《Double Trouble》

2653 Words
[8:00 am] “Grayson, gising!” sabi ni Angela. “Bakit? Anong meron? Teka?! Bakit wala na dito ang bahay-bahayan natin?! Nasaan na ang mga pagkain natin?” tanong ni Grayson. “Hindi ko rin alam, paggising ko ganito na ang paligid natin” sagot ni Angela. “May nag sabotahe sa atin, pero sino?” tanong ni Grayson. “Baka si Paul, sigurado kabang hindi ka niya na kita?” tanong ni Angela. “Hindi, hindi ko alam kung nakita niya ako o hindi..” sagot ni Grayson. “Ano na ang gagawin natin?” tanong ni Angela. Paul’s POV Akala mo maiisahan mo ako Grayson? Akala mo hindi ko alam na nakita mo ako na may kausap at narinig mo ang usapan namin? Ngayon magdusa ka, kayo ng kasama mo! “Samahan mo ako” sabi ni Grayson. “Saan?” tanong ni Angela. “Basta sumama ka sa akin tatakbo tayo ng mas malayo” sagot ni Grayson. Tumakbo ng tumakbo sina Grayson at Angela, malayo na ang natakbo nila at halos wala na ngang tao na malapit sa kanila. “Ano yan?” tanong ni Angela. “Ang tunay nating bahay-bahayan” sagot ni Grayson. “Pero….paano mo…” tanong ni Angela. “Alam kong isasabotahe tayo ni Paul, kaya sinadya kong hindi paglaanan ng pagod at oras sa pagpapalaki ng bahay-bahayan natin doon, ang ginawa ko ay tumakbo ako hanggang sa makita ko ang lugar na ito malayo sa ilog ngunit magandang lugar para pagtayuan ng bahay-bahayan. Nandyan nadin sa loob ang ginawa kong mga kagamitan para sa paghuli at pagluto ng mga isda” sagot ni Grayson. Angela’s POV Ginawa niya lahat yon? Nagawa niyang isahan si Paul pero ang dami ng trabaho na ginawa niya…..Hindi ko akalain na ganito siya ka talas mag-isip. “Hindi parin ako makapaniwala na inisahan mo si Paul” sabi ni Angela. “Sinadya ko rin pala na ipatabi ka sa mga pagkain natin at natirang kahoy, para mas kumagat pa siya sa patibong ko” sabi ni Grayson. “Ibang klase ka talaga” puri ni Angela sa kanya. “Syempre ako pa! Sino pa ba ang mas hihigit sa kapogian ko at talino ko?” puri ni Grayson sa sarili. “Lakas ng hangin ngayon noh?” sabi ni Angela. “Oo nga” sagot ni Grayson. “Sa sobrang lakas umabot na ata sa utak mo” sabi ni Angela sabay tawa. “Hoiii! Hindi ha! Mataas lang talaga confidence ko sa sarili ko” sagot ni Grayson sabay tawa na rin. Angela’s POV Tumawa siya? Ngayon ko lang nakita na tumawa siya. Sa aking palagay minsan lang siyang tumawa, ano kaya ang nangyari sa kanya? Parang may mali kasi sa mga mata niya eh, puno ng kalungkutan at galit. [9:30 am] “Hindi kaba aalis? Kukuha ng kahoy o kahit isda lang?” tanong ni Angela kay Grayson. “Hindi na muna bukas nalang, sapat na itong kahoy at isda na nahuli ko para sa araw na ito” sagot ni Grayson. “Wala tayong gagawin? Ang boring naman niyan” sabi ni Angela. “Kwento ka” sabi ni Grayson. “Ano ang ikekwento ko sayo?” tanong ni Angela. “Kwento mo buhay mo, makikinig ako pampalipas lang ng oras” sagot ni Grayson. “Sige, si Dad at Mom ay nagkakilala sa isang event. Si Mom ang isa sa mga waitress sa event at si Dad naman ay isang guest sa event. Nagandahan si Dad sa kanya kaya matapos ang event niyaya niya si Mom na kumain, doon nagsimula ang panliligaw ni Dad kay Mom. Okay naman sana sila eh, kaso ang mga tao ay hinuhusgahan si Mom dahil sa malayo ang estado ng buhay nila ni Dad, tinawag nilang gold digger si Mom. Nasaktan si Mom pati narin si Dad, tutol din sa kanila si Grandma sa kay Dad na side dahil hindi niya gusto na mapangasawa ni Dad si Mom dahil sa ganun nga, malayo ang estado nila sa buhay. Sinuway ni Dad si Grandma at nagpakasal sila at ako ang naging bunga ng pagmamahalan nila. Ako ang una at huli nilang anak, pinaaral ako ni Dad sa America noong elementary ako ngunit pinabalik ako dito noong high school at pinasok sa public school para daw matuto ako na makipagkaibigan sa mga tao. Hindi marami ang kaibigan ko halos wala nga eh, kasi tinuturi ako nilang freak o weirdo dahil sa iba ako sakanila, dahil hindi daw dapat ako nasa public school dahil mayaman kami. Naging counter-productive ang pag punta ko sa public school, hindi ganun kadami ang mga naging kaibigan ko. Kaya ngayong college, bumalik ako sa private school.” kwento ni Angela. [11:00 am] “Ikaw? Ano ang kuwento mo?” tanong ni Angela. “Wala, kumain na tayo” sagot ni Grayson. “Andaya mo naman! Kuwento ka mamaya pagkatapos natin kumain” sabi ni Angela.” “Narinig niya tayo, ngunit binalikan ko sila at kinuha lahat ng meron sila” sabi ni Paul. “Mabuti, natututo kana talaga mag-isip katulad namin ng iyong Dad aking mahal na pamangkin” sabi ng kanyang Uncle na siya pala ang tumutulong sa kanya upang mapadali ang kanyang buhay sa isang linggong survival activity at siya rin ang school facilitator ng paaralan sa activity na ito. “Kamusta si Dad?” tanong ni Paul. “Katulad parin ng dati, trabaho ang inaatupag at ginagawa ang lahat para maging top student ka dito” sagot ng kanyang Uncle. “Sige Uncle, bumalik kana baka may makahalata sa inyo” sabi ni Paul. “Sige mahal kong pamangkin” sabi ng kanyang Uncle. [Grayson’s and Angela’s Camp, 12:00 noon] “Sige na magkuwento kana Grayson” sabi ni Angela. Pilit niyang pinapakuwento si Grayson sa kanyang buhay. “Oo na, eto na” sagot ni Grayson na walang magawa kundi mag kwento upang matahimik si Angela sa pangungulit sa kanya. “Si Mom at Dad ay parehong walang puso, matapos akong niluwa ay parang sa isang taong kailangan nilang hubugin para maging perpektong tagapag mana ng kanilang ari-arian. 4 na taong gulang palang ako ay pinapaaral na nila ako ng iba’t-ibang wika katulad ng Spanish, English, Chinese, Japanese at Korean. Binigyan nila ako ng 2 months para makabisado ang isang wika, at doon ako nagsimulang magsikap at pilitin ang sarili na makabisado at maging bihasa sa pagsusulat at pagbabasa ng iba’t-ibang wika. Dahil kung hindi ko maabot ang kanilang kagustuhan ay hindi nila ako papatulugin sa kwarto ko at papatulugin lamang ako katabi ng mga aso. May kapatid sana ako pero matagal na siyang namatay. Ang buhay ko ay walang kulay, hindi katulad ng buhay mo na may pake sayo ang mga magulang mo.” Angela’s POV Hindi ko akalain na ganyan pala ka lalim ang sakit at lungkot na pinagdadaanan ni Grayson, namatayan ng kapatid at kinontrol para umangat kaysa sa iba. Masakit kung iisipin at yun din ang dahilan kung bakit lungkot at galit ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Yinakap ni Angela si Grayson at nagulat ito sabay sabi, “Anong ginagawa mo?” Sinagot siya ni Angela at sinabing “Niyayakap ka, kaya tumahimik ka diyan. Hindi dahil ganyan ang trato ng mga magulang mo sayo ay ganyan na rin ang itatrato ko sayo. Kahit sino man sa mundong ito ay may karapatang mahalin at may karapatang magmahal” “Wala akong karapatang mag mahal, naaalala mo paba noong sinabi ko sayo na hindi ako available? Hindi ako nagmamayabang, dahil simula bata palang ako ay pinipilit na nila ako sa isang babaeng hindi ko naman gusto dahil sa kapangyarihan at pera” sabi ni Grayson. “Ganun ba kahalaga ang pera para sa iyo? Na pipiliin mo ang magmahal ng taong hindi mo mahal para lang ma tugunan ang kagustuhan at mga ambisyon ng inyong pamilya?” tanong ni Angela. “Wala na akong magagawa” sagot ni Grayson. “Yan ay mga dahilan ng isang duwag” sabi ni Angela. “Hindi ako duwag! Palibhasa hindi mo kasi maiintindihan kung ano ang kaya nilang gawin” sagot ni Grayson. Angela’s POV Masakit pala talaga ang kanyang pinagdadaan, mas masakit pa sa inaasahan ko. Akala ko sa mga libro lang nangyayari ang mga ganitong bagay pero sa totoong buhay din pala. Grayson’s POV Unang beses akong niyakap ng isang babae, matagal ko nang pinaplano na lumaban sa aking mga magulang ngunit sadyang hindi ganun kadali patumbahin ang aming sistema. Mas lalo mo akong pinapabilib Angela, mas lalo akong nagkakainteres sayo. [2:00 pm] “Diyan ka muna, kukuha lang ako ng kahoy para may panggatong tayo bukas, kukuha narin ako ng isda kung mayroon akong makita para mas marami ang makain natin mamaya” sabi ni Grayson. “Sige basta bumalik ka ha at mag-iingat ka sa daanan” sagot ni Angela. [Paul’s and Trisha’s Camp] “Ibang klase ka talaga Paul, laglag na si Grayson at si Angela sa mga kalaban natin. Yan ang nagugustuhan ko sayo eh” sabi ni Trisha. “Ako pa” mayabang na sagot ni Paul. “Alam mo naman na gustong-gusto kita hindi ba? Simula noong mga bata pa tayo ay ikaw na ang gusto ko, ngunit hindi ka nagbigay ng pansin sa akin at mga hudyat na nagugustuhan mo rin ako. Hindi ko alam sino man ang laman ng puso mo Paul, sana lang ako ang mahal mo.” sabi ni Trisha. “Mahal ko ang sarili ko at mga ambisyon ko sa buhay, kung gusto mo akong samahan edi sumama ka, kung ayaw mo edi wag” sagot ni Paul. “Siyempre sasamahan kita” sabi ni Trisha. Paul’s POV Sasamahan? Wag na tayong maglokohan, alam ko na pera at kapangyarihan lang ang habol mo sa akin Trisha. Isa kang gold digger at hindi ko gusto na pinaglalaruan ako at binibilog ang ulo ko, kung gusto mong maglaro sige, maglaro tayo. Trisha’s POV Alam ko na alam mo Paul, binibilog ko lang ang ulo mo dahil sa utos sa akin ng ina ko. Kailangan kitang mapangasawa o kahit sino man na kasing yaman niyo o higit pa sa inyo. Kahit ano ang mangyari tutuparin ko ang pangako ko na iaahon ang aking pamilya mula sa problemang pinansyal na hinaharap namin sa kasalukuyan. [Grayson’s and Angela’s Camp, 4:00 pm] “Nandito na ako Angela, may dala akong kahoy na panggatong at isda” sabi ni Grayson. “Ang dami naman ng kahoy, sakto na to para sa dalawang araw na panggatong natin” sabi ni Angela. “Oo, sadyang dinamihan ko yan kasi bukas maglalakad tayo at babalikan natin si Paul” sagot ni Grayson. “Ano ang gagawin mo?” tanong ni Angela. “Tuturuan ko siya ng leksyon kung bakit hindi ako madaling talunin” sagot ni Grayson. “Ano ba gagawin natin?” tanong ni Angela. “Simple lang, sapat na para magsisi siya sa ginawa niya” sagot ni Grayson. Angela’s POV Hindi ko alam ang gagawin ni Grayson kay Paul, lalo na at hindi makatarungan ang ginawa ni Paul sa amin. Sa pagkakakilala ko kay Grayson hindi siya magpapatalo at maghahanap talaga siya ng katarungan. Hindi ko lang talaga alam kung gaano ka lala ang gagawin niya dahil kahit hindi niya sabihin sa akin alam ko na galit siya. [6:00 pm] “Kain na tayo Grayson, handa na ang pagkain” sabi ni Angela. “Sige kumain na tayo, saktong sakto gutom na talaga ako” sabi ni Grayson. “Kung ano man ang plano mo na gawin kay Paul, wag mo sana siyang saktan. Ipapaalala ko lang sayo na hindi ka pwedeng manakit ng kapwa mo estudyante dahil magkakaroon ka ng tatlong araw ng suspension” paalala ni Angela kay Grayson. “Wag kang mabahala, hindi ko siya sasaktan. Pagkatapos mong kumain matulog kana, bukas pagpatak ng araw aalis agad tayo” sagot ni Grayson. Grayson’s POV Tama ba to ang gagawin ko? Tama ba na gumanti ako kay Paul? Patawarin ako ng Diyos sa sabotaheng gagawin ko sa kanya bukas. Hindi ako matatahimik sa ginawa mo Paul De Castro, kayo ng mga tumutulong sayo na maging top student ka sa batch na ito. Hindi rin ako magbubulag-bulagan sa mga maling ginagawa ng ama mo sa university, dapat matigil na ang pang-aabuso ninyo sa kapangyarihan ninyo. [3:00 am] “Angela gising! Lalakad na tayo” sabi ni Grayson. “Sige, maglakad na tayo” sagot ni Angela Angela’s POV Habang naglalakad kami ni Grayson ay kinakabahan ako, baka may patibong na hinanda si Paul para sa amin. May nakita akong isang bahy-bahayan, kasing ganda ng aming bahay-bahayan, ito na ba ang lugar? Grabe halatang napili talaga ang lugar na ito para mapadali ang mga gawain ni Paul sa activity na ito. “Maghanda ka, malapit na tayo” sabi ni Grayson. “Okay” sagot naman ni Angela. Grayson’s POV Kinakabahan ako sa gagawin naming ganti kay Paul, pero huli na ang lahat nandito na kami at hindi na ako magdadalawang isip na mag sabotahe sa kapwa ko estudyante lalo na at hindi naman ako ang nanguna, buo na ang loob ko kaya humanda ka Paul. “Kunin mo lahat ng pagkain dahil ako ang gigiba ng bahay-bahayan nila ni Trisha.” Utos ni Grayson. “Sige ako na ang bahala” sagot ni Angela. Habang kinukuha nila ang mga pagkain at ginigiba ang bahay-bahayan nila Trisha at Paul ay nagising si Paul. “Ano ang ginagawa mo dito Grayson!” sabi ni Paul. “Kinukuha lang namin ang dapat ay sa amin Paul!” sagot ni Grayson. “Tarantado ka Grayson!” sigaw ni Paul sabay suntok kay Grayson. Naiwasan ni Grayson ang suntok ni Paul at sinuntok siya sa mukha at sinipa hanggang sa hindi na makabangon si Paul. Walang magawa si Trisha dahil sa takot na baka masaktan siya ni Grayson sa halip ay tinulungan niya itong makabangon. “Paul dadalhin kita balik sa cruise ship” sabi ni Trisha. “Wag! Kung dadalhin mo ako, madidisqualify tayo sa activity.” sabi ni Paul. “Pero hindi kita pwedeng iiwan” sagot ni Trisha. Walang nagawa si Paul dahil sa hina ng katawan dinala siya ni Trisha sa cruise ship at na disqualify sila. Habang tumatakbo sina Grayson at Angela pabalik sa kanilang bahay-bahayan tinanong ni Angela si Grayson, “Grayson bakit mo naman binugbog? Masususpende ka niyan!” sabi ni Angela na nagaalala para kay Grayson. “Self-defense lang yun, at wag kang magalala ako ang bahala sa council kapag pinatawag ako” sagot ni Grayson. Nagpatuloy silang tumakbo hanggang makarating sila sa kanilang bahay-bahayan. Principal’s POV Hayop ka Grayson Blake, pagbabayran mo ang ginawa mo sa anak ko, sisiguraduhin ko na ma sususpende ka! Gagawin kong impyerno ang buhay mo dito sa unibersidad na ito. Hanggang ako ang prinsipal ng unibersidad na ito, ang layunin ng school administration ay pahirapan ka Grayson Blake. Angela’s POV Natapos na ang araw na iyon, at lumipas narin ang mga araw at natapos na ang activity. “Pinupuri ko kayong lahat, nagawa niyong makaraos sa islang ito kaya kayong lahat ay binibigyan namin ng 125 na puntos. Lahat rin kayo ay may mga bahay-bahayan at sobrang pagkain. Samakatuwid lahat kayo ay nakatanggap ng 200 na puntos” sabi ng school facilitator “Bakit parang normal lang ang pagtrato nila sa atin? Siguradong alam na ng prinsipal ang nangyari kay Paul at dapat pinagiinitan ka na nila ngayon” sabi ni Angela. “Hindi pa ngayon, sa susunod na araw pa o bukas sila gagawa ng aksyon sa pagbugbog ko kay Paul” sagot ni Grayson. Grayson’s POV Kung akala niyo na ganun ako kadaling patumbahin, nagkakamali kayo. May alas pa akong tinatago. [Principal’s Office] “Handa na ba ang mga kailangan natin bukas?” sabi ng prinsipal. “Opo sir” sagot ng mga staff. Principal’s POV Humanda ka Grayson Blake, sisiguraduhin kong mapapahiya ka sa harap ng lahat ng estudyante bukas. Lahat ng mag-aaral ay makikita kung ano ang nagawa mo sa anak ko. “Yes Dad, salamat sa tulong mo. Wag kang magalala ako na ang bahala sa palabas bukas” sabi ni Grayson. “Siguraduhin mong hindi ka mapapahiya bukas, siguraduhin mo na ikaw ang aangat sa inyong dalawa. Ang isang myembro ng mga Blake ay hindi dapat inaapi sa kahit anong bagay, kayang-kaya kong ipapatay ang prinsipal niyo at ang anak niya, pero hindi ngayon unang hakbang palang to ng plano ko, siguraduhin mong mapapahiya sila bukas. Naiintindihan mo ba ako Grayson?” sabi ng Dad ni Grayson. “Yes Dad, handa na ako bukas” sagot ni Grayson. Grayson’s POV Magandang palabas to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD