《Paired Together》

3435 Words
[4:00 am] Angela's POV Oras na para maligo, kumain at maghanda ng aking mga gamit, kailangan kong maging handa para sa activity ngayong araw. Knock... Knock...Knock... Sino kaya yan? Bubuksan ko na nga lang ang pinto. “Yes po? Huh? Anong ginagawa mo dito Grayson?” tanong ni Angela. “Sinusundo kita, hindi ba obvious?” sagot ni Grayson. “Hindi mo naman ako kailangang sunduin, hindi na ako bata” sabi ni Angela. Angela’s POV Muntik ko nang makalimutan na siya pala ay ang nagiisang tagapagmana ng mga Blake, ang pinakamalaking kumpanya dito sa bansa. Sinundo ba talaga niya ako? Ano to ang pinasok kong gulo? “So? Kailan tayo aalis?” tanong ni Grayson. “Mamaya mga 5:15 am, kumain kana ba?” tanong ni Angela. “Oo” sagot ni Grayson. “Sandali nalang to tatapusin ko lang aalis agad tayo” sabi ni Angela. [5:15 am] “Tara na alis na tayo” sabi ni Angela. [School facade, 5:30 am] “Napaaga ata tayo Angela” pahiyang sinabi ni Grayson. “Kasalanan mo to eh! May pa sundo sundo kapang nalalaman tingnan mo tuloy ang aga natin dumating” sisi ni Angela kay Grayson. “Kasalanan ko pa? Ako na nga to ang nag magandang loob para sunduin ka tapos kasalanan ko pa? Pasalamat ka nga may poging sumundo sayo eh” sagot ni Grayson. “Ano ang sinabi mo?” tanong ni Angela. “Wala, mind your own business” sagot ni Grayson. “Bahala ka diyan mag-aaral nalang ako dito” sabi ni Angela. [6:00 am] “Maligayang pagdating sa unang activity ng school sa labas, sa palagay ko lahat kayo ay may mga partners na?” tanong ng teacher. “Opo, ma’am” sagot ng mga estudyante. “Ang unibersidad natin ay may maraming isla na pagmamay-ari, at isa doon ay ang gagawin nating lugar para sa unang activity natin sa labas. Since medyo malayo siya dapat maaga tayo para hindi masira ang schedule natin kaya maaga kayo namin pinapunta dito. Pagdumating na tayo sa isla doon ko na sasabihin ang mga patakaran sa activity natin. [Cruise ship, 6:15 am] “Dalawang oras nalang at dadating na tayo sa isla, kaya sulitin niyo na ang oras niyo para mag enjoy sa tanawin sa karagatan at ang magarbong karanasan sa cruise ship” sabi ng school facilitator. [8:05 am] Biglang nagkagulo ang mga estudyante sabay sabing “Ayun na oh! Nakikita ko na ang isla, anlaki at sobrang ganda!”. “Magtipon kayo lahat dito, ihanda ninyo ang mga sarili ninyo dahil sampung minuto nalang at dadating na tayo sa isla” sabi ng teacher. “Angela halika dito, malapit na tayo kaya maghanda kana” sabi ni Grayson. “Sige” sagot ni Angela. “Wag kang pabuhat sa akin okay?” tukso ni Grayson. “Wag karing magpabuhat!” sagot ni Angela. [Island 101, 8:15 am] “Magtipon kayong lahat dahil sasabihin ko na kung ano ang mga patakaran at regulasyon sa activity na ito” sabi ng teacher: ☆Lahat kayo ay dapat may survival kit, “Dapat meron kayo dahil nakalista yan sa requirements sa message ko kagabi” sabi ng teacher. ☆ Delikado ang isla, kailangan niyong maghanap ng sarili niyong pagkukunan ng tubig, pagkain at kailangan niyo rin magtayo ng inyong bahay-bahayan ☆ Kapag may nasaktan sa inyo, madidisqualify kayo at dadalhin kayo namin balik sa cruise ship para magpagaling. ☆ Meron kayong isang linggo upang makaraos sa islang ito. ☆Ang makakaraos ay may 125 puntos, at ang may mga sumusunod ay mabibigyan ng karagdagang puntos: ● Sobrang pagkain 25 points ● Disenteng bahay-bahayan 50 points Gamitin niyo ang oras upang magplano kasama ng mga partners niyo, pagpatak ng 9:00am magsisimula na ang activity “Kaya kong magsimula ng apoy at may alam rin ako sa pagtatayo ng bahay-bahayan”sabi ni Grayson. “Hanapan mo ako ng isda at ako ang magluluto” sagot ni Angela. “Sige” sabi ni Grayson. “Paano yung bahay-bahayan ano ang kailangan mo?” tanong ni Angela. “Kahoy syempre” sagot ni Grayson. “Kailangan natin munang masigurado na wala sa atin ang masasaktan, or else pareho tayong babagsak” sabi ni Angela. “Sige, kaya natin to” sagot ni Grayson. [9:00 am] “Nagsimula na ang activity! Go! Go! Go!” sigaw ng teacher. “Saan tayo papunta?” tanong ni Angela. “Tumakbo kalang at sundan mo ako, kailangan nating makalayo sa lahat hanggang sa maari para maiwasan natin magkaroon ng kaagaw sa pagkain, tubig at kahoy” sagot ni Grayson. [9:30 am] “Malayo naba tayo?” tanong ni Angela. “Oo malayo na, pero mas mabuti kung mas malayo pa ang tatakbuhin natin” sagot ni Grayson. “Hindi na ako makakatakbo Grayson, dahil sa lupain ng isla nadodoble ang paggamit natin ng lakas, kapag pinatuloy pa natin to at pinilit, mawawalan tayo ng lakas” sabi ni Angela. “Sige manatili ka dito, hahanap ako ng tubig, pagkain at kahoy para sa apoy at bahay-bahayan natin” bilin ni Grayson. “Unahin mo muna yung tubig, wag kang magalala sa pagkain, may dalawa akong canned foods dito. Gagamitin natin ang isa sa tanghalian at isa sa dinner” sabi ni Angela. “Sige makinig ka sa akin, maghahanap ako ng mga mapagkukuhanan ng mga kailangan natin, eto ang blazer ko gawin mong jacket. Wag kang magtangka na magkasakit dahil babalik pa ako okay?” sabi ni Grayson. Angela's POV Habang humahaba ang panahon na nakakasama ko si Grayson mas lalo ko siyang nakikilala. Akala ko sa una ay isa siyang bilyonaryong playboy pero hindi, kung meron man, siya ay isang mabuting tao. Natulog si Angela dahil sa pagod mula sa kanilang pagtakbo. [11:30 am] “Angela nandito na ako!” sigaw ni Grayson. “Nandyan kana pala? Pasensya nakatulog ako sa pagod ng pagtakbo natin” sabi ni Angela. “Nakahanap na ako ng mapagkukunan natin ng tubig at isda at nakakuha pa ako ng ilang kahoy, makakapagtayo ako ng pundasyon ng bahay-bahayan at makakapagsimula na rin tayo ng apoy” sabi ni Grayson. “Sige, simulan mo na ang apoy upang makapagluto na ako ng sausage” sabi ni Angela. “Wag! Wag mo munang lutuin yan, nakahuli ako ng isda para sa ating dalawa, hanggang sa maari wag mong sayangin ang pagkain at ipunin para sa sobrang pagkain na pamantayan sa activity” bilin ni Grayson. “Sige” sagot ni Angela. Sinimulan na ni Grayson ang pagsimula ng apoy, at sinundan ng pagluto ni Angela. “Sige mag tanghalian na tayo” sabi ni Grayson. “Ano ang susunod nating hakbang?” tanong ni Angela. “Lalakad tayo ulit, kailangan natin makalapit sa pinagkukuhanan natin ng mga kinakailangan para hindi masayang ang ating oras at lakas.” paliwanag ni Grayson. “Aalis tayo pagkatapos nito?” tanong ni Angela. “Hindi pa, aalis tayo mamayang gabi upang walang makakita sa atin” sagot ni Grayson. “Sige” sabi ni Angela. “Kukuha pa ako ng kahoy pagkatapos nito, manatili kalang at magisip dito kung ano pa ang pwedeng gawin” bilin ni Grayson. “Sige” sagot ni Angela. [3:25 pm] “Angela nandito na ako ulit, may sapat na akong kahoy para sa bahay-bahayan natin” sabi ni Grayson. “Ayos! Pero sa palagay ko mas mabuti na makakagawa tayo ng mga kagamitan, mas mapapadali ang paghuli mo ng isda kung may sibat kaysa naman sa mga kamay mo lang at liksi ang ginagamit mo, kailangan ko rin ng mga kagamitan para sa pagluluto para maluto natin ang pagkain ng maayos” mungkahi ni Angela. “Magsisimula tayo bukas pero sa ngayon maghihintay tayo” sabi ni Grayson. [5:05 pm] “Angela gising na! Lalakad na tayo” sabi ni Grayson. “Pasensya na nakatulog ako ulit” sagot ni Angela. [Near the River, 5:35 pm] “Sandali, may paparating na tao” babala ni Grayson. “Sino?” tanong ni Angela. “Shhhh! Tumahimik ka kung ayaw mong mahuli tayo dito” sabi ni Grayson. Grayson’s POV Paul De Castro….Hindi ko inaasahang ikaw pa ang makakahati namin sa aming pinagkukuhanan ng mga kinakailangan, kailangan naming mag-ingat dahil isa siyang banta para sa amin “Angela hali ka dito, wala na sila, pwede na tayong magsimula sa pagtatayo ng bahay-bahayan natin at maghanda ng ating pagkain” sabi ni Grayson. [8:00 pm] “Sawakas natapos rin natin ang bahay-bahayan! Akala ko hindi na matatapos to eh” sabi ni Angela. “Natin? Eh ako lang naman ang nagbuhat at nagtrabaho dito” sabi ni Grayson Grayson’s POV Seryoso ba siya? Lakas ng loob niya na gawin sakin to ah “Babae ako, sa tingin mo ba kaya ko ang magbuhat at gumawa ng isang bahay katulad mo? Pagluluto at gawaing bahay lang ang alam kong gawin, magpasalamat ka nga may nagluluto sa atin eh” sabi ni Angela. Grayson’s POV Sabagay, babae naman talaga siya at hindi niya kaya ang mag buhat ng ganun kabigat lalo, na at hindi siya yung parang body builder na babae. Eh ang liit liit niya eh. “Mag bihis ka nga! Hindi ako matutulog sa tabi mo kung puno ka ng pawis” sabi ni Angela. Angela’s POV A…..ang hot niya kapag pinagpapawisan siya, ano ba ang iniisip ko? Ako si Angela DelaTorre at tinatanggihan ko na maakit ako sa pawis ng isang lalaki [8:30 pm] Kumakain si Grayson na parang walang bukas dahil sa pagod. “Uyy! Dahan dahan naman, parang di ka anak ng billionaryo ah. Maka lamon ka parang nagutom ka ng ilang buwan” sabi ni Angela. “Ikaw kaya pagawin ko ng mga ginawa ko? Kahit sino pa ang gagawa ng mga ginawa ko ngayong araw ay magugutom rin sa pagod noh!” sagot naman ni Grayson. “Oo na, kumain kana diyan” [9:00 pm] “Matulog kana, mag-iisip pa ako ng mga susunod natin na hakbang para bukas” sabi ni Grayson. “Sigurado ka?” tanong ni Angela. “Oo, kaya mauna kanang matulog” sabi ni Grayson. “Sige, good night!” Grayson’s POV Kung tama ang nakita ko kanina, si Paul De Castro ay may mga kagamitan na… Pero hindi ako mapakali dahil hindi ito wooden tools, Ito ay metal at ginagamit niya upang mas mapadali ang kanyang pangangalap ng kanyang mga kinakailangan. Imposible, hindi kaya may nagbibigay sa kanya ng advanced tools para hindi siya mahirapan sa mga gawain at makuha niya ang mga karagdagang puntos ng madali? Ano ang sikreto mo Paul De Castro? Sino ang tumutulong sayo? Malalaman ko rin ang mga tinatago mo, kailangan at dapat kong malaman kung ano ang mga tinatago mo. Ginamit ni Grayson ang gabi upang makapagplano ng susunod nilang hakbang sa susunod na anim na araw at limang gabi. [11:45 pm] Grayson’s POV Grabe, sobrang tagal para makagawa ako ng plano, pagod na pagod na ang katawan at utak ko. Matutulog na nga lang ako. Cute si Angela kapag natutulog pala. (sabay ngiti) [5:00 am] Nagising si Angela Angela’s POV Nasaan si Grayson? Umalis ng maaga ang lokong yon ah. Magluluto na nga lang ako ng almusal, nagiwan siya ng isda dito kaya maghahanda ako ng pagkain para sa amin dalawa. “Kamusta kana dito?” “Okay naman ako dito, sa mga kagamitan na binigay mo sakin mas napadali ang pag navigate at pagngangalap ko ng mga kinakailangan ko para sa bahay-bahayan at pagraos namin ni Trisha dito sa aming lugar” sagot ni Paul sa lalaking hindi pa ipinakikilala. “Mabuti, nasa ikalawang yugto na tayo ng ating plano” sagot ng lalaki. “Oo, oras na upang masabotahe ang mga kalaban” sagot ni Paul. Paul’s POV Wawasakin ko ang bahay-bahayan niyo ng iyong partner Grayson Blake, ako ang aangat at ikaw ma malalaglag. Isa lang ang pwedeng maging top student at ako yan, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang makuha ko ang ninanais ko na perpektong marka. “Aalis na ako, baka may makakita pa sa atin dito at maging dahilan pa ng pagkapalpak sa ating mga plano” sabi ng lalaki. “Sige, mag-ingat ka” paalala ni Paul. “Ma-ingat ka rin, paalam” sabi ng lalaki. [Grayson and Angela’s camp, 9:00 am] Angela’s POV Wala parin si Grayson dito, huh? Nagsisimula na akong magalala para sa kanya? H-Hindi pwede, hindi pa pwedeng mahulog ang loob ko sa kanya. Hay nako, nasaan na kaya ang lalaking ito? “Angela! Nandito ako” sigaw ni Grayson. “Jesus Christ! Anong nangyari sa mukha mo? Bakit puno ng putik ang katawan mo?” tanong ni Angela na may kasamang pag-aalala para kay Grayson. “Mamaya na tayo mag usap, kakain muna ako at maliligo sa kabilang ilog na nakita ko kanina. Mahirap na baka makita pa tayo ng iba at mas maganda kung nagpapalit tayo ng pinagkukuhanan paminsan-minsan.” sagot ni Grayson. [After taking a bath, 9:45 am] “Ano ba ang nangyari sayo? Bakit pagod na pagod ka at puno ng putik ang katawan at mukha mo? Bakit ka kasi umalis bago ako magising” mga katanungan ni Angela. [Earlier, 3:00 am] Grayson’s POV Oras na para tuklasin ang mga tinatagong sikreto ni Paul De Castro. Gumagala-gala upang matagpuan ang bahay-bahayan nila ni Paul at Trisha [5:05 am] Grayson’s POV Nakita ko na ang bahay-bahayan ni Paul, pero may isang lalaking hindi ko makilala dahil sa takip sa kanyang mukha, sino kaya siya? “Kamusta kana dito?” “Okay naman ako dito, sa mga kagamitan na binigay mo sakin mas napadali ang pag navigate at pagngangalap ko ng mga kinakailangan ko para sa bahay-bahayan at pagraos namin ni Trisha dito sa aming lugar” sagot ni Paul sa lalaking hindi pa ipinakilala. “Mabuti, nasa ikalawang yugto na tayo ng ating plano” sagot ng lalaki. “Oo, oras na upang masabotahe ang mga kalaban” sagot ni Paul. “Aalis na ako, baka may makakita pa sa atin dito at maging dahilan pa ng pagkapalpak sa ating mga plano” sabi ng lalaki. “Sige, mag-ingat ka” paalala ni Paul. “Ma-ingat ka rin, paalam” sabi ng lalaki. Grayson’s POV Bwesit! Nasa putik ako at nasa mukha ko ang putik. Ako si Grayson Blake, ang kaisaisang tagapagmana ng mga Blake, ang kamangha-manghang perpektong mukha ko ay nasa putik…..Pero sino kaya yun? Alam ko na may tinatago si Paul at nakakapagtaka ang mga hakbang niya ngunit hindi ako makakapagbintang sa kanya na walang matibay na ebidensya. Dalawang pangyayari palang ang kaduda-duda kay Paul. Una, ang perkpekto niyang marka sa pre-test at pangalawa, ang advanced na mga kagamitan na binigay sa kanya ng hindi ko makilalang lalaki. Kung tama ang hinala ko ang paaralan na ito ay nakapabor kay Paul, may taong nasa likod sa kanya at tinutulungan siya sa kanyang mga gawain. [Back to Present, 10:05 am] “So may tumutulong kay Paul para makuha ang top spot?” tanong ni Angela. “Hindi ko makukumpirma yan, ang pahayag na yan ay isang haka-haka palamang. Pero hindi ako magbubulag-bulagan na parang walang nangyayari, may tinatago si Paul De Castro at malalaman ko rin kung ano yun. “May pabor din pala ako sayo Angela” sabi ni Grayson. “Ano?” tanong ni Angela. “Wag mong sasabihin kahit kanino ang mga haka-hakang pinag-usapan natin sa ngayon. Kapag nalaman kong kumalat to ang haka-haka ko, papatayin kita” banta ni Grayson. “Oo na, wag mo akong tingnan ng ganyan nakakatakot kana ha!” sabi ni Angela. “Mabuti, may isa pa akong tanong.” sabi ni Grayson. “Ano yun?” tanong ni Angela. “Sasamahan at tutulungan mo ba ako?” tanong ni Grayson kay Angela. “Saan?” tanong ni Angela. “Sa pag tuklas ng mga tinatago nina Paul De Castro at lahat ng korpasyon ng school administration” sagot ni Grayson. Angela’s POV Hindi ako sigurado kung paano ko sasagutin si Grayson, gusto kong matuto sa isang patas na paraan, ngunit natatakot ako na baka madamay ang pamilya ko. “T-tutulungan kita” sabi ni Angela” Angela’s POV Sana hindi madamay ang pamilya ko, sa aking palagay mas malalim pa ang korapsyon hindi lang dito sa paaralan kundi sa buong bansa din. “Mabuti, magpahinga muna tayo” Parehos silang nakatulog. [Grayson’s and Angela’s Camp, 11:45 am] Paul’s POV “Bingo! At last nalaman ko din kung saan kayo ni Angela, matalino ka talaga Grayson magkatulad tayo mag-isip, iniiwan mo rin pala ang partner mo kasi babae siya at mas madali silang ma injure. Tingnan natin kapag kinuha ko mamayang gabi ang lahat ng meron kayo” [Grayson’s and Angela’s Camp, 12:15 pm] “Kumain kana, matulog ka mamaya sa left side malapit sa mga kahoy at pagkain natin” sabi ni Grayson. “Hindi ba mas maganda kapag ikaw ang nasa tabi? Mahimbing ako matulog baka hindi ko mapansin na may nagnanakaw na ng resources natin” sabi ni Angela. “Hindi mo naman papabayaan ang resources diba?” tanong ni Grayson. “Syempre hindi! Kumain na nga lang tayo” sabi ni Angela. “Sige” sagot ni Grayson. [12:45 pm] “Dito ka muna babalik ako before dinner, kuha mo?” sabi ni Grayson. “Yeah, mag ingat ka baka ma papano ka at yan pa maging dahilan na ma disqualify tayo” paalala ni Angela. Umalis si Grayson na parang nagmamadali Angela’s POV Ano kaya ginagawa ni Grayson? Lumalabas siya ng matagal na panahon at bumabalik na may dalang isda para lang sa isang kainan namin at kahoy sapat para lang magsimula at magluto ng pagkain. Nakakapagduda kaya, sa unang araw humuli siya ng isda gamit ang kamay niya na parang wala lang, pero ngayon limang oras siya bago bumalik pero ang dala niya ay isda, kahoy at impormasyon lang? [Grayson’s and Angela’s Camp, 5:45 pm] “Nandito na ako Angela” sabi ni Grayson. “Bakit ang tagal mo?” tanong ni Angela. “Hindi masyado nagpapakita ang mga isda sa kinukuhanan ko, ilang oras ang lumipas para lang makahuli ako ng dalawang isda, isa para sayo at isa rin sa akin” sagot ni Grayson. “Okay, magsisimula na akong maghanda ng isda para sa dinner mamaya, mag pahinga ka muna mukhang marami kang pinagdaanan eh” sabi ni Angela. [6:45 pm] “Handa na ang dinner” sabi ni Angela. “U-Uhmm ano to?” tanong ni Grayson. “Pasensya na medyo na sunog yung isda, pero makakain panaman yan” sabi ni Angela. “Hindi naman parang “medyo nasunog” yung isda eh parang medyo na sunog sa impyerno sa kalahating oras ang isda” sabi ni Grayson. “Grabe ka! Hindi kaya sobrang sunog yung isda” sabi ni Angela. “Well as the saying goes, don’t judge the book by its cover” sabi ni Grayson. Tinikman ni Grayson ang isda…. “Sunog nga, hindi ako makapaniwala na nasunog mo yung isda, ano ba ang ginawa mo?” tanong ni Grayson. “Wala, nakalimutan ko lang talaga tingnan ulit ang isda” paliwanag ni Angela. “You had one job” sabi ni Grayson na may kasamang pagluluha. “Umiiyak kaba?” tanong ni Angela. “Syempre hindi, ibang level lang talaga ang galing ko sa pag arte” sagot ni Grayson. “Narcissitic mo talaga!” sabi ni Angela. “Matulog na tayo, masaya ang mangyayari bukas” sabi ni Grayson. “Huh? Bakit? ano ang mangyayari?” Tanong ni Angela. “Wala, basta matulog nalang tayo” sabi ni Grayson. [Grayson’s and Angela’s Camp, 10:15 pm] Paul’s POV “Oras na para sa ikalawang yugto ng plano” Ninakaw ang mga pagkain at giniba ang bahay-bahayan nila ni Angela. Paul’s POV Nagkamali ka ng plano Grayson Blake, ikaw dapat ang natulog katabi ng mga resources ninyo hindi si Angela. Tingnan mo naman siya, natutulog lang siya at wala siyang kaalam-alam kung ano ang trahedyang haharapin ninyo bukas…..Unti-unti kong gigibain ang bahay-bahayan ninyo para hindi ako mahuli…ito na ang katapusan ng pagtangka niyong makakuha ng perfect score sa activity na ito…. Evil laughs…..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD