All of us have a memorable experience during Valentine’s, but not me.
“I hate Valentine’s.”
It is still clear in my mind.
February 14, 2002...
Sa aming bayan sa Teres, Palawan kung saan nagtatayugan ang mga puno. Kasabay nito ay ang sabay-sabay na pagsayaw ng mga dahon na naglilikha ng sariwang simoy ng hangin. Tirik ang araw. Isa na naman itong payapang araw para sa lahat. Iyon ang aking akala…
Dahil ang mapayapang araw ay naging isang hindi malilimutang araw para sa akin...
“Okay, class dismiss,” saad ng aking guro.
“Yehey!” malakas na sigaw ni Anne. “Hoy! Samantha, Valentine’s ngayon, diba?”
“Tara bili tayo bulaklak para sa mga nanay at tatay natin,” pang-aaya sa akin ni Anne.
“Wait lang wag mo ko iwan, inaayos ko pa itong sapatos ko, ano! ba naman kasi itong sapatos na to eh, naiwan tuloy ako, hays bahala na nga.”
Dali-dali akong tumakbo para maabutan sina Anne kahit na hindi ko pa maayos na naisuot ang aking paa sa sapatos.
“Pabili po!, dalawang bulaklak nga po.”
“Oh! Kayo na naman ulit? Narito na naman kayo para manggulo!” sigaw ni Aling Eneng.
“Aling Eneng naman eh, parang ayaw mo naman kami makita.”
Well, sa totoo lang lagi kaming sinisigawan niyan ni Aling Eneng, pero tinuturing niya talaga kami na parang mga anak, huwag lang namin guguluhin iyong mga paninda niya, hahhahaa...
“Dalawang bulaklak nga Aling Eneng.” sabi ni Anne, “Ako rin Aling Eneng.” nagkatinginan kami dahil sabay ang aming pagsasalita.
Nagkaniya-kaniya kaming kuha at…
Iyon nga nagulo na naman ang paninda ni Aling Eneng.
“Naku mga inday, ibibigay niyo ba ito sa mga nobyo niyo. Iba na nga ba talaga ang henerasyon ngayon? Babae na ang nanliligaw sa lalakeng gusto nila? ” sambit ni Aling Eneng habang pinaplastik ang mga bulaklak na binili namin.
Nagtawanan kami sa sinabi ni Aling Eneng.
“Naku, Aling Eneng, paano naman kami magkakanobyo, eh, Grade 6 pa lang po kami.” natatawa kong sagot.
Oo, Grade 6 pa lang ako, siguro mga 13 years old na ako noon, at wala pa sa isip ko ang pagboboyfriend, kasi naniniwala ako sa “first and last” kung sino na iyong first ko, siya na dapat iyong last ko. Sa ngayon, ang pinoproblema ko muna, ay kung paano ko masasagip ang mga kakampi ko sa ten-twenty, paano ko matatamaan ‘yong lata sa tumbang preso at paano ako di mahuhuli ng kalaro ko sa taguan.
“Oh ayan na yung mga bulaklak niyo. Oh! Siya magsi-alis na kayo,” pambubugaw sa amin ni Aling Eneng.
“Alam mo ‘yang si Aling Eneng tayo na nga bumili sa kanya tayo pa tinaboy, ano?” reklamo ni Anne.
“ Naku! Ganyan naman talaga si Aling Eneng, pero alam mo bang mahal tayo nyan, tignan mo lagi tayong pinapagalitan, diba sabi nila kapag nagagalit sa’yo ang mga matatanda ibig sabihin noon may pake sila sayo, or sign iyon ng pagmamahal.”
Naalala ko tuloy ang aking Lola sa Bulacan, lagi niyang pinapaalala sa akin na huwag akong magtatampo, magagalit or bubusangot kapag pinapagalitan ako ng mga nakakatanda sa akin dahil ang bawat pagkagalit at bawat pagpapa-alala ay tanda raw ng pagmamahal.
Habang pauwi, ay naging saksi ang aking mga mata sa kung paano ka-memorable ang Valentine’s sa bawat-isa. Nariyan ang pagbibigay ng bulaklak, tsokolate at ang pagpapalitan ng halik ng mga nasa paligid.
Hanggang nakarating kami sa crossing at oras na para maghiwalay-hiwalay ng landas ang bawat-isa.
“Babye!” habang kumakaway ang isa’t-isa.
“Samantha sabay tayo bukas ah,” pag-papaalala ni Anne.
“Oo naman, oh siya! Paalam na.”
Kumaripas ako ng takbo habang may mga ngiti sa aking labi at excited na ibigay ang aking bulaklak na binili para kina nanay.
Pagkabukas ng pinto…
“Nay, narito na po ako, nay?” Inikot ko ang aming bahay. Pagtanaw ko sa aming bakuran kung saan laging nakatambay si nanay.
Ay, wala pa rin siya roon, dahilan para makaramdam ako ng kaba.
“Nasan na kaya si Nanay?” pag-aalala kong tanong.
Ako’y lumabas ng bahay para hanapin si Nanay at doon ay nakasalubong ko ang aming Barangay Tanod na si Tatay Gusyo.
“Tatay Gusyo, nakita niyo po ba si inay?”
“Hindi mo ba nabalitaan? Nasagasaan ang nanay mo at naroon siya ngayon sa hospital, kritikal ang kondisyon.”
Kumaripas ako ng takbo at naglaglagan ang mga bulaklak na aking dinala upang sana maibigay ko kina nanay at tatay kapag sila’y aking nakasalubong.
Ang araw na memorable sa bawat-isa, ay naging araw nga na hinding-hindi ko malilimutan.
Narating ko ang pinakamalapit na hospital sa aming bayan. Agad-agad kong hinanap si nanay at isa-isa kong hinawi ang kurtina na nakaharang sa bawat pasyente.
Hanggang nakasalubong ko ang isang doktor.
“May kilala po ba kayong pasyente na si Clara Antonio?”
“Ikaw ba iyong anak niya?” tanong ng doktor.
“O-po, nasaan po si na-nay?” Nanginginig kong tanong
“Naroon,” turo niya roon sa panghuling kwarto, “hinihintay ka na niya.”
Dali-dali akong naglakad patungong kwarto na itinuro ng doktor at nagulat ako sa bumungad sa akin...
Napakaraming sugat ang tinamo ni nanay at labis na napuruhan ang kanyang mga binti.
“Nay, anong nangyari sa ‘yo?, sino ang gumawa nito sa ‘yo,” aking tanong habang umiiyak.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni nanay at pagkatapos ng dalawang segundo, ito’y bumitaw.
Ako’y napatayo at kaagad na binuksan ang pinto at tinawag ang doktor.
“Doc, i-iyong na-nanay ko po,” naiiyak kong sigaw na bumalot sa unang palapag ng ospital.
Tumakbo ang doktor patungo kay inay.
“Anong nangyari?”
“ The patient is in cardiac arrest,” tugon ng nurse.
“Get the defibrillator, now!” sigaw ng doktor. “Moveeeeee!”
Umurong ang ibang nurse at dali-daling binuksan ng doctor ang pulang pang-itaas na damit ni nanay.
“200 joules, charge”
“200 joules, charge”
“200 joules, charge”
“200 joules, charge”
“200 joules, charge”
Paulit-ulit na sambit ng doktor.
Hanggang sa narinig ko na ang tunog na senyales na patay na si inay.
Sunod-sunod na tumulo ang mga luha sa aking mga mata at nanlambot ang aking mga binti dahilan para ako’y mapaupo.
“Nay,” umiiyak kong sigaw. “Nay,” ang aking pagtangis na maririnig sa loob ng kwarto.
“Time of death, FEBRUARY 14, 2002, 8:32 pm,” malungkot na sambit ng doktor.
Dali-dali akong niyakap ni tatay at sabay na tumulo ang mga luha mula sa aming mga mata.
Kaya pala nasabi ng doctor na hinihintay ako ni nanay dahil… ako na lamang ang kanyang hinihintay bago siya mamahinga.