HERA TUMUNOG ang aking cellphone. It's a call from an unknown number. Sinagot ko ito at nagpakilala ang isang Domingo Roxas. Papa raw ni Daniel. I am starting to wonder kung paano niya nalaman ang personal number ko. Wala naman akong naaalala na nagbigay ako ng number sa kaniya at kung calling card naman ay ibang number ang nakalagay doon. "Hello po. Bakit po kayo napatawag?" magalang na tanong ko sa kaniya. Hi, Miss Hera. Pasensya ka na kung naabala kita. Gusto ko lang sana humingi ng tulong sa'yo. Nasa alanganin kasi ang buhay ko. Nagtatago ako ngayon dahil hindi ko kayang ibigay ang one hundred thousand na hinihingi sa akin ng pinagkakautangan ko. "One hundred thousand?! Napakalaki naman pong utang iyan," bulalas ko dahil sa sobrang pagkabigla. Normal lang sa akin na magkaroon ng

