《New Faces》

2963 Words
[5:00 am] Grayson’s POV 5:00 am na? Parang hindi pa nga ako nakatulog eh. Oo nga pala, ngayong araw sila dadating. Phone Notification: From: Hemingson Date: June 25, 2021 Message: Nasa labas kami ngayon ng dorm mo pretty boy. Grayson’s POV Hays, hindi parin nagbabago ang mga to. [Opens the door] “Ohh, ang aga niyo namang dumating” sabi ni Grayson. “Hey what’s poppin bro, long time no see” sabi ni Rihano. “Ilang babae ang nandito ngayon?” tanong ni Oliver. “Smells like 10” dagdag ni Hemingson. “Hindi parin talaga kayo nagbabago, kamusta na pala kayo? Asensado parin ba kayo sa mga negosyo niyo?” tanong ni Grayson. “Siyempre kaso ngalang hindi ka parin namin mapantayan” sabi ni Oliver. “Yeah, kahit pagsamasamahin namin ang net worth namin mas mayaman kaparin kaysa samin” sagot ni Hemingson. “The dude is invincible kung pera lang ang uusapan” dagdag ni Rihano “Kumain naba kayo?” tanong ni Grayson. “Actually, hindi pa bro” sagot ni Rihano. “Wag mong sabihin na ipagluluto mo kami” sabi ni Oliver. “Sira! Mamamatay kayo kapag ako ang pinaluto ninyo” sagot ni Grayson. “Let’s just eat in a luxury restaurant, ipapareserve ko lang para sa privacy natin” sagot ni Hemingson. “Sige magbook kana, sagot ko na ang breakfast niyo” sabi ni Grayson. [Levi’s Luxury Restaurant, 7:30 am] “Yun oh! Ang ganda dito! Iba talaga pag luxury restaurant” sabi ni Oliver. “I know right, since si Grayson naman yung magbabayad sulitin na natin to at punuin ang mga tiyan natin” mungkahi ni Rihano. “Grabe naman kayo, hindi niyo ba iniisip ang body figures ninyo?” tanong ni Grayson. “Eto nanaman siya! Perfectionist ka talaga Grayson hahaha” sabi ni Oliver. “Hahaha totoo naman ah? As a member and bearer ng surname na Blake, kailangan nating mag maintain ng good image at good body figure” sabi ni Grayson. “Kung sabagay may punto si Grayson, as long as ang surname natin ay Blake, kailangan natin maging respetado at dapat kinakatakutan sa lahat ng mga bagay” dagdag ni Hemingson. Natapos silang apat kumain at pumunta sila sa isa sa mga Villa ni Oliver para mag bonding. [Oliver’s Villa, 9:00 am] “I heard you got in trouble last time, sino nga ang pangalan ng kaaway niya Hemingson?” tanong ni Rihano. “Si Paul De Castro at ang ama niya na principal ng kanilang university” sagot ni Hemigson. “Pero hindi ba napatalsik na silang dalawa sa university niyo Grayson?” tanong ni Oliver. “Oo, kahapon sila napatalsik, ginamit ko ang satellite ng mga Blake para makukuha ng ebidensya” sagot ni Grayson. “Oo nga, kasi advanced technology na ang mga satellite natin, pwede na nating magamit for surveillance and evidence purposes” sagot ni Hemingson. “Change topic nga tayo, kamusta na pala ang love life ninyo?” tanong ni Rihano. “Wala ako” sagot ni Hemingson. “Wala rin ako eh” sagot ni Oliver. “Ano ba yan, ang malas naman natin pati ako wala, ikaw Grayson sa mukha mong yan dapat may girlfriend kana diba?” tanong ni Rihano. “Wala eh, pero may nililigawan ako ngayon” sagot ni Grayson. “Sino?!” tanong nila. “Makikilala niyo din siya bukas” sabi ni Grayson. “Mag basketball muna tayo” sabi ni Hemingson. “Sige ba, sakto pwede tayong mag 2 versus 2” dagdag ni Rihano. Naglaro sila ng basketball sa indoor court sa Villa ni Oliver…. [11:30 am] “Nakakapagod naman, grabe hindi ko na yata kaya” sabi ni Rihano. “Yan, sinasabi kona nga ba eh, hindi na maganda ang katawan ninyo sa mga sports” sabi ni Grayson. “Parang inapakan ako ng tatlong kabayo ah” sabi ni Hemingson. “Hahaha tatlong kabayo sayo? Sakin parang anim eh” dagdag ni Oliver. “Kumain na tayo, ginutom ako sa kakalaro natin ng basketball eh” sabi ni Hemingson. “May marunong ba sa inyong magluto dito?” tanong ni Grayson. “Magaling akong magluto ng tubig” sagot ni Rihano. “Naloko nasobrahan yata ang isang to sa pagod at kaya niya pang magluto ng tubig Hahahaha” sabi ni Oliver. “Tara labas tayo, samahan niyo muna akong kunin yung bagong sports car ko” yaya ni Grayson. “May bago kang sports car?” tanong ni Hemingson. “Oo, binigay sakin ng Dad ko kapalit doon sa palabas na ginawa ko sa trial kahapon, sabi niya pwede ko nang kunin daw sa dealership ngayon” paliwanag ni Grayson. “Sige, tara na” sabi ni Oliver. “Uy teka lang, akala ko magluluto ako ng tubig? Hahaha” dagdag ni Rihano. [Sports Car Dealership, 12:15 pm] “Mr. Blake, nandito na po pala kayo, hali ka po sasamahan ko kayo sa bago ninyong sports car” sabi ng manager. “Wala dito?” tanong ni Grayson. “Nasa likod po sir, hindi namin dinidisplay kasi ang halaga ay sobrang mahal” sabi ng manager. “Okay sige, samahan mo kami” sabi ni Grayson [Unboxing of the sports car] “Ang ganda Grayson!” sabi ni Rihano. “Yan ba yung bagong sports car?!” tanong ni Oliver. “Yung $50 000 000 ang halaga?!” tanong ni Hemingson. “Yep, I guess kailangan niyo rin bumili ng sports car na bago kasi tumutulo na yung laway niyo oh, YAK kadiri” sabi ni Grayson. “Nasaan yung susi para sa sasakyan?” tanong ni Grayson. “Ito po sir” sagot ng manager. “Sige salamat, aalis na kami” sabi ni Grayson. “Uyyy teka lang, eh dalawa lang ang kakasya sa sasakyan mo eh!” sabi ni Hemingson. “Oo nga pala, sige bumili kayo ng isa para makasabay na kayo sakin” sabi ni Grayson. “Ano po ang pinakamahal po dito?” tanong ni Hemingson. “Ito po isa po siyang luxury car” sagot ng manager. “Magkano po?” tanong ni Hemingson. “$1 500 000 po” sagot ng manager. “Dude grabe naman ang agwat ng presyo parang ilang beses pa dodoblehin ang sayo para lang magkasing presyo kayo ni Grayson ah” sabi ni Rihano, “Approximately 33.34 times” sagot ni Grayson. “Grabe ka Grayson” dagdag ni Oliver. “Sige po kukunin ko na” sabi ni Hemingson. “Ito po kailangan niyo lang permahan ito” sabi ng manager. Matapos permahan ni Hemingson ay kumain ulit sila sa panibagong luxury restaurant [Franc’s Luxury Restaurant, 12:50 pm] “Mas masarap pagkain dito kaysa sa pinagkainan natin kanina” sabi ni Hemingson. “Oo nga, masarap pagkakaluto ng tubig dito! Hahaha” biro ni Rihano. “Ano kaya ang gagawin natin pagkatapos nito?” tanong ni Oliver. “Hindi ko rin alam eh” sagot ni Hemingson. “Bar?” mungkahi ni Grayson. “Sige ba!” sabi ni Oliver. [Bar, 1:25 pm] “Kailan pa tayo iinom?” tanong ni Rihano. “Oo nga, kung doon nalang kaya tayo sa bahay ko?” sabi ni Hemingson. “Sandali lang ha kayo na muna diyan, may tatawagan lang ako” sabi ni Grayson. “Sige, ano ang gusto mo?” tanong ni Rihano. “Kahit ano lang” sagot ni Grayson. [Phone Ringing] Angela’s POV Huh? Bakit tumatawag sa akin si Grayson? “Oh? Bakit ka napatawag?” tanong ni Angela. “Free kaba ngayon?” tanong ni Grayson. “Oo, wala naman akong ginagawa, medyo boring nga eh” sagot ni Angela. “Good, puntahan mo ako I’ll text you the address” sabi ni Grayson. “Sige” sagot ni Angela. Angela’s POV Nasa bar siya ngayon? Maliligo lang ako at magbibihis, pupunta ako agad doon medyo malayo pa kasi tong lugar na to. “Hey, tingnan niyo ang mga mokong nayan hanggang ngayon hindi parin naka order ng alak” sabi ng lalaki. “Oo nga, parang wala nga silang pera eh” sagot ng isang babae. “Baka nakikigamit lang ng air-con ang mga yan” dagdag pa ng isang babae. “Grayson, nakakapikon na ang mga yan ah, turuan naba natin ng leksyon?” tanong ni Oliver. “Oo nga, akala nila nagpapahangin lang tayo dito! Eh kung ubusin ko pamilya niyan?” dagdag ni Rihano. “Kalma lang, ako na ang magbabanat sa kanila” sabi ni Hemingson. “Wag na hayaan niyo na sila, ayoko na magkagulo pa dito” sabi ni Grayson. “Hoy ikaw tisoy! Anong tinitingin mo diyan?!” sigaw ng lalaki kay Grayson. “Wag niyo nang pansinin, kulang lang yan sa pansin” sabi ni Grayson sa mga kasamahan niya. “Gusto niyo uminom kayo?” tanong ng lalaki. “Ayy? Bingi? Hahahaha” tukso ng mga lalaki. “Alam niyo, tigilan niyo na kami ha! Bago pa uminit ang ulo namin” sagot ni Hemingson. “Ayyy grabe nagbabanta siya Boss” sagot ng tauhan ng lalaki. “Pabayaan mo na, mukhang wala namang ibubuga yan eh, wala ngang alak na mabili” sabi ng boss nila. “Magyabang lang kayo dito pag may pera na kayo” sabi ng isang babae. “Grayson, hindi parin ba natin sila papatulan?” tanong ni Hemingson. “Oo nga, kanina pa ako handang magbalat ng mga kambing eh” dagdag ni Rihano. “Hanggang sa maaari, ay wag sana ninyo silang patulan, alam niyo naman na malayo ang agwat natin sakanila sa estado ng buhay diba?” sagot ni Grayson. “Boss, mukhang gusto yata nilang mabugbog ah?” sabi ng isang lalaki. “Ganun pala ha” sabi ng Boss. “Hoy ikaw eto ang sayo!” sigaw ng boss nila sabay bitaw ng suntok kay Grayson. “Malakas ka magyabang eh hindi mo naman pala ako matamaan” sabi ni Grayson pagkatapos niyang iwasan ang suntok. “Hahahaha, hangin lang ang tinamaan” sabi nina Oliver. “Eto, iwasan mo to!” sinipa ni Grayson ang boss nila at natamaan niya ito. “Oohhhh, masakit yata ang tama ng sakanya Hahaha bakit mo naman nilakasan Grayson?” tanong ni Hemingson. “Humanda ka! Isusumbong kita sa tiyohin kong General! Ipapakulong kita!” sabi ng boss. “Sige tawagan mo na. Waiter,nandyan naba ang alak namin?” sabi ni Grayson. “Opo, ito na po” sagot ng waiter. “Magkano ang babayaran ko” tanong ni Grayson. “350 000 pesos po” sagot ng waiter. “350 000 pesos?!” sabi ng isang tauhan ng boss. “Oh? Bakit ka nagulat? Normal lang sa amin ang uminom ng ganito ka mahal na alak, gusto mo bigyan kita?” sabi ni Grayson. “Hindi na! Ubusin niyo yan! Mamaya makukulong ka din!” sigaw ng boss. [Sound of Siren] “Nasaan ang pamangkin ko?” tanong ng isang General. “Nandito ako tito, yan po siya! Siya yung sumipa sa akin!” sabi ng boss. “Hoy! Inaaresto kita sa salang – Mr. Blake?!” sabi ng General. “Oh? What a coincidence, ikaw pala to General Victor” sabi ni Grayson. “Ano po ba ang nangyari dito sir?” tanong ni General Victor. “Ahhh yung pamangkin niyo po nagyayabang at tinangkang suntukin ako, kaya ayun nasipa ko” paliwanag ni Grayson. “Ano pa ang hinihintay niyo tito! Hulihin niyo na siya!” sabi ng boss. “Tumahimik ka nga! Kilala mo ba ang lalaking ito? Siya si Grayson Blake ang nag-iisang tagapagmana ni Richard Blake Jr. pasalamat ka nga na buhay kapa ngayon!” sabi ni General Victor. “I look forward for a fair decision from you General, alam mo naman siguro kung ano ang mangyayari sa mga lumalaban sa mga Blake diba?” sabi ni Grayson. “O-Oo po didisiplinahin ko po ang pamangkin ko” sabi ni General Victor sabay hila ang kanyang pamangkin palabas ng bar. “Swerte! Lapitan mo na girl, baka magkapera kapa diyan sa mayaman na yan” sabi ng isang babae. “Uhmm, Mr. Blake, gusto mo bang pasayahin kit –“ nagputol ang sabi ng babae dahil may sumampal sa kanya. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa boyfriend ko?” sabi ni Angela. “Oh, perfect timing ka Angela” sabi ni Grayson. “Siyempre ako pa” sabi ni Angela. “Siya ang girlfriend mo?” tanong ni Hemingson. “Oo” sagot ni Grayson. “Maganda siya at madamot siya ha, ayaw niyang magkaroon ng kahati sayo” sabi ni Oliver. “Siyempre! Girlfriend ko yan eh” sabi ni Grayson. “Ano ba kasi ginagawa mo dito Grayson?” tanong ni Angela. “Sagutin mo muna tanong ko, kailan mo pa ako naging boyfriend?” tanong ni Grayson. “H-Hindi kasi sinabi ko lang yon d-dahil –“ hinalikan ni Grayson si Angela. “Anong ginagawa mo?!” tanong ni Angela. “Boyfriend mo ako diba, at sinasauli ko lang ang binigay mo na halik sakin kahapon” sagot ni Grayson. “Alam mo ba na first kiss ko yun?!” tanong ni Angela. “Bakit? Pinagsisisihan mo ba?” tanong ni Grayson. “E-Eh kasi hindi mo naman sinabi na hahalikan mo ako eh!” sabi ni Angela. “Oh edi sorry na, pwede ba kitang halikan ulit?” tanong ni Grayson. “Huh? Anong sinasabi m –“ hinalikan ulit ni Grayson si Angela. “Nakakarami kana ha!” sabi ni Angela. “Woah Grayson kalma lang bro” sabi ni Rihano. “Sino nga pala sila? tanong ni Angela. “Ahh, mga pinsan ko sila, siya si Hemingson, siya naman si Oliver at siya naman si Rihano” sabi ni Grayson. “Nice to meet you, ako nga pala si Angela DelaTorre” sabi ni Angela. “Ang swerte mo” sabi ni Hemingson. “Bakit naman?” tanong ni Angela. “Boyfriend mo ang pinakamayaman sa buong Asia, hindi mo rin maikakaila na pogi siya, matalino rin at higit sa lahat ay ikaw ang unang girlfriend niya” sabi ni Oliver. “Ay oo nga pala Angela, ipangako mo sa amin na hindi mo susukuan si Grayson kahit anong mangyari okay?” sabi ni Hemingson. “Sure I promise!” sagot ni Angela. “Mauna na kami, ihahatid ko lang siya sa dorm niya at uuwi narin ako sa dorm ko” sabi ni Grayson. “Sige bro, see you tomorrow my man” sabi ni Rihano. [Car sounds] “Sasakyan mo yan?” tanong ni Angela. “Oo, kakakuha ko lang sa dealership kanina” sabi ni Grayson. “Magkano bili mo?” tanong ni Angela. “$50 000 000, pero hindi ako ang bumili binigay to sakin ni Dad para sa palabas na ginawa ko kahapon” paliwanag ni Grayson. “Ahh okay” sabi ni Angela. “Seatbelt mo” paalala ni Grayson. Angela’s POV $50 000 000?! Parang 2.5 billion pesos na ang presyo niyan ah! Bakit naman ang mahal. Ngayon ko lang talaga naramdaman yung layo namin ni Grayson sa estado ng buhay, okay pa sana yung kwintas eh kinaya ko pa, pero itong sasakyan na ito hindi ko na kinaya. [Room 104 Angela’s Dorm] “Thank you sa paghatid” sabi ni Angela. “Sama muna ako sa kwarto mo” sabi ni Grayson. “Sige pasok” sagot ni Angela. “Anong gagawin mo dito?” Tanong ni Angela. “Nakalimutan mo na ba na hindi ako marunong magluto? Dito muna ako hanggang dinner” sabi ni Grayson. “Sige” sagot ni Angela [6:30 pm] “Eto na ang dinner, omelet yan” sabi ni Angela. “Mukhang masarap to ah” sabi ni Grayson. “Siyempre ako ang nagluto eh” sagot ni Angela. Habang kumakain sila may sumagi sa isip ni Angela tungkol sa university nila. “Sa tingin mo ba ay magiging mapayapa na ang buhay natin sa university? Tanong ni Angela. “Sa ngayon oo, pero tandaan mo na kung saan may ilaw, lagi paring may anino” sabi ni Grayson. “Sana naman hindi na magkagulo at magkaproblema sa pinag-aaralan natin” sabi ni Angela. “Wag kang mag-alala, hanggang buhay pa ako hinding-hindi ka mapapahamak” sabi ni Grayson. “Sige, salamat sa dinner” sabi ni Grayson. “Okay, mag-ingat ka papunta sa dorm mo” sabi ni Angela. Angela’s POV Ang pinagtatakahan ko lang ay bakit sinabi kanina ni Hemingson na kahit daw anong mangyari hindi ko dapat sukuan si Grayson. May problema ba? Hindi kasi maganda ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Sana walang ibang kahulugan ang sinabi ni Hemingson, at sana hindi ako papabayaan ni Grayson. Grayson’s POV Sana nga hindi mo ako susukuan Angela, lalo na kapag nahihirapan na tayo at dumating sa punto na papipiliin tayo kung ang pagmamahal ba natin para sa isa’t-isa o ang mga pamilya natin. Kung papipiliin ako, ikaw at ikaw ang pipiliin ko Angela. Gusto ko nang makalayo sa mundong iniikutan ko, gusto ko nang tumakas at pumunta sa isang lugar na kung saan malaya ako at ako ang mag dedesisyon sa aking buhay, ako ang mag dedesisyon kung sino ang mamahalin ko at papakasalan ko. Sana sa huli Angela ay sasamahan mo ako sa pangarap kong mundo. Phone notification: From: Angela DelaTorre Date: June 25, 2021 Message: Good night! I love you. Angela’s POV Phone notification: From: Grayson Blake Date: June 25, 2021 Message: I love you too!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD