GEORGINA’S POV Naglalakad ako ngayon papunta sa bahay ni Brandon habang bitbit ang almusal niya na niluto ni Jamie. May chicken soup, boiled egg, hotdog, at kanin sa tray na dala ko. Maingat ang bawat hakbang ko para hindi matapon ang sabaw, kahit medyo mabigat ang bitbit ko. Pagdating ko sa bahay niya, kumatok ako nang ilang beses dahil naka lock pa ang pinto. Ilang sandali pa bago iyon bumukas, at bumungad sa akin ang bagong gising na si Bran. Halatang may sakit pa rin siya. Magulo pa ang buhok niya, medyo maputla ang mukha, at para bang hindi pa talaga bumabalik ang lakas niya. “Breakfast mo,” sabi ko habang itinataas nang bahagya ang tray para ipakita sa kanya ang dala ko. Hindi agad siya nagsalita. Tiningnan niya muna ako, saka ang pagkain, saka muling bumalik sa mukha ko ang ting

