HERA "Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Daniel sa akin. Napatingin ako sa orasan at napagtantong halos isang oras na pala akong umiiyak. Bakas sa mukha niya ang sobrang pag-aalala na parang mainit na palad na humipo sa puso ko. Tumango naman ako bilang tugon. Nang makita niyang tumahan na ako ay iniwan na niya sa sofa kung saan ako nakaupo at bumalik na siya sa table niya. Kahit pinipilit niyang itutok ang atensyon sa ginagawa niya ay panay pa rin ang pasimpleng sulyap niya sa akin. Agad naman siyang nagbabawi ng tingin sa tuwing nagtatama ang aming paningin. "You look awkward, Daniel. Okay na ako. No need for you to worry. Salamat sa concern." Mahinahong sabi ko sa kaniya upang siguraduhin na maayos na ang pakiramdam ko. Napahimas naman siya sa batok niya. "N-ngayon lang kasi k

