Naglakad na ako patungong covered court dahil magsisimula na ang awarding. Nang malapit na ako ay lumingon ako mula sa kinauupuan ni Josias. Pagtingin ko ay nakaupo pa rin siya roon at tila nakatingin sa kawalan. Tinitigan ko siya ng ilang minuto hanggang sa hindi ko namalayan na nakatingin na rin pala ito sa akin. Hindi ko na rin namalayan na nakangiti na ako habang nakatitig sa kaniya. Nang mahismasan ako ay parang bigla akong nahiya sa aking ginawa kaya naman binaling ko na lamang sa iba ang aking tingin. Dahil sa hiya na aking naramdaman napatalikod ako at nakayukong naglalakad habang kumakamot sa ulo. Hanggang sa makarating na ko sa aming pwesto. Habang naglalakad ako papalapit sa aking upuan ay nakatingin si Jeron sa akin na parang may ibig sabihin ang kaniyang mga tingin. Tinaasan

