HERA
KASALUKUYAN kaming nasa aking favorite bar upang mag-unwind. Isinama ko si Daniel para naman makapagliwaliw at gusto ko ring makita kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga ganitong bagay. Gaya naman nang napag-usapan ay agad kong ipinalipat sa mas maayos at kilalang ospital ang mama niya para sa matutukan ng magagaling na doctor.
Pagpasok pa lang namin ay nagkusot agad siya ng ilong. Hindi siguro niya gusto ang amoy ng sigarilyo. Dumiretso ako sa aking favorite spot at siya naman ay sumunod lang sa akin.
Um-order ako ng martini para sa aming dalawa.
Nilagok ko agad ang para sa akin at siya naman ay inamoy-amoy ito hanggang sa malukot ang mukha sa pagkadismaya.
"Seriously, I have to drink this? Ang sabi mo sasamahan lang kita, bakit may ganito? I don't drink alcohol." Seryosong sabi niya at inilapag muli sa bar counter ang baso.
"Ano ba ang inaasahan mong i-serve nila dito? Gatas? C'mon, nasa bar tayo. Kalalaki mong tao ignorante ka sa alak. Gusto mo bang cocktail drink na lang ang sa'yo? 'Yon nga lang, ikaw lang lalaking ganoon ang iinumin while everyone here including ladies are having hard drinks." Pang-aasar ko sa kaniya. Napikon yata siya sa sinabi ko kaya mabilis na tinungga ang laman ng baso.
Napapalakpak naman ako sa tuwa. "That's my boy! Isang shot pa!" Sigaw ko.
Tumugtog ang isang live music at halos lahat ay nasa gitna na upang sumayaw. Everyone is grooving and swaying with the music. Nakipag-sayawan din ako sa mga lalaking nandito. Habang abala ako sa pag-indak at panaka-nakang pagdikit ng aking katawan sa mga lalaking kasayaw ko ay natanaw ko mula sa dance floor si Daniel na nakaupo lang sa puwesto namin kanina at tila malalim ang iniisip.
Tumigil ako sa pagsayaw at binalikan siya.
"Bakit nandito ka lang? Balak mo bang umupo lang dito hanggang sa umuwi tayo? Halika na."
Sabi ko habang hinihila ang kamay niya para umalis siya sa puwesto niya.
"Hindi ba ako puwedeng umupo pang dito?" Seryosong tanong niya.
"Okay, fine. Uminom na lang tayo. Mukhang may malalim kang pinagdadaanan. Anong gusto mo?" Tanong ko sa kaniya sabay upo sa isang upuan katabi ng sa kaniya.
"Kahit ano." Halos pabulong niyang tugon. Nakaramdam naman ako ng kakaiba sa tono ng pananalita niya.
Umorder ako ulit ng alak at walang anu-ano'y dire-diretso niya itong ininom. Napanganga na lang ako sa sobrang pagkabigla ngunit hinayaan ko na lang siya.
Imbis na uminom ay pinanood ko na lang kung paano siya uminom at nag-abang kung paano siya malasing.
Halata ngang wala siyang alam sa pag-inom dahil nilalagok niya ng sunud-sunod ang bawat baso ng alak na inilalagay ko sa harapan niya.
Mabilis na naubos ang isang bote ng alak nang siya lamang ang umiinom.
"Alak pa!" Sigaw niya. Napatingin naman sa akin ang barista at tila nanghihingi ng signal kung bibigyan pa niya o hindi na. Umiling naman ako bilang tugon.
Binalingan ko naman si Daniel na wala nang kontrol sa sarili dahil sa kalasingan. Paano ba namang hindi siya malalasing, tinungga niya ng sunud-sunod na parang tubig lang. "Tama na. Lasing ka na. Inaasar lang kita pumatol ka naman." Mahinahong saway ko sa kaniya. Maya-maya pa ay dumaloy na ang masaganang luha sa pisngi niya. Nataranta naman ako at baka isipin nilang pinaiyak ko siya.
"Bakit ka naman umiiyak diyan?"
"Ang malas ng buhay ko ano?" Halos pabulong niyang sabi habang nakasubsob ang mukha sa lamesa ng bar counter. Hindi muna ako umimik at hinintay ang karugtong ng sasabihin niya.
"Sa dinami-dami ba naman kasi ng taong pauulanan ng kamalasan ay ako pa. May sakit ang mama ko tapos walang kuwenta pa ang papa ko! Kung hindi ba naman siya g*go at nagpapakalulong sa sugal edi sana natutulungan niya ako sa pagpapagamot kay mama. Ang kaso hindi eh, makasarili siyang tao!
Pati mga pinagkakautangan niya ay ako na ang hinahabol. Kung hindi ko lang siya mahal ay hahayaan ko na siyang i-salvage na lang tutal naman ay wala siyang pakinabang." Pabulol-bulol na sabi niya habang nakapikit. May ganito pa palang klase ng lalaki na napakadrama ng kuwento ng buhay. I feel his pain. Madaming problema pero wala man lang ibang masandalan kundi ang sarili niya. Tapos nag-iinarte pa sa offer ko!
Kinalabit ko siya para i-check kung gising pa siya at nang umungol siya ay inaya ko na pauwi.
"Uy! Uwi na tayo. Baka magwala ka pa dito. I think it was a wrong move to bring you here pero kahit papaano naman nasubukan mong malasing at malunod sa sarili mong nararamdaman. Feeling super hero ka naman kasi."
Sumenyas ako sa mga lalaking staffs ng bar at pinaalalayan ko si Daniel hanggang maisakay sa aking kotse. Habang nasa biyahe ay iniisip ko kung saan ko siya ihahatid. Naisip kong ihatid na lang siya sa bahay nila pero naisip ko ring baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya doon dahil mag-isa lang siya lalo na at ang mama niya ay naka-confine sa ospital. Hanggang sa napagdesisyunan kong sa condo unit ko na lang siya dalahin.
Nakiusap lang ako sa mga guard na iakyat siya hanggang sa unit ko. Since may extra-ng kuwarto naman ay doon ko na lang siya ipinadiretso.
Nang makaalis ang mga guard ay tinitigan ko ang nahihimbing ang tulog na si Daniel.
Bumalik sa alaala ko kung paano ako na-attract sa maamo niyang mukha pero iritang-irita sa arogante niyang pag-uugali.
How is it possible you admire someone you hate?
May mga sinasabi siyang hindi ko maintindihan kaya lumapit ako para marinig ng maayos. Inilapit ko ang tainga ko sa bandang bibig niya at nagsimula na naman siyang magsalita. Maya-maya ay bigla siyang sumuka. Yuck! At ako pa talaga ang nasukahan niya. Dali-dali akong pumanhik sa aking kwarto at nag-shower. Pagtapos ko mag-shower ay nagpasya akong humiga na. Bahala siya do'n! Painum-inom ng marami hindi naman pala kaya.
Kahit anong pilit ko ay hindi rin ako dalawin ng antok kaya nagpasya akong balikan siya sa kabilang kwarto para tingnan siya.
Napapaduwal ako sa amoy ng suka niya na kalat na sa damit niya pati na rin sa higaan. Wala pa naman ako maid na kinukuha dahil nagpapatawag lang ako ng maglilinis kapag kinakailangan. Dis-oras na ng gabi kaya wala rin akong matatawag para maglinis. Ayaw na ayaw ko pa naman sa bahay ang mabaho.
Una ko munang inalis ang damit niya at pinunasan ng bimpo ang buong katawan ko saka ko inalis ang bedsheet na may suka rin niya. Nag-spray rin ako ng air freshener para mawala ang amoy.
Lantad na ngayon sa harapan ko ang hubad niyang katawan. Ngayon pa lang ay natatawa na ako sa idea na maghuhuramentado siya kapag nagising siyang walang saplot.
Tinitigan kong mabuti ang buong katawan niya. Infairness naman maganda ang built at nakakadagdag pa ng appeal ang hindi masyadong kaputiang kulay niya. Nakakapagtaka rin ang abs nito kahit pa tutok naman siya sa trabaho at mukhang walang panahon para mag-work out. Dumako naman ang aking paningin sa p*********i niya. Masasabi ko ring may ipagmamalaki siya. Honestly, hindi naman ako talaga s*x addict, may experience na ako sa pakikipag-chukchakan but it doesn't mean na patay-gutom ako sa lalaki. Hindi ko lang talaga ma-explain yo'ng attachment na mayroon ako para sa lalaking ito. Maybe, it's because he reminds me of someone. Isang tao na malaki ang naging kontribusyon sa kung ano ako ngayon.
Kung ibang babae siguro ang nasa kalagayan ko ngayon ay baka kanina pa siya ginahasa or should I say may saplot pa man siya ay nagahasa na agad sa isip nila.
Tinabunan ko lang ng kumot ang katawan niya dahil wala naman akong panlalaki na damit dito sa condo ko. Siya pa lang din ang unang lalaking dinala ko rito.