《Embarrassment》

2887 Words
[July 24, 2021 10:00 am] “Calling all students to please proceed to our auditorium, again calling all students to proceed to our auditorium for a trial, this is requested by the principal” sabi ng staff. “Ito na yun Grayson, susubukan kana nilang pabagsakin” sabi ni Angela. “Alam ko, handa na akong humarap sa lahat ng tao” sagot ni Grayson. [10:15 am] “Maligayang pagdating mga mahal kong estudyante ng Royal Elites University, ikinagagalak ko ang pagpunta niyo sa napakaimportanteng bagay na ating pag-uusapan ngayon” sabi ng prinsipal. “Ano kaya ang meron?” “Ang narinig ko ay binugbog daw ni Grayson Blake si Paul” “Talaga? Alam ko na mayaman ang mga Blake pero sobra naman yung dinaan niya sa dahas at binugbog si Paul” “Ang Narinig ko naman ay si Paul kasi ang nangnuna” mga samu’t saring opinyon ng mga ka batch nila. Angela’s POV Maraming naniniwala kay Paul, marami din kay Grayson. Nagtataka lang ako kung ano ang palabas ang ipapakita ni Grayson mamaya. “Tumayo ang lahat at batiin natin ang presidente ng student council ng ating unibersidad, si Mr. John Smith” anunsyo ng bise presidente ng student council. “Maari na kayong umupo” sabi ng presidente. “Mga kapwa ko estudyante nandito po ako para maghusga at nanunumpa na gagawin ko ang aking makakaya upang maggawa ang tamang desisyon” sabi ng presidente. “Ang pagtitipong ito ay naganap na may layuning patunayan kung sino ang may kasalanan sa insidenteng nangyari noong june 20. Isang insedente ng bullying.” sabi ng presidente. “Nandito ba ang nagsasakdal?” tanong ng presidente. “Nandito po ang nagsasakdal na si Paul De Castro” sagot ng prinsipal sa presidente. “Nandito ba ang nasasakdal?” tanong ng presidente. “Nandito po ako” sagot ni Grayson. “What do you pleade? Tanong ng presidente. “Mr. President, gusto ko po sanang malaman at tukuyin niyo kung saan ako magbabase ng aking pleade” sagot ni Grayson. “Nakabase ito sa pambubugbog mo daw kay Paul De Castro, what do you pleade Mr. Blake?” tanong ng presidente. “Guilty Mr. President” sagot ni Grayson. Principal’s POV Hahaha…..ganun kalang pala kadali patumbahin Grayson Blake, ang pinakamayamang pamilya dito sa bansa ay parang tuta lamang sa korte. “Mr. President gusto ko rin po sana humingi ng pabor na ipagpatuloy ang paglilitis na ito, gusto ko pong maipresenta ang ebidensya ng nagsasakdal na si Paul De Castro” dagdag ni Grayson. “Mr. Paul De Castro, gusto kong pumunta ka sa harap at isalaysay mo kung ano ang mga nangyari.” “Maaga po nangyari yun, kakasikat palang ng araw, nagising ako dahil naramdaman ko na may gumagalaw at mahinang ingay, doon ko po nakita si Grayson at ang partner niya na si Angela DelaTorre na ninanakawan kami ng mga pagkain at ginigiba ang bahay-bahayan namin na pinaghirapan. Sinubukan ko po siyang pakiusapan at idaan ito sa mahinahong usapan at kung ano man ang kanyang tunay na motibo upang gawin samin to, ngunit bigla niya lang po akong sinipa at binugbog, hindi na po ako lumaban dahil alam ko po na bawal manakit ng kapwa naming estudyante” paliwanag ni Paul. “Totoo ba ang sinasabi ni Mr. Paul, Mr. Blake?” tanong ng Presidente. “Oo po, kinuha po namin ang pagkain at giniba ang kanilang bahay-bahayan, ngunit mali po na ako ang unang bumugbog sa kanya at may dahilan po kami sa paggawa nito. Nalaman ko po na si Paul De Castro ay may katulong sa loob ng isla, nakita ko po siya na may hawak na mga advanced na kagamitan na imposibleng makuha o magawa dahil ito ay isang metal at hindi ito makukuha sa isla. Kinuha lang po namin ang nararapat sa amin dahil bago pa ang lahat, giniba ni Paul De Castro ang aming bahay-bahayan at ninakaw ang aming mga pagkain at kahoy na pinaghirapan. Pero alam ko po na gagawin niya ang isang hindi makatarungang bagay kaya ang ninakaw niya na pagkain at ang bahay-bahayan na giniba niya ay hindi po ang tunay naming bahay-bahayan. Nagtayo po ako ng isa pang bahay-bahayan bago paman mangyari ang pagnanakaw ni Paul kaya may napagtuluyan parin kami matapos ang pansasabotahe niya. Matapos kaming lumipat ng bahay-bahayan ay nag desisyon akong gumanti kay Paul, kaya giniba rin namin ang kanilang bahay-bahayan at kinuha ang kanilang mga pagkain at kahoy. Nagising si Paul habang ginagawa namin ang aming paghihiganti, labag man sa kalooban ko na manakit ng kapwa estudyante ay kailangan ko pong depensahan ang aking sarili, sinubukan niya po akong suntukin pero naiwasan ko po ito. Sinipa ko siya hanggang hindi siya makabangon para hindi niya kami masundan. Yan po ang totoong nangyari. “Magkaiba ang salaysay ng dalawang panig, Mr. Paul totoo ba ang mga sinabi ni Mr. Blake?” “Hindi! Sinungaling siya! Wala siyang matibay na ebidensiya laban sa akin Mr. President kaya hindi niya mapapatunayan. Itong mga sugat at galos ko ang tunay na ebidensya na binugbog ako ni Grayson!” sabi ni Paul. “Mr. Blake, mayroon kabang ebidensya na nagpapatunay ng mga sinabi mo kanina?” tanong ng presidente. “Opo mayroon po akong saksi, ngunit gusto ko po munang humingi ng sampung minutong pahinga” sabi ni Grayson. “Request granted” sagot ng presidente. [10:55 am] “Mr. Blake tapos na ang sampung minutong pahinga na inalok mo, please proceed” sabi ng presidente. “Mr. President, gusto ko pong ipakilala sa inyo ang saksi sa mga pangyayari, Angela DelaTorre ang partner ko” sabi ni Grayson. “Ms. DelaTorre pakisalaysay ang nakita mo” sabi ng presidente. “Habang ginigiba po ni Grayson yung bahay-bahayan nila ni Paul, inutusan niya po akong kunin ang mga kahoy at pagkain hanggang sa makakaya ko. Nagising po si Paul at tinangkang suntukin si Grayson, nakaiwas po si Grayson at sinipa hanggang hindi na makabangon si Paul. Tumakbo kami pabalik sa aming bahay-bahayan at hindi napo namin alam kung ano ang nangyari kay Paul” sabi ni Angela. “Mr. President, gusto ko lang ipakita na si Angela DelaTorre ay partner ni Grayson. At hindi kapani paniwala ang mga salaysay nila. Baka nga magkasintahan sila kaya ipinagtatanggol niya si Grayson” sabi ni Paul. “Mr. President gusto ko rin po sanang ipakita na anak si Paul De Castro ng Prinsipal ng unibersidad na ito na hindi natin maipagkakaila na pwedeng tumulong sa kanya sa pre-test namin dahil nakakuha siya ng perfect score. Hindi rin po natin maipagkakaila na Uncle niya ang School Facilitator sa activity na iyon” sabi ni Grayson. “Pinagbibintangan mo ba ang kami ng tatay ko na mandaraya?!” galit na pagtanong ni Paul kay Grayson. “Bakit? Hindi nga ba?” sagot ni Grayson. “Tarantado ka ah!” sigaw ng prinsipal kay Grayson. “TUMAHIMIK KAYONG LAHAT!” sigaw ng presidente. “Mr. Blake, ang ebidensya mo ay hindi masyadong matibay, sa rate na ito matatalo ka. Mayroon ka bang ibang ebidensya?” tanong ng presidente. “Opo Mr. President, hindi po ito tao, hindi rin po larawan ngunit ito po ay isang aktwal na footage ng mga pangyayaring isinalaysay ko kanina” sabi ni Grayson. Paul’s POV Footage?! Paano? Kung totoo nga ang sinasabi niya mapapahiya ako sa lahat! “Ito po ang flashdrive, paki play sa harap ng lahat na estudyante dito” sabi ni Grayson. [FOOTAGE PLAYING] “Ladies and gentlemen, ang footage na ito ay mula sa satellite ng mga Blake. Mag-enjoy kayo at wag kayong kukurap baka hindi niyo makita ng mabuti” sabi ni Grayson. “Hindi totoo yan! Mr. President hindi natin alam na baka minanipula ni Grayson ang footage! Hindi totoo yan!” sigaw ni Paul. “Mr. President ito po ang verification ko na totoo ang nakuhang footage ng satellite namin, kumuha ako ng isang daan na tao na nagimbestiga at pinatunayan na ang video na ito ay tunay, at lahat sila ay nagsasabing tunay ito” sabi ni Grayson. Principal’s POV Hindi ito maaari, nabaliktad na ang sitwasyon! Wala na kaming alas! “Mga kapwa ko estudyante, ako ay nakapagpasya na. Pinapawalang-sala ko si Grayson Blake at sayo Paul De Castro, kayo ni Principal De Castro ay hinahatulan kong I expel sa paaralang ito” sabi ng presidente. “Expel?! Akala ko tatlong araw lang na suspensiyon ang parusa para sa bullying? Bakit na expel si Paul agad?!” “Akala ko model student siya! Mandaraya lang pala” “Grabe naman si Paul at ang Principal! Niloko tayo nilang lahat!” pinag-uusapan ng mga estudyante si Paul at ang kanyang ama. “Bakit expelled?! Hindi to patas Mr.President akala ko tatlong araw lang ang suspensyon ang parusa?!” sabi ni Paul “Tatlong araw sana, ngunit nagsinungaling ka at nandaya kapa. Multiple violations ka Paul, kayo ng ama mo. Hindi ako magpaparaya at magbubulag-bulagan sa mga korapsyon na nangyayari sa unibersidad na ito, tungkulin ko na tulungan ang unibersidad na ito na magkaroon ng PATAS na pag-aaral, kahit kalabanin ko pa ang Prinsipal gagawin at gagawin ko parin ang tungkulin ko bilang Presidente ng Student Coucil” sabi ng presidente. “Hayop ka Grayson! Pagbabayaran mo to!” sabi ni Paul. “Sige ba, basta wag mong kalimutan ang sukli!” sagot ni Grayson. Angela’s POV Hindi ko akalain na may satellite ang mga Blake at nagamit pa ito ni Grayson upang maging isang matibay na ebidensiya laban kay Paul. Ngayong wala na sila ng Principal, sigurado na ba na mapayapa na ang unibersidad na ito? “Bakit parang anlalim ng iniisip mo?” tanong ni Grayson. “Wala, siguro gutom lang ako, antagal kasi eh” sagot ni Angela. “Tara sa cafeteria, kumain tayo sagot ko na” sabi ni Grayson. Angela’s POV Habang tumatagal mas napapalapit ako kay Grayson, mas nahuhulog ang loob ko sa kanya. Siya parin ba ang Grayson na nakilala ko? Grayson’s POV Simula noong nakilala kita, unti-unti mong binigyan ng kulay ang madilim kong buhay Angela. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sana lang hindi mo ako niloloko Angela. [Cellphone Ringing] “Cellphone mo may tumatawag” sabi ni Angela. “Sandali lang sasagutin ko lang, ito ang card ko, mag order ka para sa ating dalawa” sabi ni Grayson “Yes Dad?” Tanong ni Grayson. “Napanood ko ang trial mo kanina, What a Show! Nagmana kana talaga sa akin. For that show, tell me something that you want, bibilhin ko para sayo” sabi ng Dad ni Grayson. “Hmm….May bagong sports car na lumabas $50 000 000 ang halaga, send ko mamaya sayo ang details, THANKS!” Grayson’s POV Kahit ano pang sports car ang bilhin niyo sa akin, hindi ko parin makakalimutan kung papaano niyo ako tinatrato kapag sinusuway ko kayo o hindi ko magawa ang gusto niyo. “Grayson! Hali ka dito” tinawag ni Angela si Grayson. “Ok papunta na” sagot ni Grayson. “Nakapag-order kana ba?” tanong ni Grayson. “Oo sandali nalang yun” sagot ni Angela. “Sige” sabi ni Grayson. [1:00 pm] “Ma’am nandito na po yung order niyo” sabi ng waiter. “Salamat po” sagot ni Angela. “Pagkatapos nito ano ang gusto mong gawin?” tanong ni Grayson. “Sira! May Math pa tayo mamayang 2 pm, last subject natin yun” paalala ni Angela. “Oo nga pala, pagkatapos ng Math punta tayo sa mall shopping tayo doon” yaya ni Grayson. “Sige ba! Eto nga pala yung card mo” sabi ni Angela. “Salamat” sagot ni Grayson. [3:00 pm] “Tara na dito muna tayo sa Jewelry Section” yaya ni Grayson. “Sige! Titingnan ko kung ano ang maganda dito” sagot ni Angela. Angela’s POV Ang ganda nito! Kaso hindi nakalagay ang presyo. Magtatanong muna ako sa sales lady. “Uhmm miss? Magkano to?” tanong ni Angela. “Ma’am limited edition po yan, mga taong may VVIP na card lang po ang pwedeng bumili niyan” sagot ng sales lady “VVIP? Hindi ba pwede ang VIP? Tanong ni Angela. “Pasensya na po ma’am para lang po sa VVIP talaga eh” sagot ng staff. “Bakit Angela? May problema ba dito?” tanong ni Grayson. “Wala naman, kaso gusto ko sanang bilhin ang necklace nato kaso mga VVIP lang ang pwede, eh VIP lang ako” paliwanag ni Angela. “Ganun ba? Ako nalang bibili para sayo” sagot ni Grayson. “Magkano ba to?” tanong ni Grayson sabay pakita ng kanyang VVIP card. “130 million pesos po sir” sagot ng sales lady. “Sige, kukunin ko na” sabi ni Grayson. “Hoy! Ano ang ginagawa mo? Bakit mo binili?” tanong ni Angela. “Diba sabi mo gusto mo? Edi ibibili kita” sagot ni Grayson. “130 million yung necklace!!! Ibibigay mo lang sa akin?!” sabi ni Angela. “Bakit hindi? Binili ko nga tong sing sing na nagkakahalaga ng 330 million pesos” sagot ni Grayson. “Pinapamukha mo talaga sakin na mayaman ka” sabi ni Angela. “Hindi naman, gusto ko lang bilhin ang gusto mo, iisipin mo nalang na bayad ko to para magluto ka para sa akin bawat gabi” sabi ni Grayson. “Sige na nga! Hindi ko matatangihan ang ganda ng necklace kasi eh” sagot ni Angela. “Saan mo naman gusto pumunta?” tanong ni Grayson. “Gusto kong manood ng sine” sabi ni Angela. “Sige ba, hindi pa ako nakakapanood sa isang sine eh” sagot ni Grayson. “Sa yaman mong yan hindi kapa nakakapunta sa sine?” tanong ni Angela. “Hindi, mayroon naman kaming movie theatre sa bahay at halos lahat na bagong movies ay nandoon na bago pa lumabas sa public” sagot ni Grayson. “Ahh ganun pala, sige buti narin para makaranas ka nang sine naming hindi ganyan ka yaman katulad mo” sabi ni Angela. [5:30 pm] “Uwi na tayo, nakakapagod ang araw na ito. Ang ganda ng pinanood natin noh?” sabi ni Angela. “Oo maganda ang pagkakasulat ng kwento. Oo nga pala, sasabay ako sayo sa dorm mo at ipagluto mo ako ng dinner” sabi ni Grayson. “Sige” sagot ni Angela. [6:00 pm] “Masarap luto mo ngayon ah? May okasyon ba?” tanong ni Grayson. “Wala, kulang pa nga yan sa necklace na binili mo para sa akin eh” sagot ni Angela. “Nasaan na pala yun” tanong ni Grayson. “Nasa bag tinago ko” sagot ni Angela. “Isuot mo, gusto kong makita” sabi ni Grayson. “Sige, pero baka mawala ko” sabi ni Angela. “Akin na nga yan ako na ang mag lalagay sayo” sabi ni Grayson. Angela’s POV Habang nilalagay niya ang necklace sa leeg ko may iba akong nararamdaman para kay Grayson. Nahulog na ba ang puso ko sa kanya? Mahal ko na ba siya? Niyakap niya ako?! “Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, pero sa tuwing kasama kita gumagaan ang pakiramdam ko. Ang buhay na walang kulay ay pwede pang kulayan” sabi ni Grayson. Angela’s POV Nagtatapat ba siya sa akin? Ano ba Grayson bakit kasi pareho tayo ng nararamdaman para sa isa’t-isa. “Mula ngayon, liligawan na kita, kahit ilang taon pa ang kakailanganin mapa oo lang kita. Ipinaramdam mo sa akin ang hindi naparamdam nang kahit sino man sa mundong ito” sabi ni Grayson. “Baliw, tumahimik ka nga” sabi ni Angela sabay halik sa pisngi ni Grayson. Grayson’s POV Hinalikan niya ako sa pisngi, ramdam ko ang init sa katawan ko at hindi ko mapigilang makaramdam ng pagmamahal para sa kanya. “Don’t overthink it, nadala lang ako sa emosyon” sabi ni Angela. “Okay, aalis na pala ako” paalam ni Grayson. “Sige, mag-ingat ka” sabi ni Angela. Angela’s POV Hinalikan ko siya sa pisngi…..OMG!!! Hindi ko alam bakit kinikilig ako! Grayson Blake sigurado na ako sa nararamdaman ko para sayo, sa palagay ko mahal na kita… [Grayson’s Room, 10:00 pm] “Ipapadala ko diyan sa university ninyo sina Oliver, Rihano at Hemingson. Magiging kasama mo sila at katulong diyan para hindi ka masyadong mahirapan. Ipapaalala ko lang sayo, ikaw dapat ang number 1 Grayson, wala nang iba. At wag kang magdadalawang isip na gumamit ng pera” sabi ng Dad ni Grayson. “Sige, salamat…” sagot ni Grayson. Grayson’s POV Nahulog na yata ako kay Angela, ang halik na mula sa kanya ay tila parang hindi parin nawawala sa pisngi ko, parang nandyan parin siya sa tabi ko. Hay nako Grayson kilig lang yata to. Besides, babalik na silang tatlo muli bukas, matagal narin na hindi kami nagkikita dahil sa States sila nag-aaral, kamusta na kaya sila? Bukas ko nalang sila kakamustahin kapag nagkita na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD