GEORGINA'S POV Magdadalawang lingo na ang nakapalipas mula ng makauwi ako ng manila. Balik trabaho na ako sa office ko, at si kuya blake naman na nag asikaso ng kumpanya nung wala ako, nandito parin sa kumpanya. Nandito parin ang sakit, pero hindi ko pwedeng ipakita sa lahat ang nararamdaman ko. Kailangan kong magpakatatag dahil sarili ko lang ang makakatulong sakin. Nasa meeting ako ngayon kasama ng mga kapatid at pinsan ko. umuwi sila dahil may party na gaganapin para sa underground business, kasama narin ang mga businessman na may negosyong illegal. Gaganapin sa sabado sa hotel ng isang businessman na kasali sa underground. "So george? What do you think?" Tanong ni kuya anthony na nakapagpabalik sakin sa nangyayari ngayon. Nakatitig lang kasi ako kay kuya blake, hindi ko rin alam k

