Pagkatapos noon ay nagpicture muna kaming lahat. Halos halata ang mga namumulang mata ng bawat-isa. Mga halatang napaiyak dahil sa nakamit namin. Siguro ay ramdam ng bawat-isa ang bunga ng aming paghihirap.Pwumesto ako sa harap at katabi ko noon si Jeron. Si Ma’am naman ang nasa gitna at hawak-hawak niya pa rin ang trophy. “One, two, three,” ang sambit ng taga-picture. Sabay-sabay kaming ngumiti. Halata ko ang malaking smile ng bawat isa. Hanggang sa halos nakatatlo kaming picture. Nagkatinginan kami ni Shane at tumungo ako sa kaniyang kinatatayuan. Hindi ko pa sana siya yayakapin dahil baka mabigla lamang ito pero niyakap ko pa rin siya. Ngumiti ako at niyakap siya at tinugunan din naman niya ako ng isang yakap. Pagkatapos noon ay ngumiti kami sa bawat isa. At ang gaan lang sa pakiramd

