HINDI MAPAKALI si Ellie. Pabalik-balik siya sa kahabaan ng waiting area, paulit-ulit na kinakagat ang kuko ng hintuturo. Magulo ang buhok at basa ang pisngi sa luha. Hindi niya iniinda kung mukha siyang gusgusin, wala siyang pakialam. Ang tanging mahalaga sa kanya ngayon ay maging ligtas si Kyo. “Please… please be okay...” paulit-ulit niyang bulong. Parang walang katapusan ang mga oras. Hanggang sa bumukas ang pinto, at lumabas ang doktor. “Successful ang operasyon. Naalis na ang bala. Pero maraming dugo ang nawala. Mabuti na lamang nadala siya agad sa ospital. Sa ngayon, stable na ang lagay niya,” sabi ng doktor. Para siyang nanghina pero sa wakas ay nakahinga na rin. Nang mailipat sa private room si Kyo, hindi siya umalis sa tabi nito. Umupo siya at dahan-dahang sinusuklay ang buhok

