bc

IN THE BED OF MR. BILLIONAIRE (SSPG)

book_age18+
213
FOLLOW
2.4K
READ
billionaire
dark
HE
age gap
powerful
drama
bxg
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

⚠️ WARNING ⚠️ SPG R-🔞

Isang simpleng probinsyanang dalaga si Ellie, lumaki sa hirap at natutong magtiis para sa pamilya. Nang ialok sa kanya ang trabaho bilang Yaya ng anak ng isang kilalang billionaire, hindi niya akalaing doon magsisimula ang pinakamalaking pagsubok ng kanyang buhay.

Sa unang pagkikita pa lang, ramdam na niya ang malamig at istriktong ugali ng kanyang amo, si Kyo Castillano. Habang lumilipas ang mga araw sa ilalim ng iisang bubong, unti-unti siyang nasanay sa ugali nito. Ngunit hindi alam ni Ellie na sa kanyang mga inosenteng galaw ay pinupukaw niya ang pagnanasang matagal ng ibinaon ni Kyo. Hanggang sa umabot sa punto na hirap itong pigilan ang nararamdaman dahil kay Ellie.

Ano ang mangyayari kapag natuklasan niya ang lihim ng kanyang amo na siyang naging dahilan para siya ay mauwi sa kama nito? May mabubuo bang pag-ibig sa pagitang nilang dalawa na langit at lupa ang agwat? O makakaramdam ng pagkamuhi si Ellie sa kanyang amo?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue "YAYA ELLIE, can you help me braid my hair?" bulong ni Saoirse. Nakaupo ito sa harap ng dresser habang hawak-hawak ang maliit nitong brush. Abala sa pagtutupi ng mga damit sa kama si Ellie. "Alright, baby," mahinang sagot ni Ellie bago lumapit dito. Umupo siya sa likod ni Saoirse at marahang tinipon ang ilang hibla ng buhok ng bata. Inayos niya iyon ng maingat at nagsimulang magbraid. Malamlam ang ngiti niya habang pinapanood ang inosenteng ngiti nito sa repleksyon ng salamin. "Yaya…" tawag muli ni Saoirse sa maliit nitong tinig. "Yes, baby?" malambing na tugon ni Ellie, na hindi inaalis ang tingin sa ginagawa nito. "Will you be taking me to school today?" tanong ni Saoirse, puno ng pag-asa ang mga mata. Napabuntong-hininga si Ellie. Gustuhin niya man pero alam niyang hindi papayag ang amo niya. Masyado itong istrikto at malamig lalo na pagdating sa anak nito. "Yaya?" Lumingon ito nang mapansing wala siyang sagot. Nag-atubili si Ellie. Paano niya ipapaliwanag sa isang batang gaya ni Saoirse ang katotohanan? "Gusto ko sanang gawin iyon…" napalunok siya, saka kinagat ang ibabang labi. "Pero marami akong gagawin. Don’t worry, baby. Promise, gagawa ako ng favorite cupcake mo mamaya," dagdag niya na may pilit na ngiti. "Chocolate cupcake?" halos pasigaw na tanong ni Saoirse, halatang nabuhayan. "Yes. Chocolate cupcake," sagot ni Ellie, at bahagyang gumaan ang dibdib niya nang makita ang ngiti ng bata. Nagningning ang mga mata ni Saoirse sa salamin, tumingin ito sa kanya at ngumiti nang malapad. "You're the best Yaya in the whole world," anito na puno ng tuwa. "At ikaw ang pinakamabait na baby girl sa mundo," balik ni Ellie, sabay dampi ng palad sa buhok ng bata. "Tapos na po," sabi niya matapos itali ang dulo ng braid. "Wow! Yaya, ang galing mo!" Tumalon halos si Saoirse mula sa upuan at agad na yumakap kay Ellie. Napangiti siya at niyakap din ito pabalik. Pagkatapos ay tumayo si Saoirse sa harap ng salamin, iniikot nito ang katawan, at marahang pinitik ang buhok sa hangin. "It's nice," anito habang nakangiti. "I can’t wait for my classmates to be gushing over me," dagdag pa nito, dahilan para mapatawa si Ellie. "Talaga? Sige, baba na tayo." Kinuha niya ang school bag at lunch box ni Saoirse. Hinawakan niya ang maliit na kamay nito at sabay silang lumabas sa silid. Paglabas nila ng mansyon, nakaabang na si Kyo sa sasakyan. “Daddy!” masayang sigaw ni Saoirse bago ito mabilis na tumakbo para yakapin ang ama, na kasalukuyang nakasandal sa kotse habang naghihintay. “Little Bunny,” nakangiting bati ni Kyo at agad na binuhat ang anak. “Dad! My name is Saoirse, not bunny,” reklamo ng bata habang nakakunot ang noo. Napailing si Kyo at marahang tinapik ang ilong ng anak. “Sorry, sweetie. Daddy is so sorry,” bulong nito saka hinalikan sa pisngi si Saoirse, dahilan para matawa ito. Habang pinagmamasdan ni Ellie ang mag-ama. Parang may kung anong kirot siyang nararamdaman. Kailanman ay hindi niya naranasang mahalin ng sariling ama. Nakulong ito dahil sa paggamit ng bawal na gamot. Natutong maghanap-buhay si Ellie sa murang edad para may pantustos sa sarili. Lulong sa sugal ang kanyang ina kaya wala siyang ibang maaasahan. Ito ang dahilan kung bakit napadpad siya ng Maynila. Isinama si Ellie ng kanilang kapitbahay para mamasukang katulong. “Daddy, Yaya Ellie promised me chocolate cupcakes! I can’t wait to be back from school,” masiglang sabi ng bata. Sandaling tumingin si Kyo sa kanya. Napangiti siya ng alanganin bago lumapit sa dalawa at marahang hinaplos ang buhok ni Saoirse. Binuksan niya ang pinto sa likuran at maingat na inilagay ang school bag ng bata. “Mag-ingat ka, Saoirse. Sundin mo ang teacher mo at maging mabait na bata,” paalala ni Ellie. “Yes po, Yaya Ellie,” sagot ni Saoirse bago ito yumakap at humalik sa pisngi niya. Kumaway pa ito habang inaakay ng ama papasok sa kotse. Patuloy na kumaway si Ellie hanggang sa tuluyan nang lumayo at mawala sa paningin ang sasakyan. Kahit ilang buwan pa lamang siyang nagtatrabaho sa mansyon ng Castillano. Napamahal na si Ellie sa bata. Si Saoirse ay apat na taong gulang pa lamang. Bibo, at sadyang kaaya-ayang kasama. Sa presensya nito, tila gumagaan ang lahat ng pagod at lungkot na nararamdaman ni Ellie. Bukod pa doon may tamang sahod siyang nakukuha. Napabuntong hininga siya papasok sa loob. “Ano kaya ang gagawin ko ngayon? Sobrang laki ng bahay na ito, at nakakabagot,” bulong niya. Abala ang mga kasambahay sa kani-kanilang gawain. Wala na siyang masyadong maasikaso, dahil halos kay Saoirse lamang nakasentro ang kanyang oras. Kapag wala ang bata, tila mas lalo niyang nararamdaman ang kalakihan at katahimikan ng buong mansyon. Napailing si Ellie at nagpasya na lang. “Gawin ko na lang ang cupcakes ni Saoirse bago siya umuwi.” Nagpunta siya sa maluwang na kusina at nagsimulang ilabas ang mga sangkap mula sa maayos na nakasalansang kabinet. Habang abala, marahan siyang napahimig ng isang awitin. Unti-unting bumalot sa hangin ang bango ng asukal at vanilla. Ilang oras siyang nanatili sa kusina habang gumawa ng chocolate cupcakes. At nang matapos si Ellie. Inilagay niya sa counter at tinakpan. Dahil wala siyang magawa, naisipan niyang bumalik sa silid ni Saoirse. Ngunit hindi niya namalayang nakaidlip siya sa kama ng alaga. “Yaya Ellie! I’m back! Where’s my cupcakes?” sigaw ni Saoirse habang tinatampal siya ng unan. Napagiling si Ellie at napabangon mula sa pagkakahiga. “Sinong kumain ng burger ko? Nasaan na ang burger?!” tanong niya nang antok na antok pa. Halatang nananaginip lang siya at nagsasalita habang tulog. “Yaya, anong burger?” nagtatakang tanong ni Saoirse, kaya doon lang tuluyang natauhan si Ellie. Napairap siya sa sarili, at kinusot ang mga mata. “Sorry, baby. Ano nga ulit ang sinasabi mo?” tanong niya habang kinandong si Saoirse. “Ang chocolate cupcakes ko, Yaya! Ginawa mo ba talaga?” “Opo, ginawan kita ng masarap na cupcakes. Halika punta tayo sa kusina. Gutom na rin ako,” sagot ni Ellie sabay haplos sa tiyan. Siguro kaya burger ang napanaginipan niya. Gutom pala siya. Binuhat niya si Saoirse at magkasama silang bumaba patungo sa kusina. Tuwang-tuwa ito nang makita ang cupcakes sa island counter. Pero bago niya binigyan, kumain muna sila ng hapunan. “Wow! This is so tasty, Yaya!” Punung-puno ang bibig ni Saoirse habang ngumunguya ng cupcake. Magkaharap silang nakaupo sa dining hall, kumakain ng hapunan. Natapos na si Saoirse sa main dish nito at ngayon ay abala na sa matatamis na cupcakes na espesyal na inihanda ni Ellie para dito. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang bata. Puro chocolate na ang paligid ng bibig nito. Binalik niya ang atensyon sa sarili niyang pagkain, pero hindi mawala ang munting kilig sa dibdib niya sa tuwing nakikita si Saoirse na masaya. “I’m done, Yaya. I want more,” nagmukmok si Saoirse at itinulak ang labi na puno pa ng mantsa ng tsokolate. Umiling si Ellie at kinuha ang napkin para punasan ang bibig nito. “Hindi na pwede, baby. Let’s go to bed na, para makagising ka nang maaga bukas.” Humaba ang nguso nito pero hindi na rin nagpumilit pa sa kanya. Binuhat niya si Saoirse at inakay papunta sa itaas. Pagdating sa banyo, pinaghilamos at pinaliguan niya ang bata, saka sinuotan ng malambot na pajamas. “Yaya, can you please read me a bedtime story?” nakapuppy eyes pa ito. Ngumiti siya at hinaplos ang malambot nitong buhok. “Okay. Anong story ba gusto mong basahin ko?” tanong niya. “Fairytale.” Kinuha ni Ellie ang isa sa mga fairytale storybooks mula sa shelf. At nagsimulang basahin. Ngunit hindi pa lamang siya nangangalahati sa binabasa, narinig niya na ang muntik hilik ni Saoirse. Napabuntong-hininga siya at dahan-dahang isinara ang libro at maingat na ipinatong sa bedside table. “Sleep tight, kulit,” mahina niyang bulong bago humalik sa noo ng bata. Lumabas siya ng kwarto, at marahang isinara ang pinto. Pagbaba niya ay naabutan niya si Kyo na paakyat na ng hagdan. “Where’s my daughter?” malamig nitong tanong, na hindi man lang siya tinitignan. “Nasa kama na po, Sir. Tulog na...” Huminto ito at humarap sa kanya. Napalunok si Ellie sa paraan ng pagtitig nito na para bang hinahatulan siya. “Huwag mong sanayin ang bata na mapalapit sa iyo ng husto. I won’t allow my daughter to cry just because you’re leaving… so don’t even think about quitting this job,” anito bago siya tinalikuran. Umawang ang kanyang labi habang pinagmamasdan ang amo. “Sir! Sir! Pwede po ba akong magpaalam na lumabas bukas?” pahabol ni Ellie, pero ni anino ng tugon ay wala siyang nakuha. Napairap na lang si siya at tahimik na bumulong. “Grumpy.” Nakangusong pumasok siya sa sariling silid. Kahit na nakakainis ang kanyang amo. May kung anong misteryo sa presensya ng lalaki na hindi niya pa rin matukoy.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
51.9K
bc

My Cousins' Obsession

read
188.9K
bc

Daddy Granpa

read
277.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
163.9K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
38.4K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.6K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
248.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook