GEORGINA’S POV Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang lalaking nakahiga sa damuhan sa gitna ng mga puno. Kitang kita ko rin ang gintong kutsilyo ko na nakatusok sa noo niya. Sino kaya ang lalaking iyon? Kailangan kong makuha ang kutsilyo ko. Regalo pa naman iyon ni Kuya. Lalabas na sana ako nang biglang pagbukas ko ng pinto ay nahila ko si Dondon na papasok na yata. At gaya ng dati, wala na naman siyang planong kumatok. “Saan ka pupunta?” tanong niya. “Aah, sa labas lang,” palusot ko. “Gabi na. Dito ka na lang at dadalhan na lang kita ng pagkain.” Tumango na lang ako dahil ayaw kong maghinala siya. Pagkasara niya ng pinto, muli akong sumilip sa bintana. Nandoon pa rin ang lalaki. Buti na lang at natatakpan siya ng mga damo kaya hindi siya basta basta makikita mula sa unang pa

