Chapter 56 HERA TUMAWAG kay mommy si Venice at nagsabing bibisita raw siya. Paniguradong alam na niyang wala na ako sa mansion niya at kaya lang siya pupunta rito ay para alamin kung nandito ako. I wore my best dress at talagang inaabangan ko ang pagpunta niya. Gusto kong makita kung paano humulas ang kakaibang kulay ng kayabangan na nakapinta sa mukha niya. Gusto kong makita kung paano siya sampalin ng katotohanan at mapahiya sa harapan ng lalaking kinababaliwan niya. "Anong oras daw ang punta ni Venice?" tanong ko kay Chanelle na busy alagaan ang baby ko. "Chill, ate. Huwag kang masyado magpaka-stress sa paghintay sa kaniya. Darating rin 'yon nang mas mabilis pa sa kidlat dahil sa loob no'n ay nanginginig na ang mga ugat niya sa takot. Ako na muna ang bahala kay Baby Herchelle haban

