HERA BUMALIK kami sa opisina at laking pagtataka ko nang umupo siyang muli sa puwesto niya kanina. "Bakit diyan ka pa rin nakaupo? Hindi ba't sabi ko puwede ka ng bumalik sa department niyo?" hindi ko napigilang itanong sa kaniya. Umayos muna ito ng upo bago sumagot. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina. Ano ang kinalaman ko sa lalaking 'yon? Bakit pati sa akin ay mainit din ang ulo mo?" Napanganga ako sa pahayag niya. Ibang klase rin talaga ang trip nitong lalaking 'to. "Sumama ka dito para lang itanong ulit sa akin iyan? Hindi mo na kailangang malaman pa kung ano man ang dahilan. Go back to your department." Pagtataboy ko sa kaniya. He crossed his arms and look at me in the eyes. "I don't want to. Itutuloy natin ang deal. Whether you like it or not." "For what? I told

