GEORGINA'S POV "Its none of your business george, bumalik kana sa kwarto mo." Inis na sabi niya. Pero tumayo ako at lumapit sa kanya. Kailangan kong maging matapang para makakuha ng sagot. Its now or never. "Its my damn business bran, alam mo ang nararamdaman ko sayo! Kaya kailangan kong malaman kung sino siya!" Galit na sabi ko sa kanya "Bakit? Sino ka ba sa akin?! Oo alam kong mahal mo ko, pero pareho ba tayo ng naramdaman?! Hindi kita mahal, at hindi kita mamahalin! Si grace lang ang mahal ko! Kaya wala akong pwedeng ipaliwanag o sabihin sayo!" Para naman akong nawalan ng lakas sa sinabi niya. Tumulo na ang mga luha ko at napahikbi na ako sa sobrang sakit, sobra sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. "Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin brandon?" Sabi ko sapagitan ng pag iiyak

