《First Day at School》

3002 Words
Angela’s POV “Nandito na po tayo sa ating patutunguhan señorita, Royal Elites University.” ang sabi sakin ng tsuper ko. Unang araw ko dito bilang isang college student, hindi ako nagkaroon ng sapat na panahon na makipagkaibigan noong high school pa ako dahil nahihiya pa ako lumapit sa mga tao. Kailangan kong magbigay ng mabuting impresyon at makipagkaibigan sa lalong madaling panahon. Mahirap magkaroon ng kaaway dito sa unibersidad lalo na at mayayaman lahat ng mga nasa unibersidad na to. Ang yaman ng pamilya ko ay nasa parehong antas o mas mababa pa sa kanila kung ihahambing. [Bell Rings] “Maligayang pagdating sa Royal Elites University, lahat kayo dito sa paaralan na ito ay nakatadhana upang maging isa sa mga pinakamahusay kung hindi ang pinakamahusay na mga estudyante hindi lang dito sa bansa natin kundi sa buong mundo. Ang mga pumapasok dito ay mga taong kamangha-mangha sa ating bansa, mga CEO ng mga kumpanya, at mga lider ng ating bansa sa hinaharap. Kayo ang mag aangat at magdadala ng kabutihan at kaunlaran sa ating bansa. Gusto kong ipakilala niyo ang mga sarili ninyo” sabi ng teacher. “Hi guys! Ako si Trisha Aquino, isa akong model, ako ay matalino lamang at hindi ako isang henyo. Sana hindi ko kayo mabigo at inaasahan ko rin na maging kaibigan ang bawat isa sa inyo” [Patuloy na pagpapakilala ng mga estudyante] Angela’s POV Lahat sila dito ay pormal at para sa akin ay hindi sila nagbibigay ng mabuting impresyon, nagpapakita lang talaga na sila ay mga anak ng mayayaman dito sa bansa, Malapit na pala ang pagkakataon kong ipakilala ang sarili ko kaya maghahanda na ako. “Susunod, Angela DelaTorre” sabi ng teacher. “Kamusta! Ako si Angela DelaTorre, maari niyo rin akong tawaging Gelai kung nais niyo. 18 taong gulang na ako at inaasahan kong maging kamag-aral ninyo, sana magkasundo tayong lahat.” [Patuloy na pagpapakilala ng mga estudyante] “Susunod ay ang mga kalalakihan” sabi ng teacher. “Hi! ako si Paul De Castro, anak ako ng prinsipal ng unibersidad na ito. Nilalayon kong pangunahan ang klase na ito sa kahusayan.” "Uyy diba ang gwapo niya? tapos anak pa ng prinsipal? Gusto ko siya!" pabulong ng mga kaklase ni Angela. Angela’s POV Biglang may pumasok sa classroom namin, lalaki siya, mahaba at itim ang buhok at siya ay matangkad rin at mukhang mayaman talaga. “Ako si Grayson Blake, 18 taong gulang. Nice to meet you” "Blake? Siya ba yung kaisaisang tagapagmana ng mga Blake?" Ang pamilya ng mga Blake ang nangingibabaw at nagmamayari sa lahat ng mga nangungunang brands sa lahat ng industriya dito sa bansa, Narinig ko rin na mula nang siya ay naging bahagi ng kanilang kumpanya ay dinoble niya ang pera ng kumpanya. [Huling pangkat ng mga estudyante na nagpapakilala sa kanilang sarili] “Salamat sa pag papakilala niyo sa sarili niyo, maaari kayong mag almusal o kumain sa ating cafeteria, magsisimula ang klase mamayang 10 am siguraduhin niyong pumunta dito bago ang bell” sabi ng teacher. Angela’s POV Nag-agahan na ako kanina kasama si Dad, titingnan ko lang kung ano ang meron sa cafeteria namin. Sana masasarap ang pagkain nila doon. [Cafeteria] Angela’s POV Magarbo nga! Sa katunayan, ito ay mukhang isang marangyang restawran, tahimik at malinis din ang paligid hindi katulad noong high school ako na sobrang gulo, nagsisiksikan ang mga estudyante at ang dumi pa ng paligid. Tingnan nga natin kung ano ang mga pagkain nila, steak, pizza, burger, french fries, salad, chicken wings. Lahat sila mukhang masarap at mga paborito ko rin to. “Ate isang french fries at tubig” sabi ko sa lunch lady ng cafeteria. “Sige hija, eto ang table number mo. Ipapadala ko ang pagkain mo sa table mo kapag naluto na” sagot ng lunch lady. “Thank you po”. Punong-puno ang cafeteria ngayon, nandito ang halos lahat ng mga ka batch namin...wala namang bakanteng upuan...Meron isang tao na nakaupo at mag isa dun, Teka! si Grayson yun ah?? No. no. no. Angela ano ba iniisip mo? Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kin ngunit bakit dinala ako ng mga paa ko papunta sa table ni Grayson... “Pwede ba akong umupo dito?” nakakahiya ito, hindi kami close ni Grayson. Ay suplado hindi man lang ako pinansin, makatingin sakin parang sakanya ang table nato ah. Sayang pogi pa naman siya at type ko rin siya, pero mas mabuti nalang siguro na umupo nalang ako dito at wag ko na siyang gambalain pa, mapanganib siyang tao. “Sige, kukunin ko iyon bilang isang oo” sabi ko kay Grayson. Kung iisipin, ito ang unang beses na makita ko siya sa malapitan. Ang pogi niya pala talaga. Hoy Angela! Ano naman yang sumasagi sa isip mo! “Ma’am, narito na po ang french fries niyo at tubig” sabi ng waiter sa akin. “Salamat po” sagot ko sa waiter sabay bigay sakanya ng tip. Grayson’s POV Maganda at cute siya hindi ko ipagkakaila yan, pero ang ganda ay hindi sapat upang maakit mo ako. Angela DelaTorre, interesado ako sayo at nakukuha mo ang pansin ko, pero milya pa ang layo ng lalakarin mo para mainlove ako sayo at paalala ko lang na naglalaro ka ng apoy. [Bell Rings] “10:00 am na pala hali kana Grayson sabay na tayo” sabi ko kay Grayson. “Mauna kana” sagot niya sa akin. Angela’s POV Edi wag! ako na nga itong nagpapakababa ng pride ko para sayo para lang maging magkaibigan tayo tapos ganun sasabihin mo? Hay nako Grayson nakakagigil ka! “Okay class, ang taong ito ang unang taon ng pag-aaral sa unibersidad. Ang pangkat na may pinakamataas na class average sa bawat semester sa kanilang preliminary, midterm at final na exam ay mabibigyan ng pagkakataon na makapunta at bumisita sa Las Vegas. Magkakaiba ang mga lugar na pupuntahan at bibisitahin ng mga pangkat na may pinakamataas na class average sa bawat semester. Good luck! Naniniwala ako sa inyo. Ito ang mga patakaran at regulasyon ng ating paaralan: No Bullying – Ano mang uri ng bullying ito man ay pisikal, mental o emosyonal ay makakatanggap ng parusa. Tatlong araw ng suspension para sa unang pagkakasala, sa ikalawang pagkakasala ay pitong araw o isang linggong halaga ng suspensyon, at kapag ang gawain ay naulit sa pangatlong beses ang sinasabing “bully” ay papatalsikin sa paaralang ito. No going out after 10:00 pm – Lahat kayo dito ay binibigyan ng paaralan ng sarili niyong dorms, malaya kayong gawin kahit ano ang gusto niyo sa loob ng apat na taon ng inyong pananatili dito sa unibersidad, pero walang sinuman ang pinapayagan na lumabas sa kanilang dorms pagpatak ng 10:00 pm. No cheating – Walang pandadaraya ang magaganap dito, kapag ikaw ay nahuli na nandadaraya sa kahit ano mang pagsubok ito ay maitatala bilang zero.” anunsyo ng teacher. [Principal's Office] “Natugunan na namin ang inyong kahilingan sir” sabi ng staff. “Sigurado na ba kayo? Iyan na ba ang pinakamahirap na antas ng mga tanong na magagawa niyo?” sagot ng prinsipal. “Oo sir, ginawa namin lahat ng mga makakaya namin upang pahirapan ang mga katanungan hangga’t maari upang matugunan ang inyong kinakailangan” sabi ng staff. “Good, ilagay mo ang key answer sa test sa aking lamesa” sagot ulit ng prinsipal. “Naiintindihan sir” sagot ng staff.- Knock... Knock... Knock... “Pumasok ka” sabi ng prinsipal. “Dad nandito na ako, bakit niyo po ako pinatawag?” tanong ni Paul sa kanyang ama. “mangyaring umalis ka muna sa opisina at bigyan kami ng ilang oras upang talakayin ang isang personal na bagay?” sabi ng prinisipal sa staff. “Opo sir” sagot naman ng staff. “Gumawa ka ng isang tala ng kaisipan tungkol dito bago matapos ang tanghalian” sabi ng ama ni Paul. “Ano to dad?” isang tanong upang ma kumpirma ni Paul na baka tama ang hinala niya na ito ay key answers sa isang pagsusulit. “Key answers sa pre-test mamayang hapon 1 pm, siguraduhin mo na makakabisado mo lahat yan, dapat ikaw ang manguna sa lahat. Naiintindihan mo ba ako?”. “Yes dad, hindi kita bibiguin” sagot ni Paul sa kanyang ama. “Wag nang puro satsat! Gawin mo nalang ang trabaho mo!” may galit na pagkakasabi ng kanyang ama. Umalis si Paul sa opisina ng kanyang ama. Prinsipal’s POV Dapat lang na ikaw ang manguna sa kanila, hanggang ako ang prinsipal sa paaralang ito ikaw ang mangunguna sa lahat. Gagawin ko lahat ng makakaya ko at sa maabot ng aking kapangyarihan sa paaralan na ito, aapakan ang dapat maapakan. Ikaw ang anak ng Principal kaya dapat ikaw ang number one palagi. Winning is everything sa mundong ito, at kung mahina ka wala kang mararating sa buhay. [Classroom 1-A, 1:00 pm] “Class mayroon tayong pre-test, bibigyan kayo namin ng isang oras upang tapusin ang test. Ang test na ito ay hindi makakaapekto sa inyong mga marka ngunit itatala namin. Sa test na ito malalaman namin kung gaano na ba kalalim ang nalalaman niyo tungkol sa ating mga aralin sa iba’t-ibang mga paksa. Kumuha ng isa at ipasa sa likod, Good luck!” [2:00 pm] “Tapos na ang oras, itaas ang mga ballpen at ipasa ang inyong mga papel sa harap, ang resulta ay isisiwalat mamayang 4:00 pm” Angela’s POV Ang hirap ng test, Sa aking palagay ay 92 hanggang 94 sa 100, ang hirap kasi ng binigay nila. Ngayon na naisip ko ito noong sumasagot ako, ang pogi talaga ni Grayson kapag sumasagot siya sa mga tanong. Grayson’s POV Ano ang problema ng babaeng ito? Kanina pa siya tumititig sa akin ng mabuti ah, ugh.. mga babae talaga ngayon ay kakaiba pero cute. Tititigan ko rin siya para malaman niya na alam ko na tinititigan niya ako. Angela’s POV Bakit siya nakatitig ulit sa akin? Nalaman niya ba na tinititigan ko siya? Angela lagot ka talaga bakit kasi tinitigan mo pa siya. “Bakit tinititigan mo ko? Kanina kapa ha” sabi ni Grayson kay Angela. “Hindi ako tumititig sayo” sagot ni Angela. Talagang nakita niya ako kanina na tumititig sa kanya, nako po. “Crush mo ako noh? Pasensya na but I am not available” sabi ni grayson sabay may ngiti. “Hoy kapal ng mukha mo ha, kala mo kung sinong pogi ka. May pa "Pasensya na but I am not available" kapang nalalaman diyan” sabi ni Angela kay Grayson. Ano ba ang problema ng lalaking ito? Nababaliw na ata siya! Sarap sampalin ng mukha niya, walang hiya ka talaga Grayson! [4:00 pm] “Nandito na ang resulta ng inyong test” sabi ng teacher. Sinasabi na ng teacher kung ano ang resulta nila mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na score. “ika-4 na puwesto ay si Trisha Aquino na may 92 sa 100 na puntos” sabay palakpakan ng mga estudyante “ika-3 na puwesto ay si Angela DelaTorre na may 94 sa 100 na puntos”. Angela’s POV Sabi ko na nga ba eh 92 hanggang 94 sa 100 ako. “ika-2 na puwesto ay si Grayson blake na may 99 sa 100!” Angela’s POV Ang talino talaga ni Grayson, hindi na ako magdududa sa kanyang talino obvious sa resulta ng test na matalino siya, pero kung 99 sa 100 ay second ang ibig sabihin niya ay. “Paul De Castro nakamit ang 100 sa 100 na puntos, Wow! Binabati kita Paul isang magandang start sa college career mo” sabi ng teacher. “Salamat po, hindi naman po, nagkataon lang na tama yung mga hula ko sa ibang tanong” sagot ni Paul. Bulong ng mga kaklase ni Paul “Imposible! Pre-test palang to....Nangangahulugan lang na kabisado na ni Paul De Castro lahat ng mga lessons..." Grayson’s POV Sapat na ang kailangan kong ebidensya sa ngayong araw at oras sa silid-aralan na ito, si Paul De Castro ang nag-iisang kalaban ko para sa number one na position. Kailangan ko siyang talunin kahit ano ang mangyari. [Principal’s Office] “Salamat Dad! Sabi ko na nga ba tutulungan mo ako eh, akalain mo yun na perfect ko ang pre-test namin. Iisipin nilang lahat na sobrang layo na ang nalalaman ko sa mga aralin namin” sabi ni Paul. “Tumahimik ka” sabi ng kanyang ama. “Dad?” tanong ni Paul dahil hindi niya maintindihan bakit nagagalit ang kanyang ama. “Sabi ko TUMAHIMIK ka! Bantayan mo nang mabuti yang si Grayson Blake na yan, Nagawa niyang makuha ang 99 sa 100 na walang kodigong ginamit hindi katulad mo. Banta siya sa career mo dito”. Babala ng kanyang ama. “mag-iingat ako Dad” sabi ni Paul sabay labas sa opisina ng kanyang ama. [Classroom 1-A, 5:00 pm] “Dito na natin tatapusin ang araw class, pwede na kayong mag simulang bumili ng inyong mga pangangailangan katulad ng pagkain, kagamitan para sa pag-aaral, hygiene, skin care at kahit ano man diyan na kaya niyong bilhin. Good bye class!” sabi ng teacher. Lahat ng mga estudyante ay dahan dahan na lumabas sa silid-aralan. Angela’s POV May mga dorms kami, nasa room 104 ako. Kailangan ko muna mag lista ng mga kailangan ko sa kwarto ko □ Skin Care □ Hygiene Stuff □ MacBook Pro □ iPad Pro □ Notebooks □ Pens □ Extra Pillows □ Slippers □ Snacks □ To be cooked foods Grayson’s POV Ano ba ang kailangan ko? Kailangan ko ng mga gamit at pagkain, hindi ako marunong magluto, hayss sana pinag-aralan ko yung pagluluto. Kung sabagay pwede naman akong mag order [Grocery Store, 6:00 pm] “Ano ang ginagawa mo dito?” tanong ni Angela. “Yan din dapat ang tanong ko eh!” sagot ni Grayson. “Bumibili ako ng pagkain para sa dinner ko, bakit may problema ka?” sagot ni Angela. “Bumibili ng pagkain? O palihim mo akong sinusubaybayan? Sabi ko naman sayo hindi ako available!” sabi ni Grayson. Sinampal ni Angela si Grayson sabay sabi “Yan dapat mapala mo sira ulo ka pala eh” pagalit na sabi ni Angela kay Grayson. Grayson’s POV Pagkakataon ko na to, worth it ang sampal niya sakin sa mukha kahit masakit. Pababayarin ko siya sa pamamagitan ng pagluto para sa akin mamayang gabi. “Sira ulo? Tingnan natin sino ang masususpende kapag sinumbong ko na may sumampal sa akin” sabi ni Grayson. “Sandali! Sorry na, ikaw kasi eh akala mo kung sino kang gwapo....Sorry na!” sabi ni angela sa takot na ma suspende siya. “Sorry? Hindi sapat ang sorry, bayaran mo ako” sabi ni Grayson. “Bayaran? Magkano?” tanong ni Angela. “Hmmmm….Papuntahin mo ako mamaya sa room mo at magluto ka sa akin ng dinner, hindi ako marunong mag luto” sabi ni Grayson. Angela’s POV Seryoso ba siya? Kaming dalawa sa kwarto ko? Ano ba ang iniisip niya? “Dinner lang ha, pagkatapos mong kumain umalis ka kaagad dahil may gagawin pa ako sa kwarto ko” sabi ni Angela. “Sige, ayos!” sabay kindat kay Angela. Angela’s POV Teka lang kumindat ba siya sa akin? Nababaliw na ata tong lalaking to ah! [Angela's Room, 7:00 pm] “Dito kalang, magluluto ako ng dinner natin” sabi ni Angela. Grayson's POV Papano ako bukas? Napaluto ko siya ngayong gabi, pero paano bukas? Paano ako sa mga susunod na araw? Wala akong pasensya para maghintay sa delivery ng pagkain kaya hindi ako mag-oorder. Bahala na, pupunta nalang ako dito bawat gabi at pilitin siyang magluto para sa akin, kapalit ay babayran ko siya ng doble. Hayss, hindi ako makapaniwala na ginagawa ko to. “Eto oh rib eye medium rare steak at isang cup ng java rice at isang bowl ng sabaw. Hindi ko alam kung ano ang gusto mong inumin kaya eto tubig para walang problema” sabi ni Angela. “Salamat, magsisimula na akong kumain” sabi ni Grayson. “Ako din” sagot ni Angela. [After dinner, 7:30 pm] “Maaari kanang umalis, may gagawin pa ako dito” sabi ni Angela. “Salamat sa dinner aalis na ako, bye!” sagot ni Grayson kay Angela. May pag ka taos-puso yung “salamat” niya ha. Oo nga pala, nakalimutan ko aayusin ko pa pala yung dorm ko! [10:00 pm] Grayson's POV Paul De Castro......Matalino kaba talaga? Dahil kung oo, may malaking problema ako. Hindi ko rin maalis sa isip ko na anak ka ng prinsipal, na pwedeng nakatulong sayo upang ma perpekto mo ang pre-test kanina. Hindi pa ako sigurado sa ngayon, pero malalaman ko rin kung ano ang tinatago mo Paul De Castro. Phone Notification From: Teacher Date: July 17, 2021 10:05 pm Message: Prepare the following tomorrow: □ Survival Kit □ Sarili □ Partner (classmate) Be at the school facade at 6 am. STRICTLY don't be late. Goodnight! Phone notification: 27 new messages Grayson's POV ......Halos lahat niyaya ako upang maging partner maliban kay....Angela, Trisha at Paul. Isang bagay nalang ang natitirang pwede kong gawin. Phone notification: 1 new message Angela's POV Huh? From: Grayson Blake Date: July 17, 2021 10:15 pm Message: Partner tayo bukas Phone notification: 1 new message From: Angela DelaTorre Date: July 17, 2021 10:16 pm Message: Ok Grayson's POV Mas madali pa yun sa inakala ko. Angela's POV Ano ba ang gagawin namin bukas? Baka camping? Team building? Hindi ko alam kung ano. Ay oo nga pala nakalimutan kong basahin ang librong binili ko kanina….”My Classmate is a Billionaire” ang ganda ng title ng libro. [11:00 pm] Oras na para matulog ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD