GEORGINA’S POV Magkaharap na kami ngayon ng lalaking nakayakap sa akin habang nakapikit siya. Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis ng t***k ng puso ko. Baka naman may sakit na ako. Baka nga. Napaisip tuloy ako kung bakit siya narito. Hindi ba nasa kabilang kuwarto ang sa kanya? At bakit niyayakap niya pa ako? Kahit masakit ang katawan ko, pinilit kong gumalaw para maitulak siya. BOOGSH! “s**t!” Agad akong pumikit habang hindi pa niya naiaangat ang ulo niya. “What the hell? Bakit ka nanunulak? Huwag kang magtulog tulugan. Ramdam kong may tumulak sa akin.” Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita kong nakatayo na siya sa kabilang gilid ng kama. “Bakit ka kasi nakatabi sa akin? At nangyayakap ka pa talaga. Bakit ka ba nandito?” “Una, kuwarto ko ito. Pangalawa, pi

