GEORGINA’S POV Pagkalabas ko sa silid ng doctora, agad bumungad sa akin ang nakaupong si Brandon. Pag angat niya ng tingin, agad na nagtagpo ang mga mata namin. At gaya na naman ng paulit ulit na nangyayari sa akin, biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ayaw kong paniwalaan ang sinabi ng doctora, pero sa mismong sandaling iyon, parang may maliit na bahagi ng isip ko na gustong amining baka tama siya. Ngunit may mas malaking bahagi sa akin ang mariing tumututol. Hindi maaari. Hindi puwedeng ganoon agad. “Ano ang sabi ng doctor, G?” tanong niya. Ang simpleng pagtatanong na iyon ang nagpabalik sa akin sa realidad. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya sa harap ko, naghihintay ng sagot. “A ah, w wala nam man. Ahuummm… wala raw akong sakit.” Napautal ako sa pagsagot kaya tumikhim

