CHAPTER 5

1316 Words
GEORGINA’S POV Kinabukasan, maagang nagising si Jamie dahil kailangan niyang magturo sa mga bata. Kaya kami na lang ni Jenny ang naiwan sa bahay. Binuksan ko ang laptop ko para sana tingnan ang mga email at mabasa ang ilang dokumentong kailangan ko, pero ilang beses ko mang subukan, wala pa rin akong makuhang signal sa pocket Wi Fi ko. “Jenny, may alam ka bang lugar na puwedeng makakuha ako ng signal?” “Sa bahay ni Kuya Dondon, Ate. Mataas ang bahay niya kaya baka meron doon. Meron din siyang ganyan.” Napatingin ako sa kanya. “Puwede kaya tayo doon?” “Susubukan ko, Ate. Teka lang ha?” Dali dali siyang lumabas. Medyo natagalan din bago siya nakabalik. “Puwede raw, Ate, pero huwag daw tayong makikialam sa mga gamit sa loob.” Napakunot ang noo ko. What? Ano ang akala niya sa akin? “Okay.” Kinuha ko ang laptop ko at iba ko pang gamit, saka ni lock ang bahay bago kami naglakad papunta sa bahay ng lalaki. Nang makarating kami sa gate nila, hindi ko naiwasang mapahanga sa laki ng bahay. “Ang laki, Ate, no? Siya lang mag isang nakatira dito.” Tumango ako habang pinagmamasdan ang napakalawak na bakuran at ang malaking bahay na tila may sariling mundo sa loob ng isla. “Halika na, Ate. Nasa sala si Kuya. Ihahatid niya lang tayo sa taas tapos aalis na naman siya.” Pumasok na kami sa gate at tumayo sa harap ng pinto. Kumatok si Jenny. “Kuya Dondon? Naa na mi.” Agad namang bumukas ang pinto at lumabas ang lalaking may mga matang mahirap titigan nang matagal. Nakakaakit ang mukha nito, pero ang mga mata niya ang pinaka delikado. Kung makatingin siya, parang kaya niyang basahin pati kaluluwa mo. “Aahm, good morning. Makikisuyo lang sana ako kung puwede. Nasabi na ata ni Jenny.” Nakatitig ako sa kanya habang nagsasalita, at kahit pilit kong pinapakalma ang sarili ko, hindi ko maikakaila na may kakaibang epekto ang presensya niya sa akin. “Pasok. Sumunod na lang kayo.” Pagpasok ko, agad akong namangha sa laki ng bahay. Ngunit hindi iyon ang unang kumabig sa atensyon ko kundi ang malalaking frame na nakasabit sa dingding. Larawan niya kasama ang isang babae. Maganda ang babae at morena. May mga solo picture rin ito, at mas marami pa nga iyon kaysa sa mga larawan nilang magkasama. Habang papaakyat kami sa hagdanan, napansin kong puro mukha rin ng babae ang nasa mga frame sa gilid. Bakit sinabi ni Jenny na mag isa lang siya rito? At sino ang babaeng iyon? Ipinasok niya kami sa isang silid sa itaas. Lumang kuwarto iyon, ngunit halatang inaalagaan. Puro antique ang laman, at ganoon din ang kabuuan ng bahay niya. Luma ang tema, pero napakaganda tingnan. May kakaibang bigat at katahimikan ang bawat gamit, na para bang bawat isa ay may sariling kuwento. “Dito lang kayo. At nakikiusap ako sa iyo, Miss, na sana wala kang gagalawin na kagamitan dito sa loob.” Napakunot ang noo ko, at napansin naman niya iyon. “Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Ayaw ko lang na may ibang nakakagalaw sa gamit ko.” “No problem. I also don’t want to touch things that aren’t mine, so don’t worry.” “Mabuti nang nagkakaunawaan tayo.” Pagkasabi noon ay lumabas na siya. Umupo ako sa maliit na mesa malapit sa bintana at inilabas ang laptop ko. Binuksan ko agad ang pocket Wi Fi at sa kabutihang palad ay malakas nga ang signal. “Jenny, gusto mo bang mag aral?” “Oo naman, Ate.” “Sige. Bukas, papasok ka na. Pabibilhan kita ng mga gamit mo.” “Talaga, Ate?” Tumango lang ako, at pagkatapos naming mag usap ay bumalik na ako sa ginagawa ko. Si Jenny naman ay nahiga na sa kama habang naglalaro sa tablet na ibinigay ko sa kanya. Ako naman ay nagsimula nang magbasa ng mga dokumento at saka tinawagan si Sally. “Hello, Sally?” “Yes, Ma’am?” “Paki pasa ang kontrata sa Delmore Industry, at sabihan mo ang Vicente Group na bibigyan ko lang sila ng limang araw para ayusin ang gulo nila. Kung hindi, bibitawan ko ang kumpanya nila. Baka matagalan pa ako rito, kaya paki tawagan na lang si Kuya at hanapan ako ng pansamantalang papalit bilang CEO. Maybe Kuya Blake. At isa pa, iyong files na naiwan ko sa mesa, paki ayos na rin iyon.” “Copy, Ma’am.” Tinapos ko ang tawag, pero halos mapatalon ako nang biglang may maglagay ng isang baso ng juice sa mesa. Pag angat ko ng tingin, siya iyon. “At pagkatapos mong ubusin iyan, makakaalis ka na. Hindi lang sa bahay ko, kundi sa isla ko.” Galit ang boses niya. Napansin ko ring nakatayo na si Jenny sa gilid ng kama, tahimik na nakatingin sa amin. Tumayo ako para harapin siya. “Ano bang nagawa ko? Wala naman akong ginalaw dito sa loob kundi itong mesa at upuan lang.” “Nung nakita kita kahapon, hinayaan lang kita dahil akala ko bakasyunista ka lang. Hindi rin ako naghinala dahil sa itsura mo, mukha ka namang bata pa. Pero sa mga narinig ko kanina, isa kang negosyante. At ang islang ito ang habol mo. Tama ba ako?” Napatingin ako sa kanya. Bakit ba parang natatakot ako sa lalaking ito? At bakit ang sarap niyang pakinggan kahit galit siya? Ang lalim ng boses niya, buo, mabigat, at sobrang lalaki ng dating. “Nakikinig ka ba?” Napakurap ako at agad natauhan. “Okay, fine. Oo, andito ako para kausapin ka.” “Then my answer is no.” Nilakasan pa niya ang pagkakasabi sa no na para bang gusto niyang idiin sa utak ko na wala akong laban. “Five billion ang offer ko, Mr. Wilson. At bibigyan namin ng tig iisang milyon ang bawat pamilyang nakatira sa isla. Ililipat namin sila sa isang village.” “Still a no.” Naka cross arms na siya habang sinasabi iyon. Napahawak ako sa ulo ko habang ang isa kong kamay ay nasa baywang ko. Napalingon ako sa bintana, saka bumaling ulit sa kanya. “Okay, fine. Six billion.” “No.” “Seven?” “No.” Napapikit ako sa inis. Nakakainis naman ang lalaking ito. “Fine. Ten billion.” Naka cross arms na rin ako ngayon habang nakatingin sa kanya. Nakita ko siyang tila nag isip habang nakatitig sa akin, kaya napasmirk ako. Got you. “NO!” Napaigting ang panga ko. “Fifteen billion. No, I’ll make it twenty billion.” “Still a no. And leave.” Umiinit na talaga ang ulo ko. “Sa bahay mo lang ako aalis, pero hindi sa isla mo. At hindi kita titigilan.” Banta ko iyon sa kanya bago ko niligpit ang mga gamit ko. Tinawag ko si Jenny at lumabas na kami. Pagbalik namin sa bahay, napansin kong tila nanlumo si Jenny. Hindi na siya naglalaro at tahimik na lang siyang nakaupo. “Bakit, Jenny?” “Kawawa kasi si Kuya Dondon kung bibilhin mo ang isla, Ate. Dahil sabi niya sa akin dati, ito lang daw ang lugar na puno ng alaala ng asawa niya bago siya iwanan nito. Kaya hindi niya iniiwan ang bahay at ang isla dahil naaalala niya si Ate Grace dito.” Bigla akong natigilan. “May asawa na siya?” Tumango si Jenny. “Iyong nasa picture, Ate. Asawa niya iyon.” “Bakit siya iniwan?” Biglang nalungkot ang mukha ni Jenny. “Nasa heaven na daw.” Parang may biglang tumama sa isip ko. Napaupo ako nang maayos at napasandal sa sandalan ng upuan habang nakatingin sa kawalan. Paano ko bibilhin ang isang isla kung ang kalaban ko ay alaala ng asawa niya? At paano ko siya mapapapayag kung hindi pala pera ang basehan niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD