HERA "What happened to us last night?!" Halos pasigaw na bungad sa akin ni Daniel sa aking opisina. Maging si Venus ay napatulala sa eksena niya. Ngitian ko lang siya at nagbalik ulit ng tingin sa ginagawa ko. Hinampas niya ng dalawang kamay ang lamesa ko at nagtanong ulit. "Anong nangyari sa atin kagabi?! Sagutin mo ako!" Mukhang tama ang nga hinala ko na kaya siya nagkakaganyan ay dahil nagising siyang hubot-hubad. Maaga akong umalis sa condo ko at iniwan siya doon. Ipina-laundry ko ang mga damit niya at baka pumasok rin siya sa trabaho ng walang saplot. Magkaroon pa ng p**n show dito sa opisina. Ngumisi ako para lalo pa siyang inisin. "Well, nothing much. Masyado ba kitang napagod kaya wala kang maalala?" Namumula na ang tainga niya dahil sa galit sa akin. Kanina ko pa guston

