa ganitong pagod at kahabang performance.
“Grabe ka Arianne. Halatang-halata na grabe ang passion mo sa pagsasayaw. Unang pitik pa lamang ng katawan mo,” dagdag ko pa.
Sa sinabi kong iyon ay natawa si ma’am.
“Pitik talaga?” ang sambit ni ma’am habang nakangiti.
Napangiti rin ako sa naging tugon ni ma’am.
“I mean sa unang galaw palang po niya,” saad ko.
“Maganda ang performance mo. Ganoon lamang imaintain mo ang energy at facial expression. Ipakita mo lang Arianne na gusto mo at masaya ka sa ginagawa mo,” ang paalala ko sa kaniya.
“Good job!” dagdag ko pa.
Mas lalong napangiti si Arianne sa aking mga sinabi. Deserve naman niya ang mga papuri ko sa kaniya.
“Good job anak,” ang sambit ni ma’am.
“Salamat sa dedication na ipinakita mo sa nakalipas na mga araw. Alam kong hindi madali ang gagawin mong performance pero sana ay mag-enjoy ka lang. Makita lamang kita na nag-eenjoy sa iyong ginagawa ay masaya na ako. Ngayon pa lamang ay gusto na kitang batiin ng Congratulations, panalo ka na para sa amin, ngayon pa lamang,” sa sinabing iyon ni ma’am ay napatakbo si Arianne papunta kay ma’am at yumakap ito.
“Thank you po,” ang saad ni Arianne at halata ko ang panginginig ng kaniyang boses.
Labis ang aking pasasalamat dahil si ma’am ang aming naging SPA hindi lang siya tumayong trainor namin kung hindi naging isa rin siyang parang isang nanay sa amin. Sobra ang suporta na ibinibigay niya sa amin. Grabe ang encouragement na ipinapakita niya sa amin. Kaya ang naging buwan ko sa journalism ay hindi lang maituturing na stressful months. Oo, stressful pero ito ang stress na worth-it. Marami akong natutunan ay nakilalang tao at thankful ako sa opportunity na ito at hinding-hindi ko pinagsisihan na tinaggap ko ang offer bilang isang EIC.
Napansin kong tumingin si ma’am sa kaniyang relo at pagkatapos ay napasabing…
“11:30 am na pala,” ang kaniyang sambit.
“Tara na sa kabilang room para tayo ay makapag-meeting na,” paalala ni ma’am.
Tumungo na kami sa kabilang room. Nadatnan naming na ang bawat-isa ay busy sa paggawa ng article.
“Maupo at making na muna ang lahat,” ang tawag ni ma’am.
“Kumpleto na ba tayo? mayroon pa bang nasa labas?” ang usisa ni ma’am.
Tinignan ko ang mga tao sa bawat category.
“Wala na po,” ang aking sambit.
“Kung ganoon ay magsimula na tayo,” ang saad ni ma’am.
“5 am ang ating call time dito sa ating school. Magdala kayo ng yellow paper, Mongol Pencil kung maari ay dalawa, ballpen at mga snacks. Ang lunch ay provided ng school pero kung gusto niyo pa rin magdala ay pwede naman. Ang suot natin bukas ay school uniform at sa susunod na araw ay P.E uniform naman. Sa jingle niyo ay wala naman ng kulang na props,” ang patuloy na pagpapaalala ni ma’am.
“Ito na iyon mga anak, dumating na ang panahon. Bukas na ang araw na ilang araw nating pinaghandaan. Ilang pawis, pagod, at oras ang ating nilaan. Ang araw na pinakahihintay ng lahat. Bukas na. Gusto kong malaman niyo na, ngayon pa lamang ay proud na ako sa inyo. Ngayon pa lamang ay panalo na kayong lahat para sa akin. Sa dedication pa lamang na ipinakita niyo sa akin ay ramdam ko na panalo na ako. Anuman ang maging resulta lagi niyong tatandaan na lahat kayo ay ngayon pa lamang ay panalo na. Hindi biro na mapabilang sa campus journalists. Hindi biro ang araw-araw na training,” dagdag pa ni ma’am.
Sana ay makita ko pa rin ang mga mukha na ito sa gawaan ng ating dyaryo, walang tatakas ah,” sambit ni ma’am habang tinuturo kami isa-isa.
“Congrats at Good luck mga anak,” ang huling sambit ni ma’am.
Pagkatapos magsalita ni ma’am ay biglang sumigaw si Jeron.
“Fighting!” ang kaniyang sigaw.
Pagkatapos ay nagtinginan kaming lahat at napasigaw sabay sabay ng… “FIGHTING!”