Matapos ang ilang araw na pagpapalakas ay bumalik na ako sa pag aaral. Hindi naging madali ang aking naging pagpapalakas pero buti na lamang ay nariyan si tatay na siyang gumabay sa akin.
Isang umaga…
“Samantha, gumising ka na,” sambit ni tatay.
“Opo ‘tay, ito na po,” tugon ko.
Agad na akong bumangon, namiss ko na rin kasing pumasok kaya meron akong excitement na nadarama.
Pagpasok kong kwarto ay naupo ako sa lamesa.
Sa lamesa ay nakahain ang mainit na pandesal at ang umuusok pang gatas na tinimpla ni tatay.
“Mag-ingat ka, baka ikaw ay mapaso niyang gatas,” sambit ni tatay.
“Naku, hindi po ‘tay,” tugon ko.
“Ano? ready ka na ba talaga pumasok?” muling pagtatanong ni tatay. Kagabi ay ilang ulit na akong tinanong ni tatay at hanggang ngayon ay ganyan pa rin.
“Opo ‘tay,” sambit ko.
“Mahihirapan na po kasi ako humabol tay. Eh, ilang araw na rin po ako absent,” dagdag ko pa.
Naupo si tatay sa kabilang upuan.
“Aba’y napakasipag mo naman mag aral anak. Paano hindi gaganahan si tatay magtrabaho niyan hanggang sa matapos ka magkolehiyo,” sambit ni tatay.
“Alam mo naman ‘tay diba? nangako po ako sa inyo na mag aaral akong mabuti. Na gagawin ko po ang lahat para maging isang prosecutor,” tugon ko.
“Oo anak, natatandaan ko pa naman ang ‘yong pangako, sadyang natutuwa lang ako,” sambit ni tatay.
“Salamat ‘tay, kaya tay ilaban niyo po ako, huh?” tugon ko.
Kumuha si tatay ng isang pandesal at inabot iyon sa akin.
“Gaya nitong isang pandesal, ilalaban ka ni tatay hanggang sa manlamig na lamang ako,” tugon niya.
Sa sinabi na ‘yon ni tatay ay naantig ang aking puso. Ang ibig sabihin ng sinabi niya ay, ilalaban niya ako hanggang sa mamatay siya.
Ang nais kong iparating sa ilalaban ay, dahil hindi kami ganoon kayaman, hindi ko sigurado kung matutustusan ni tatay ang aking pag aaral hanggang sa ako ay makatapos. Kaya gusto kong ilaban niya ako, laban bilang isang suporta, laban bilang isang suportang pinansyal at laban namin para kay nanay.
Kinuha ko ang inaabot ni tatay na pandesal.
“Grabe ka naman ‘tay,” sambit ko.
“Pero salamat po ‘tay,” dagdag ko pa.
“Basta huh, ipangako mo na mag aaral kang mabuti,” paalala ni tatay.
“Opo naman ‘tay, kilala niyo naman po ako,” tugon ko.
“Oo anak may tiwala naman ako sayo,” sambit ni tatay.
“Kung ganoon po ‘tay, suportado niyo pa rin po ba ako kahit hindi ako magtrabaho o mag-aral sa Saudi,” sambit ko.
“Alam kong ayaw mo magtrabaho o mag-aral sa Saudi anak. Pero gaya ng lagi mong sinasabi gusto mo ng oras para makapag-isip kaya hinayaan kong mag isip ka muna kahit alam ko na kung ano talaga ang gusto mo,” kwento ni tatay.
“Kilalang-kilala mo talaga ang unica hija mo ‘tay,” sambit ko.
“Oo naman, mana ka kaya sa akin,” tugon ni tatay.
“Hindi po kay nanay po,” pagbibiro ko.
Uminom ako ng gatas at naging seryorso na muli ang pag-uusap namin ni tatay.
“Ah tay, kung ganoon po ay maari na po ba nating sabihin kay Auntie ang aking desisyon,” sambit ko.
“Oo anak, ako na ang bahalang magsabi sa kanya, hinihintay ko lang tumawag siya. Pakiramdam ko kasi ay tatawag siya ngayong linggo. Pero kung hindi man siya tumawag ay ako na mismo ang tatawag sa kanya,” tugon ni tatay.
“Salamat po ‘tay.”
“Oh siya, bilisan mo na mag almusal at maligo ka na at para makapasok ka na. Nararamdaman kong miss na talaga pumasok,” sambit ni tatay.
Nagpatuloy ako sa pag aalmusal. Pagkatapos ay naligo na rin ako, nagbihis at nag ayos ng gamit.
Inayos ko ang mga gamit sa aking bag.
Inihilira ko nang maayos ang aking mga notebook.
Tinanggal ko ang mga basura na nasa mga pocket.
Tinanggal ko ang libro kung saan nakaipit ang aking pros and con. Ilalapag ko na sana ‘yon sa ibabaw ng aking cabinet ngunit..,
“Ay baka mabasa ito ni tatay,” bulong ko sa aking sarili.
Kaya binalik ko na lamang sa bag ang aking libro.
Pagkatapos ay binitbit ko na ‘yon.
Lumabas ako at nagpaalam na kay tatay.
“Alis na po ako ‘tay,” sambit ko.
“Sige anak, mag iingat ka,” tugon ni tatay.
Lumabas ako ng bahay, medyo madilim pa noon at dama ko ang lamig. Ber months na kasi ‘yon kaya dama na ang lamig.
“Namiss ko ‘to,” bulong ko sa aking sarili.
Namiss ko ito ilang araw na rin kasi ito, iyong papasok ako sa umaga. Itong medyo madilim-dilim pa at malamig-lamig.
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Ate Joana.
“Oh ate,” bati ko.
“Oh Samantha, papasok ka na?” tanong ni ate.
“Opo ate,” tugon ko.
“Sure ka na bang okay ka?” nag aalalang tanong ni Ate Joana.
“Opo naman ate,” tugon ko.
“Matagal-tagal na rin po akong hindi nakapasok kaya okay na okay na po ako,” dagdag ko pa habang naka senyas ng thumbs up kay Ate Joana.
“Basta pag may nangyari dyan sa binti mo tawagin mo lang ako huh,” sambit ni Ate Joana.
“Opo ate.”
“Ang tatay mo pala, kamusta?” sambit ni Ate.
“Ah, okay naman po siya ate. Malakas na po ako ate Joana kaya pwede na po natin samahan si tatay,” tugon ko.
“Sige, akong bahala, iischedule ko siya at iinform ko kayo kung kailan,” sambit ni Ate Joana.
“Okay po ate, maraming salamat po,” tugon ko ng may galak.
“Oh siya, mauna ka na at baka malate ka pa. Ako kasi ay kagagaling lang sa trabaho, nag overtime kasi ako,” sambit ni Ate Joana.
“Opo ate, mauuna na po ako. Ingat po kayo ate at magpahinga po kayo pag-uwi,” pagpapaalala ko kay Ate Joana.
“Oo, ikaw rin ay mag-ingat.”
Nagpaalam na ako kay ate Joana at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Noong malapit na ko sa crossing ay natanaw ko si Anne.
Malayo pa lamang ako ay kita ko na ang kanyang malaking ngiti.
“Samantha!” sigaw ni Anne.
Kumaway ako at tumakbo na patungo kay Anne.
“Buti na lamang at naghihintay ako,” sambit ni Anne.
“Araw-araw ka bang naghihintay ng ganito?” curious kong tanong.
“Ah, oo, kasi baka pumasok ka na eh, pero hindi naman ako nag palate,” sambit ni Anne.
“Sorry, natagalan kasi ako para magpalakas,” tugon ko.
“Ano ka ba, okay lang ‘yon, ang mahalaga okay ka na ngayon,” sambit ni Anne.
Naglakad na kami ni Anne papasok ng school.
Habang naglalakad ay…
“Pasensya ka na Samantha huh, hindi na ako nakapunta ulit sa inyo,” sambit ni Anne at halata ko ang lungkot sa kanyang mukha.
“Ano ka ba, okay lang ‘yon,” tugon ko.
“Dapat noong nakaraang Sabado ay pupunta ako, kasi busy kasi sa negosyo eh kaya hindi ako pinayagan ni tatay,” explanation ni Anne.
“Ano ka ba, okay lang ‘yon. At saka kailangan ka ng tatay mo,” tugon ko.
“Kamusta pala ang naging check up ni tito?” habang tinatanong iyon ni Anne ay halata ko ang curiosidad sa kanyang mukha.
“Ah,” sambit ko.
Natigilan ako ng ilang segundo.
Napatingin sa akin si Anne.
“Bakit? malala ba ang sakit ni tito,” kita kong pagalala ni Anne base sa kanyang tono at mukha.
“Ah, saka ko na lang sasabihin Anne kapag sigurado na,” tugon ko.
Napansin ni Anne ang aking pagaalinlangan at kaba.
Hinawakan niya ang aking braso.
“Basta narito lang ako huh, makikinig ako at iintindi. Kung kailan ka ready magkwento,” sambit ni Anne.
“Salamat,” ang aking tanging naging tugon.
Nang nasa school na kami tumungo na agad kami sa classroom.
Pagpasok ng classroom ay agad akong pinagtinginan ng aking mga classmate.
Napayuko ako at agad na umupo sa aking upuan.
“Uy, kamusta ka? anong nangyari sayo?” nagtatakang tanong ni Jeron.
“Ah, wala nagkasakit lang,” sambit ko.
“Nang ganoong katagal?” muli niyang pagtatanong.
“Oo, pero ang mahalaga okay na ako. Hindi ka ba masayang pumasok na ko,” sambit ko.
“Masaya, alam mo naman nakalulungkot kapag walang kadaldalan,” tugon ni Jeron.
“Hay naku, madaldal ka pa rin,” pang aasar ko kay Jeron.
“Basta Samantha, anuman ang dahilan ng pag absent mo ng ganoong katagal, sana ay naayos na or okay na,” sambit ni Jeron.
“Naku Jeron, ang aga mo naman maagdrama. Pero salamat,” nakangiti kong tugon.
Sa aking kabilang tabi ay wala pang nakaupo. Iyon ang upuan ni Josias. Siguro ay baka late na naman ang mokong.
Ngunit makalipas ang ilang minuto ay bigla itong sumulpot sa pintuan.
Nakatayo lang siya roon at nakatitig sa akin.
Napatingin ako sa kanya pero ibinaling ko rin ang aking mata sa ibang direksyon.
Ngunit sa aking peripheral vision ay naaaninag ko na nakatingin pa rin ito sa akin.
Dahil doon napatayo ako at tumungo sa likuran kung saan nakaupo si Anne.
Pagdating ko sa likod ay dumako ako sa direksyon kung saan ako nakaupo.
Nakaupo na si Josias sa upuan ngunit siya ay nakatingin pa rin sa akin.
Ilang beses ngang nagtatama ang mga tingin namin ngunit ako na ang agad na umiiwas. Ibanabaling ko agad ang tingin ko sa ibang bagay.
“Bakit kaya nakatigin sa akin ‘yong mokong na ‘yon?” bulong ko.
Sa pagkakabulong ko noon ay hindi ko napansin na nasa likod ko na pala si Anne.
“Bakit? sinong nakatingin sa iyo?” pagtatanong ni Anne.
Nagulat ako dahilan para medyo ako’y mapalundag.
“Oh, bakit gulat na gulat ka?” sambit ni Anne.
“Ah, wala wala,” tugon ko.
“Sinong nakatitig sa’yo?” pangungulit ni Anne.
“Ituro mo naman sa akin,” dagdag pa niya.
“Ah, wala naman ‘yon. Sa hospital pa ‘yon may mag-ina kasi na nakatitig sa akin,” explanation ko sa kanya.
“Ah, bakit daw?” nagtatakang tanong ni Anne.
“Hindi ko rin alam eh, basta napapansin ko lang sila na nakatitig sa akin,” sambit ko.
Sa totoo lang hindi naman talaga mag-ina ang nakatitig sa akin ang nakatitig talaga sa akin ay si Josias. Ngunit hindi ko ito magawang sabihin kay Anne dahil alam kong aarasin niya lamang kaming dalawa.
“Oh, akala ko pa naman kung ano,” ang naging tugon ni Anne.
“Ikaw ang hilig mo talaga sa chimis at issue,” pang aasar ko sa kanya.
“Alam mo naman, parte ‘yan ng buhay natin,” sambit ni Anne.
Dumating na ang teacher namin sa first subject. Dahil dito ay kinailangan ko ng bumalik sa aking upuan.
Pagkaupo ko ay parang inoobeserbahan ako ni Josias. Tinitignan niya ako mula ulo hanggang paa.
“Hoy,” sigaw ko.
Hindi ito natinag at patuloy na tumitig sa akin.
“Okay ka lang?” ang naging tugon niya sa sigaw ko.
“Oo naman nuh, ikaw ata dapat kung tanungin niyan,” sambit ko.
“Okay ka lang ba?” pagtatanong ko.
“Oo,” ang naging tugon ni Josias.
“Ah, ba-bakit ka nga pala nagpunta sa hospital?” nagtataka kong tanong.
Pagkatapos kong sambitin ang aking tanong ay bigla na itong yumuko sa arm desk.
“Hoy, hindi mo pa nasasagot ang tanong ko, sagutin mo muna bago ka tuluyang makatulog,” sambit ko.
Hindi siya natinag at nakayuko pa rin.
Napakamot ako sa aking ulo.
“Hays, bakit kaya ayaw niyang sabihin,” sa isip-isip ko.
Napansin ni Jeron na namomoroblema ako.
“Unang balik sa klase, nakabunsangot agad?” pang aasar ni Jeron.
“Eh, kasi naman ayaw niyang sagutin ang tanong ko. Hindi naman ito acads related,” explanation ko.
“Hayaan mo na siya, huwag mo ng ipilit,” sambit ni Jeron.
Nagsimula na ang klase namin sa first subject.
Pagtapos ay sumunod na ang second subject at recess na namin.
“Tara Samantha,baba tayo,” pag aaya ni Anne.
“Ah, mukhang hindi ako makababa ngayon Anne, pinagbaon kasi ako ni tatay eh. Gusto mo share na lang tayo,” pag aaya ko kay Anne.
“Naku hindi na, balik na lang ako rito pagtapos ko bumili para masabayan kita sa pagkain. Hindi kasi ako ang naka assigned sa canteen kaya may time ako sumabay sayo na magrecess,” sambit ni Anne.
“Oh sige na bumili ka na, at baka maiyak pa ako sa ibang kwento mo,” pang aasar ko.
Bumaba si Anne habang ako naman ay inilabas ang aking pagkain.
Nagsimula na akong kumain dahil alam kong pagdating ni Anne ay biscuit at water lamang at bibilhin niya kaya kung hihintayin ko pa siya ay panigurado na mas mabilis lang mauubos ang kanyang pagkain.
Inilabas ko ang aking baon.
Habang kumakain ay biglang pumasok si Julio.
Pagkakita niya agad sa akin ay bigla niya akong niyakap.
Nanlaki ang mata ko at ako ay nagulat.
Nakaupo ako noon at back hug lamang ang naging aksyon niya.
Pumunta siya sa likod at hinug ang ulo ko.
Nagulat ako noon at pansin kong nahalata niya yon.
“Namiss kita,” bulong niya sa akin.
Tinangal ko ang mga kamay ni Julio sa aking leeg ngunit kinokontrata niya ang mga aksyon na aking gagawin.
Makalipas ang ilang minuto ay pumiglas na rin ito.
“Bakit ano bang nangyari sayo?” nag aalala niyang tanong.
Hindi ko lubos maisip kung bakit labis ang pag aalala ni Julio.
“Ilang araw kaya kitang hinintay sa ilog, pero ni anino mo ay hindi ko nakita,” nagrereklamong sambit ni Julio.
“Ah, nagkasakit kasi ako eh, kaya kahit sa ilog ay hindi ako makapunta,” ang aking tanging naging tugon.