GEORGINA’S POV
Nagising ako na masakit ang buong katawan ko. Ramdam ko ang hapdi sa iba’t ibang parte, lalo na sa puwetan ko. Napansin ko rin agad na hindi ako nasa kuwarto ko.
Sinubukan kong tumayo, pero bigla akong natumba dahil sa sobrang sakit ng paa ko.
Napatingin ako roon at nakita kong may nakabalot dito. Agad ko iyong tinanggal at tiningnan. Sobrang namamaga.
Hinawakan ko ang paa ko kahit alam kong masakit. May nagalaw na buto sa loob at alam kong kaya ko iyong ayusin. Huminga ako nang malalim, saka hinawakan ang paa ko at inikot iyon pabalik sa puwesto.
“AAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!” sigaw ko.
Bigla namang bumukas ang pinto at bumungad sina Jenny, Jamie, at si Mr. Wilson. Si Jenny ang unang lumapit sa akin, sumunod si Jamie at yumuko para alalayan ako. Nakatayo lang si Mr. Wilson habang nakatingin sa paa kong ako mismo ang nag ayos.
“Ate, saan ang masakit?” alalang tanong ni Jenny.
“G, sana hindi ka na lang muna bumangon sa kama. Tingnan mo, nasaktan ka tuloy. Halika, aalalayan kita,” sabi ni Jamie.
Inalalayan naman niya akong makatayo.
“Salamat,” sabi ko nang makaupo ako sa paanan ng kama.
“Puwede bang pahingi ng hot compress para sa paa ko?” tanong ko habang nakatitig pa rin sa namamaga kong paa.
“Sige, sandali,” sabi ng lalaki bago lumabas.
“G, bakit ba kasi nagpunta ka pa doon? Tingnan mo, nasaktan ka tuloy. Ang dami mong galos. Dalawang araw mo pa lang dito, nagkaganyan ka na,” sermon ni Jamie.
“Okay lang naman ako. Hindi ko lang nakita na may bangin pala doon.”
Nag usap lang kami ni Jamie hanggang sa bumalik si Dondon na may dalang hot compress.
Lumapit siya sa paanan ko at maingat na tiningnan ang paa ko. Kumunot ang noo niya nang makita ang hitsura nito. Marahan niyang inilagay ang hot compress, saka bigla akong tiningnan sa mata na puno ng tanong.
“Nakaya mo ang sakit habang iniikot mo ang sarili mong paa?”
“Oo. Inisip ko na lang na isang matinding sakit lang iyon kaysa naman magtiis ako ng dalawa o tatlong linggo. Pinadali ko na kahit sobrang sakit.”
Tumango siya.
“Impressive. Ikaw pa lang ang unang babaeng napa-impress ako sa ganitong bagay.”
Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko sa sinabi niya. Ilang beses na akong nasabihang impressive ako, pero bakit parang iba kapag sa kanya nanggaling? Para akong batang biglang nakakuha ng perfect score sa exam.
Napangiti na lang ako at umiwas ng tingin sa kanya.
“Jamie, paki alalayan ako pauwi sa bahay,” sabi ko na lang.
“Aah, G? Nag usap na kasi kami ni Dondon na dito ka na lang muna. Bukas kasi may field trip ang mga bata sa Davao, at hanggang Miyerkules kami roon. Wala kasing mag aalaga sa iyo sa bahay. Isasama ko rin si Jenny.”
“No, Jamie. I can handle and take care of myself. Sanay akong mag isa, Jamie. Hindi na ito bago sa akin. Ilang beses na akong nagkasakit o nabalian, pero nakaya ko naman mag isa na walang kasama.”
Nagkatinginan sina Jamie at Dondon. Ako naman ay pabaling baling ang tingin sa kanilang dalawa hanggang sa pareho na silang nakatingin sa akin.
“Pero G, dito ka na lang muna. Para sa iyo naman iyan. Kung nasanay kang mag isa, hindi ka namin hahayaan na mag isa sa kalagayan mo. Okay?”
“She’s right. May kasalanan din ako sa nangyari sa iyo, kaya dito ka na muna. And don’t worry, wala akong planong masama sa iyo. Kapag okay na ang paa mo, puwede ka nang umuwi.”
Sa mga sinabi nila, mukhang wala na akong magagawa para mabago ang isip nila.
“Okay, sige. Padala na lang ako ng gamit ko, Jam.”
“Sige. Wait, may pagkain pala sa baba. Dadalhin ko rito para makakain ka na. Tapos na kasi kami, gabi na rin.”
Tumango na lang ako.
Lumabas si Jamie kasama si Dondon. Si Jenny naman ay nanatili sa tabi ko. Humiga ako nang maayos sa kama.
Nang bumalik si Jamie, tumabi siya sa akin at iniabot ang pagkain ko.
Pagkatapos kong kumain, umalis na siya para kunin ang mga gamit na ipinabilin ko. Kasama niya si Dondon para mabitbit ang iba kong mabibigat na gamit. Tinulungan muna niya akong makapagbihis sa banyo bago siya umuwi kasama si Jenny.
Naiwan naman si Dondon sa kuwarto kasama ko. Naglagay siya ng pitsel at baso sa mesang nasa gilid ng kama.
“May tubig na diyan sa tabi mo. Baka mauhaw ka. Tapos kung may kailangan ka pa, tawagin mo na lang ako. Nasa kabila lang ang kuwarto ko.”
“Sige, salamat.”
Pagkasabi ko noon ay lumabas na siya.
Napansin kong parang sumasama ang pakiramdam ko. Bigla akong nilalamig at nananakit ang buong katawan ko. Kaya binalot ko na lang ang sarili ko ng kumot hanggang sa nakatulog ako.
Nagising ako dahil sa sobrang panginginig ko at sa sama ng pakiramdam ko. Mas lalo pang sumasakit ang buong katawan ko, at sunod sunod ang ubo ko. May luha na rin sa mga mata ko.
Sinubukan kong abutin ang tubig sa gilid ko, pero nahulog iyon at nabasag ang baso.
Bigla namang bumukas ang pinto at bumungad si Dondon. Napatingin siya sa nabasag na baso bago mabilis na lumapit sa akin. Napansin kong boxer shorts lang ang suot niya.
Hinawakan niya ang noo ko.
“Ang init mo.”
Agad niyang inalis ang kamay niya at kumuha ng isa pang kumot. Pumasok siya sa banyo, kumuha ng gamot, at pinainom ako. Kumot pa ang idinagdag niya sa akin bago niya nilinis ang basag na baso. Pagkatapos, kumuha siya ng upuan, inilagay iyon sa tabi ng kama, at umupo roon.
“Matulog ka na. Aalis lang ako kapag mahimbing na ang tulog mo.”
Hindi na ako nakasagot dahil sa sama ng pakiramdam ko. Pumikit na lang ako.
“Nakipagkaibigan kami sa inyo dahil inutusan lang kami ng mga daddy namin. Makakatulong daw kasi kayo sa kumpanya namin. Pero ayaw naman talaga naming makipagkaibigan sa pamilya ng mga mamamatay tao!”
Sigaw iyon ng tinuring naming kaibigan, kasama ang tatlo pang batang nakatayo sa likod niya.
Iyak nang iyak si Gia sa tabi ko habang nakayakap sa akin. Tiningnan ko nang masama ang apat, at nakita ko naman ang takot sa mga mukha nila.
“Then leave. I don’t want to see you four ever again, or else I will kill you all!”
Nagtakbuhan ang apat na bata dahil sa takot kay George.
“George, wala na tayong friends,” iyak ni Gia habang yakap yakap siya.
“Hindi natin sila kailangan, Gia. Ikaw, ako, at sila Kuya lang, masaya naman tayo, di ba? Hindi natin kailangan ng ibang tao para sumaya.”
Pinahid ni Gia ang mga luha niya at tumingin sa mata ni George.
“I love you, George. Mahal na mahal ko kayong lahat, lalo ka na.”
Hinalikan ni Gia ang pisngi ko, at napangiti ako dahil doon.
Nagising naman ako na hindi makagalaw.
At ramdam kong may nakayakap sa akin.
Kaya dahan dahan akong lumingon sa gilid.
At bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko.