Kabanata III

2153 Words
"So? What can you say?" Noémie asked with a teasing grin. She was talking about me, now the unexpected star of some guy’s IG story. The problem? I had no clue who he was. We even stalked his account, pero wala kaming nahanap. No tagged posts, no connections—just an account with thousands of followers. But one thing was certain—he was hot. And judging by his face, he was probably around my age. I never expected that someone had secretly filmed me while I was singing. In his story, I was caught mid-line: I know heaven’s a thing, I go there when you touch me. Honey, hell is when I fight with you. But we can patch it up good, make confession. And we're begging for forgiveness, got the wine for you. Ba't yun ang kinunan niya? May ibig sabihin ba yun? Or was I just overthinking? Honestly, I’ll never understand what goes on in a guy’s mind. "It's fine," I said with a shrug, keeping my voice neutral. But my eyes were still glued to his IG story. A red heart emoji. Dumako ang tingin ko sa caption. Who is she? Asking for a friend. 👀 Napailing na lang ako bago bumuntong-hininga. "Ha. Ha! By the way, nagscreen-record ako in case babalik ka sa IG. Then, you can post it sa story mo. Advance lang utak ko kaya huwag kang magtaka," sabi ni Noémie, sabay irap. Napatingin ako sa kanya. Nakasandal siya sa bookshelves habang walang pakialam na nagsco-scroll sa phone niya. "Why would I do that?" Kunot noo kong tanong, di ko kase magets. Hindi ko kasi magets kung bakit kailangang i-post ko pa iyon. "Duh! To appreciate his effort? Saying thank you?" sagot niya na may kasamang pag-ikot ng mata, parang naiinis na sa akin. "Mag-aassume lang siya na may ibig sabihin kapag ginawa ko yan." Aniko at nagpatuloy sa paghahanap ng libro, sa shelf, pilit na hindi na lang iniintindi ang usapan. Medyo nag-alala ako baka matumba ang shelf at madaganan siya. Pero naalala kong petite siya, kaya mukhang safe naman. Umayos siya ng tayo at patuloy na nag-scroll sa phone habang di pa rin tumitigil sa pagdadaldal tungkol dito. Hindi maka-move on. Maybe she’s just excited na nasa IG ako ng ibang tao especially owned by stranger. Kahit hindi literal na sa official account ko, feeling niya big deal pa rin. Ang saya-saya niya na may lalaking nagkainteres sa aki na may nabighani na naman sa alindog ko. Tsk! Hindi ko siya pinaniniwalaan. Alam kong excited siya hindi dahil sa akin, kundi dahil alam niyang may gift na naman akong matatanggap. Kapag hindi ko bet ang regalo, siya ang unang nagbebenefit. "Hala! Hindi naman! That’s just a way to say thank you. Yan kaya ang uso ngayon. Kung sabagay, outdated ka na pala," mataray niyang sabi, sabay smirk at taas ng kilay. Tiningnan ko lang siya nang blangko, walang gana makipagtalo. Wala akong masabi dahil alam ko namang hindi siya titigil. "He's studying at RIS, the rival of CIS. Sanaol! Di mo lang alam, may nagtatanong tungkol sa'yo sa IG comments niya," patuloy niyang sabi habang sinusundan ako. Kumunot ang noo ko habang patuloy na hinahanap ang libro. As far as I remember, dito ko iyon huling nakita. Kailangan ko ito dahil malapit na ang long quiz namin, at wala akong balak magpahuli sa pagrereview. "...Kahit doon sa IG post na hindi naman related sa’yo, they’re still asking about you," dagdag pa niya, hindi talaga maka-move on. Napabuntong-hininga ako habang inaayos ang shoulder bag ko and fixed my two books sa braso. Lumingon ako sa kanya at kita kong nakataas pa ang kilay niya habang tuloy ang pag-stalk sa IG ng lalaki. "He accepted your follow request?" tanong ko, bahagyang nagulat. Tumango ito, parang proud pa sa nagawa niya. Ang bilis naman. "Shemz! Sikat pala siya! Tapos nalilink kay... di ko siya kilala. Pero wait, parang familiar siya sa akin. Saan ko nga ba ito nakita?" bulong niya habang patuloy ang pag-scroll. Huminga ako ng malalim. Ayan na naman siya. Kaya hindi siya nakakapag-concentrate sa pag-aaral eh, puro chismis at social media ang inaatupag. "Stop talking about them. Kaya pati ikaw nastre-stress kapag may issue sa social media. Lalo na kapag may trending," pangaral ko sa kanya, hoping na tatantanan na niya ang topic. Nakita ko ang pagsimangot niya bago ako tinalikuran. Pero kahit hindi na ako pinansin, sinusundan pa rin niya ako habang may binubulong-bulong. And finally, nakita ko na rin sa wakas ang libro. Napangiti akong hinawakan ito at dinala papunta sa librarian. Matamang tiningnan niya ako bago tinanggap ang libro. Buti na lang at pinayagan akong hiramin ito. Matapos kong sulatan ang logbook at maglagay ng signature, lumabas na kami ng library. Medyo maingay na sa labas—marami ng estudyanteng nagkalat. Dismissal na rin kasi sa oras na ito. Medyo maaga dahil Wednesday, P.E. day. Hindi na kami nagpunta sa gym dahil alam naming punuan na naman doon. Doon nagtatambay ang ibang students, lalo na ang mga babae, para manood ng basketball players na nagpa-practice. Tapos after nila, may volleyball naman. "Saan tayo ngayon?" tanong ni Noémie habang sumasabay sa akin. "Di ko alam. Baka magbabasa ako mamaya. Advance study," sagot ko, kaswal lang. Napasinghap siya sa inis. "Ano ba naman yan! Matagal pa naman yun! Enjoy muna tayo, Cly. Grabe ka naman! Let’s relax first before studying again. You know, balance-balance din pag may time," sermon niya. "I can't. I'm not smart, Noémie, like you," sagot ko habang inirapan siya. "Ako? Me? Smart? Crazy! Kailan pa ako naging smart? Baka delulu, pwede pa yun!" she fired back. "Uwi na lang tayo," mungkahi ko. Mabilis tumaas ang kilay niya, tila hindi makapaniwala. "Na-ah! Gagala tayo today. As in today!" tila final answer na niya, sabay turo pa sa lupa, as if may pinapanindigan siyang panata. Napakamot na lang ako sa ulo. "Sige, sige," pagsusuko ko, sabay kumpas ng kamay sa ere bilang tanda ng pagsuko. Pero halos atakihin ako sa puso nang bigla siyang tumili! Napahawak ako sa dibdib sa gulat. Kahit nasasanay na ako na titili talaga siya kapag masaya, nagugulat pa rin ako sa lakas nito. Pumwesto siya sa likuran ko at walang pasabing itinulak ako papunta sa gate. Parang bata—excited at walang pakialam kung halos matapilok na ako sa bilis ng lakad niya. Pagdating namin sa gate, agad naming binati ang guard. "Hi, Kuya Guard!" sabay naming bati, halos sabay pang kumaway si Noémie. Ngumiti naman si Kuya Guard, pero bigla siyang natigilan, tila may naalala. "Teka lang, may nagpapabigay sa'yo, Miss Santos," aniya, sabay dukot sa ilalim ng mesa. Kumunot ang noo ko at napahinto kami ni Noémie habang pinagmasdan siyang may hinahanap. Ilang saglit lang, inilabas niya ang isang maliit na paper bag na may eleganteng ribbon. Mas lalo akong naguluhan, pero si Noémie? Aba, parang nanalo sa raffle! "Oh-em-gee!" pumalakpak pa siya sa tuwa at siya na mismo ang tumanggap nito bago ko pa man maisip na tanggihan. Inamoy pa niya ang paper bag bago niyakap na parang bata na nakatanggap ng laruan. "New admirer unlocked!" masaya niyang anunsyo na parang may achievement akong dapat ipagdiwang. Umirap na lang ako at iniwan siya sa tabi. Walang lingon-lingon akong lumabas sa back gate at dumiretso sa sidewalk. Ramdam ko namang sumunod siya sa akin pero patakbo na, halatang hinahabol ako. "You're really heartless, Cly," hingal niyang reklamo nang makasabay ulit sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya, walang balak makipagtalo. Samantalang siya, busy sa pag-usisa ng bagong regalo ko mula sa new secret admirer kuno. Siya ang nagsabi niyan hindi ako. Paladesisyon talaga! "Galing kay Raoul, yung team captain ng Makati University," namamanghang balita niya, parang may world-breaking discovery. Napakunot ang noo ko. Raoul? From Makati University? Sino na naman ‘yon? Wala akong idea kung sino siya. "Grabe! Moreno yun, chinito, tapos matangkad din. Pack na pack! He can even beat our team captain. Oh my gosh! Kinikilig ako! Bagay kayo, Cly! I'll ship both of you starting today. Kasi ‘di ko pa nga kayo shini-ship ni Captain, lubog na lubog na!" daldal niya na nagday-daydream na naman. Habang naglalakad kami sa sidewalk, patuloy lang siyang nagsasalita tungkol kay Raoul—kung gaano ito kapogi kahit sa pictures pa lang. "Baka filter lang ‘yan," deadma kong sagot. "Heh! Anong filter? Mas hot pa nga raw ‘yon sa personal!" aniya, parang naiinis na sa akin. "Asus! Baka nga isa siya sa mga ‘He doesn’t look like that in person’ na sinasabi mo," sagot ko, sinabayan pa ng irap. "Hoy! I never said that!" "Sinabi mo ‘yan noong nakita mo sa personal yung crush mong taga-Ateneo," pang-aasar ko. "Wala akong crush sa Ateneo!" Nagpatuloy lang ang asaran namin hanggang sa marating namin ang waiting area. Buti na lang, hindi pa rush hour, kaya hindi kami gaanong nahirapan sa pila. Tamang-tama lang na natigil ang usapan namin nang may biglang huminto sa harapan namin—isang BMW. Mabilis akong lumingon kay Noémie, sinisidlan ng duda ang tingin ko sa kanya. "May sugar daddy ka na?" siningkitan ko siya ng mga mata. Nanlaki ang mata niya at mabilis na umiling, para bang gulat na gulat sa tanong ko. "Hala! Oo, mahilig ako sa mayayaman, pero I have no plan to have a sugar daddy! I can spoil myself!" sagot niya, sabay hampas sa braso ko. Umirap ako at humarap sa BMW na nakaparada sa gilid namin. Sino namang kilalang tao ang gawing parking lot ang waiting area? Nasaan ba ang traffic enforcer? Dapat sinisita niya ito eh. Maling-mali ang ginawa niya. "Eh, kanino ‘yan? Tayong dalawa lang naman nandito sa waiting area." Tinuro ko ang sasakyan, sabay lumapit nang bahagya para silipin ang loob. Nag-aalangan akong kumatok sa bintana o sumilip sa tinted window. Pero bago ko pa magawa ang kailan kong gawin, si Noémie na mismo ang gumawa nito. Lumapit siya sa bintana na parang detective, halos dumikit na ang mukha niya sa salamin. "Tinted car, Cly. Sino ba ‘to? Imposibleng sug—ouch!" Napasinghap ako nang biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at tumama nang malakas sa kanya. Napaupo siya sa kalsada, hawak ang siko, habang ang lalaking lumabas ay walang pakialam at nakatingin lang sa amin na parang kami pa ang may kasalanan. Nakatitig ako sa kanya, lalo na makitang tinaasan lang ako ng kilay niya. "What?" Malditang tanong ko, nakapamewang na. Gumalaw ang kamay niya papunta sa tenga. "Are you not going to apolo—" "She's in front of me, sir." "—gize what did you —" "Copy, sir." "—do to my fr—"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong binuhat na parang sako ng bigas! "Aah! Ano ba?!" Napasigaw ako, nagwawala sa braso niya. Mabilis kong sinubukang sipain siya pero mahigpit ang hawak niya sa legs ko. Sa isang iglap, naipasok na niya ako sa loob ng sasakyan at isinara nang malakas ang pinto. "Buksan mo ‘to! Ahhhh! Help!" I tried to kick the door pero sumakit lang ang paa ko. Mabilis akong lumapit sa bintana at pinaghahampas ko ito, umaasang may makakarinig. Pero ang walanghiyang lalaki? Deadma. He just give me a look like bahala ka dyan. I tried to open the door pero pinigilan niya ito. Nakahawak din siya at hinarang ang sarili para hindi ako makalabas kahit na di ko nga mabuksan ang pinto ng kotse. "Noémie! Tulungan mo ako. Dial a police number!" Pinagsusuntok ko ang window just to give her a signal. Na nasa loob na nga ako, still alive. "Noémie! Noémie!" I scream her name for help. Nakita ko kung paano sinubukang tumayo ni Noémie. Hinampas niya sa leeg ang lalaki gamit ang dalawang libro na kinayuko nito at tinulak papalayo si Noémie. Noémie tried to reach his hair and sinambunutan niya ito bago naisara ng lalaki ang pinto ng shotgun. Malakas niyang hinampas ang bintana pati na rin ang side mirror dahil sa pagka-inis. "Noémie!" Parang natauhan naman siya at mabilis lumapit sa bintana kung nasaan ako. Pero bago pa siya makalapit ulit sa akin, may narinig akong click. LOCKED. Mabilis akong napalingon dun. Nanlaki ang mga matang may kasama siya na nasa driver seat at siya ang walanghiyang naglock. Bago pa ako matauhan ay may nagtakip sa ilong ko ng isang panyo. Yung kasama niya! The guy who treated me like a sack. Napasinghap akong may naamoy akong kakaiba. Sinubukan kong labanan ito pero di ko kinaya. "Mhhmmp." Pinagpapalo ko ang kamay niya. Sinubukan kong labanan, pilit akong nanlaban, pero wala, unti-unti nang dumilim ang paningin ko. Ang lakas ng ginamit nilang pampatulog sa akin. I can't... I can't believe I'm being kidnapped using BMW. B.M.W! BMW car! Pati ba naman sa pagkikidnap dapat upgraded na rin?! Ipinagmukha nila sa akin kung gaano ako kahirap. Kailangan ko bang magchange career? What's happening on earth?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD